Inicio / Todos / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Kabanata 1381 Ang Mga Katanungan Kay Arianne
Kabanata 1381 Ang Mga Katanungan Kay Arianne
Para kay Arianne, ang isang diretsong tanong ay parang isang matalim na kutsilyo na tumutusok sa kanyang puso. Dahil dito ay huminga siya ng malalim at sumagot, “Oo, totoo na lumubog ang bangka. Pero masyado pang maaga para sabihin kung may nangyaring masama sa kanya o hindi. At least, walang… nakitang katawan...”

Itinaas ng babaeng pulis ang isang kilay. “Sa tingin ko ay confirmed na ito base sa mga nangyari. Gaano karami ang alam mo sa pangyayaring ito?"

Hindi nagustuhan ni Arianne ang pagiging prangka ng policewoman sa kanyang mga salita, kaya bigla siyang nakaramdam ng galit. Dahil dito sumagot siya nang walang emosyon sa kanyang pananalita, “Isang tao lang na kasama ni Mark ang nakabalik nang ligtas mula sa barko— at iyon ang CEO ng Smith Enterprises, si Alejandro Smith. Sinabi ni Alejandro na lumubog ang barko dahil sa bagyo. Nakita niya na ang lahat ng mga lifeboat ay sadyang nawasak noong sinusubukan niyang tumakas."

Patuloy na nagtanong ang babaeng pulis. “So, hindi aksiden
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP