Kaswal na hinihithit ni Alejandro ang kanyang sigarilyo mula sa kabilang dulo ng linya. “Seaton S. Bart? Namamalikmata ka ba dahil sa katandaan? Hindi ba na-verify na natin ito? Patay na siya. Sinasabi mo ba na kahit papaano ay nakatakas siya?"Nainis sa kanya si Mark. “Kailangan kong mag-double-check. Maganda kung hindi siya nakatakas, pero kung totoo ito, kailangan nating mahanap siya sa lalong madaling panahon. Kung hindi ito mahalaga sayo, kalimutan mo na lang na tinawagan kita. Kung may pumatay sayo, huwag mo akong sisihin na hindi kita binalaan." Binaba ni Mark ang tawag pagkatapos nito....Ibinaba ni Alejandro ang kanyang cellphone, nagpakawala ng usok, at tinawagan si Jett. “Inutusan kita na bantayan si Seaton sa kulungan. Nakakuha ka ba ng kahit anong kumpirmasyon? Buhay pa ba si Seaton?"“Patay na siya,” confident na sinabi ni Jett, “Ang isang taong tulad niya ay hindi makakaligtas ng higit sa ilang araw na nakakulong kasama ang mga matitigas na kriminal na iyon. Bakit g
Nakatayo si Smore sa dulo ng hagdan at makikita ang kalungkutan sa kanyang mukha. Gusto sana niyang ipakita kay Mark ang isang larawang iginuhit niya, ngunit hindi siya pinansin ng kanyang ama.Nasaktan si Arianne nang makita niya ang malungkot na mukha ni Smore. Kinasusuklaman niya ito kapag ang sama ng loob sa pagitan ng mga magulang ay inilabas sa mga inosenteng tao, lalo na kapag si Smore ay isa sa kanila.Nilapitan niya ang nasaktang bata at niyakap ito. "Hindi maganda ang mood ni Daddy," bulong niya. "Hindi niya sinasadya na hindi ka pansinin. Ganito na lang, paano kung ipakita mo sa akin ang ginawa mo?"Isang ngiti ang makikita sa mukha ni Smore—na para bang ito ay isang kayamanan—habang pinapakita niya ang kanyang drawing sa kanyang ina. Pinagmasdan itong mabuti ni Arianne bago ngumiti na puno ng papuri. “Ang galing mo naman, sweetie! Ang galing mo talaga mag drawing! Sige, gusto mo bang makipaglaro kay Lola ng saglit? Kailangang yakapin ni Mama ang Papa mo ngayon dahil masa
Itinaas ni Mark ang ulo niya at tinitigan siya ngunit makikita ang pagkailang sa mga mata nito. "Kaya niyang maghintay ng kaunti pa."Napunta ang mga mata ni Arianne sa kanya, at kumirot ang puso niya. “P-Pwede ba? Naghihintay pa rin para sa atin ang dinner... Bakit ba nalilibugan ka sa lahat ng pagkakataon? God, pwede bang gawin na lang natin ito mamaya?"Ayaw itong tanggapin ni Mark kaya kinagat niya ang gilid ng manggas ni Arianne gamit ang kanyang mga ngipin at hinila ito palayo, dahilan para ma-expose ang chiseled collarbone ni Arianne, hanggang sa napunta ang kanyang mga labi ni Mark sa leeg niya.Naramdaman ni Arianne ang malambot at mainit na sensation na gumugulo sa kanyang isipan, at ang mga braso nito ay awtomatikong pumulupot sa kanyang leeg—Nang lumabas ang dalawa sa study room ni Mark, hindi pa rin nawawala ang scarlet na pamumula sa kanyang mukha, ngunit makikita kay Mark na parang wala siyang nangyari. Mabilis niyang binuhat si Smore pagbaba ng hagdan bago umupo sa
Napaawang ang labi ni Arianne. "May mga tao na nasasabik sa mga ganitong bagay. Napanalo nila ang lahat kapag nagtagumpay sila, at mawawala ang lahat kung talo sila, kung minsan ay mamamatay pa sila. Regardless, anuman ang gusto ni Smore, huwag sumuko sa kanyang kahilingan at huwag mong hayaan na umalis siya ng bahay. Iligal na pumunta dito si Seaton, at ngayon ay wala na siyang identity, kaya wala siyang masyadong iniiwan na footprints. Nangangahulugan iyon na ang investigation sa kanya ay magiging isang hamon, kaya kailangan natin maging observant.’Hindi pa man siya natapos nang tumunog ang phone niya. Tumatawag sa kanya si Tiffany, at dahil nasa kalagitnaan sila ng dinner, sinagot niya ang tawag at nilagay ito sa loud-speaker.At umalingawngaw sa dining room ang walang pag-asa at paos na tili mula kay Tiffany. “Aaaaariiiii! Sinaksak si J-Jackson! Tumawag kami sa 911, at nasa ambulansya kami ngayon, papunta sa ospital. Hindi ko—hindi—natatakot akong sabihin sa kanyang mga magulang
Lumipas ang mahabang panahon hanggang sa nabuksan ang mga pinto ng operation studio, at nagpapakita sa kanila ang isang surgeon na nakasuot ng malaking puting coat. "Sino ang kanyang pamilya dito?"Pinunasan ni Tiffany ang kanyang mga luha bago siya lumapit sa kanya, napabulalas, “Ako! Kumusta siya?"Hinubad ng surgeon ang kanyang maskara at nakahinga ng maluwag. “Walang malalang damage sa kanyang vital organs, pero ang kanyang kanang kidney ay nagtamo ng non-critical damage. Napakaraming dugo ang nawala sa kanya mula sa atake, pero magiging maayos ang kondisyon niya sa blood transfusion. Hindi ba ito isang krimen? Sa tingin ko ay dapat niyo itong ipaalam sa mga pulis."Tumingin si Tiffany kay Mark na may pagmamakaawa sa kanyang mga mata. Umiling siya bago sumagot, “Kami nang bahala dito, Doctor. Salamat."Ang paghahain ng police report ay isang bagay na hindi nila gagawin. Kilala sa bansa ni Seaton na siya ay patay na at kung ni-report niya ito sa pulis ay malalaman ng media na bu
Iniharap ni Melanie ang isang maliit na bowl ng soup kay Tiffany, “Tahan na! Okay lang, alam naman natin ang nangyari. Hindi ba natakot ka sa nangyari? Hayaan mong mapakalma ka ng mainit na sabaw."Ilang sandali pa, unti-unting nagkamalay si Jackson. Iminulat niya ang kanyang mga mata, at nang makita ito ni Tiffany ay niyakap niya ito habang sinasabi. “Hi-Hindi ako makapaniwala—akala ko mamamatay ka na! Tinakot mo ako!"Nanlaki ang mga mata ni Jackson nang may bakas ng pamumula ng dugo sa kanyang pisngi. Napansin ni Arianne ang kakaibang tingin nito, kaya mabilis niyang nilayo si Tiffany mula kay Jackson. “Bitawan mo siya, Tiffany! Nanghihina pa siya dahil sa kanyang operasyon at masakit sa kanya ang ginagawa mo!"Huminga ng mahabang hininga si Jackson matapos siyang makawala sa pagkakahawak ni Tiffany. “Jusko, malamang mamamatay na lang ako ng aksidente balang araw, bae... Tingnan mo nga kung napunit ang tahi ko!"Mabilis na hinila ni Melanie ang kanyang kumot at sinuri siya. "Ok
"Huwag mong sabihin sa nanay ko ang tungkol dito," mabilis na sinabi ni Jackson. “Sabihin mo kay Tiffany na manahimik siya. Hindi ako masyadong nasaktan. Mapapalabas na ako sa loob ng ilang araw. Umuwi na kayong lahat. Gabi na."Pagkalabas ng ospital ay nagsindi ng sigarilyo si Alejandro. "Sa palagay ko ay walang intensyon si Seaton na patayin si Jackson. Mas malapit ka kay Seaton, kaya dapat mong malaman na si Seaton ay isang medical student ilang taon na ang nakakaraan. Dapat alam niya kung saan saksakin ang isang tao para tuluyan nang mawala ang kanyang buhay. Kahit nakalimutan na niya ang kanyang medical knowledge, hindi lang siya titigil sa isang saksak kung talagang gusto niyang pumatay ng tao. Hindi magiging mahirap para sa kanya na patayin din si Tiffany. Obvious naman na hindi niya iyon intensyon. Malamang isang babala lang ito sa atin, at isang paraan para mawala ang sama ng loob niya.""Kung ‘yan nga ang gusto niyang gawin, kailangan nating maglagay ng bodyguards sa ospita
Hindi sigurado si Arianne kung dapat ba siyang tumawa o umiyak. “Tumigil na kayo sa pagtatalo. Hatinggabi na, at pagod na ang lahat. Hayaan mo na si Mark na ituon ang atensyon niya sa pagmamaneho. May apat na buhay sa sasakyan na ito."Hinaplos ni Tiffany ang kanyang tiyan. “Tama, apat na buhay ang nandito. Mas mabuting ituon ang iyong atensyon sa pagmamaneho; sinong nakakaalam kung ang shock mula sa nangyari kanina ay nakaapekto sa sanggol? Magpapa-check up ako bukas kapag binisita ko si Jackson sa ospital.""Nagpadala na kami ng mga tao sa ospital para alagaan siya," sabi ni Arianne habang nakakunot ang kanyang noo. "Hindi ka dapat umalis ng bahay ng mag-isa. Paano kung may mangyaring masama at wala kang kasama? Kahit pa nag-aalala ka kay Jackson, mas mabuting manatili ka sa bahay sa mga susunod na araw. Kung kailangan mo talaga ng check-up, sasamahan kita at si Biran ang maghahatid sa atin doon. Mas ligtas kapag may kasama tayong lalaki."Pagdating nila sa bahay ay agad na nakatu