Para kay Arianne, ang isang diretsong tanong ay parang isang matalim na kutsilyo na tumutusok sa kanyang puso. Dahil dito ay huminga siya ng malalim at sumagot, “Oo, totoo na lumubog ang bangka. Pero masyado pang maaga para sabihin kung may nangyaring masama sa kanya o hindi. At least, walang… nakitang katawan...”Itinaas ng babaeng pulis ang isang kilay. “Sa tingin ko ay confirmed na ito base sa mga nangyari. Gaano karami ang alam mo sa pangyayaring ito?"Hindi nagustuhan ni Arianne ang pagiging prangka ng policewoman sa kanyang mga salita, kaya bigla siyang nakaramdam ng galit. Dahil dito sumagot siya nang walang emosyon sa kanyang pananalita, “Isang tao lang na kasama ni Mark ang nakabalik nang ligtas mula sa barko— at iyon ang CEO ng Smith Enterprises, si Alejandro Smith. Sinabi ni Alejandro na lumubog ang barko dahil sa bagyo. Nakita niya na ang lahat ng mga lifeboat ay sadyang nawasak noong sinusubukan niyang tumakas."Patuloy na nagtanong ang babaeng pulis. “So, hindi aksiden
Hindi alam ng babaeng pulis kung ano ang iniisip ni Arianne noon. Napabuntong-hininga siya at sinabing, "Isasailim si Alejandro sa isang DNA test kaugnay ng mga balita na nangyayari sa internet. Kung siya ay totoong isang anak sa labas ng pamilyang Tremont... masyadong magiging komplikado ang lahat, at alam kong alam mo naman iyon."Nanatiling tahimik si Arianne. Ang pagkakasangkot dito ni Alejandro ang magpapalala ng mga bagay. Gayunpaman, bukod sa kanyang tunay na pagkatao, hindi na makakakuha ng iba pang ebidensya ang mga pulis, kaya hindi nila mahahatulan si Alejandro sa huli. Sa katunayan, lumusong si Mark sa dagat kasama si Alejandro at ang barko lamang ng pamilyang Smith ang lumubog. Halata na hindi natural ang paglubog ng barko, dahil sa sinabotahe life raft na naging sanhi ng pagkamatay ng mga pasahero ng barko. Ang pagbubunyag ng totoong pagkatao ni Alejandro ang magiging dahilan para gawin siyang pangunahing suspek. Gayunpaman, maliban sa pagharap niya sa masasakit na salit
Medyo nahirapan si Jackson na makapagsalita. “Huwag ka nang malungkot, Arianne. Wala pa kaming natatanggap na balita tungkol sa pagkamatay ni Mark, kaya hindi ba malaki ang tsansa na buhay pa siya? Nabalitaan ko rin na dinala kayo ni Alejandro sa police station. Kamusta naman? Minamaltrato ka ba nila? Ang taong nag-post ng balita ay masyadong maingat, kaya hindi ako nakakakuha ng anumang magagamit na impormasyon tungkol sa kanya sa ngayon. Ibinukod ko pa nga ang lahat ng mga suspek, pero wala akong nakuhang mga lead. Hindi pwedeng malaman ng iba na si Alejandro si Ethan. Hindi mahalaga kung nalaman ito noon, pero hindi ito ang tamang oras para malaman ito ng iba. Masyadong mahirap ito at malamang madadawit ka dito. Iniisip ng buong mundo ngayon na ikaw at ang anak sa labas ng pamilyang Tremont ang pumatay kay Mark."Tulalang sumagot si Arianne, "Dinala ng mga pulis si Alejandro para magpa-DNA test. Hindi ko na hinintay na lumabas pa ang kanyang mga resulta.”Nagulat si Tiffany sa kan
Karaniwan ang mga aksidente at tragedy, nangyayari ang mga ito sa kahit sino at kahit anong oras sa mundong ibabaw. Madaling pagtawanan ang ibang tao kung hindi nangyari ang masamang bagay sa kanila. Gayunpaman, kapag nangyari iyon, mapapagod sila sa dami ng kalungkutan at stress na makakaharap nila.Magkasamang umalis sina Jackson, Sylvain, at Robin pagkatapos manatili hanggang hatinggabi, at naiwan sina Tiffany at Plato para samahan si Arianne sa Tremont estate.Kinabukasan, pumunta si Arianne sa opisina. Kitang-kita niya ang kakaibang mga tingin na ibinigay sa kanya ng mga office staff salamat sa news report, ang ilan ay makikitaan pa ng pandidiri sa kanilang mga mukha. Kung mabibigyan sila ng pagkakataon, malamang aawayin at kakalabanin nila si Arianne, hindi ba? Ang mga tao ay kadalasang mga hangal, pinipili nilang paniwalaan ang mga walang kabuluhang tsismis. May kasabihan na gusto ng ilang mga tao na makita ang mundo na nasusunog.Hindi pinansin ni Arianne ang lahat ng tao na
Mahigpit na isinara ni Arianne ang kanyang kamao at umiling. "Okay lang, paki-briefing ako mamaya dahil naiintindihan mo naman. Masakit talaga ang ulo ko…"Tumango si Summer at tumingin sa screen, nakatuon ang kanyang atensyon sa meeting. Gayunpaman, nahirapan rin si Summer na maintindihan ang summer dahil hindi niya sinusunod ang management style ni Mark dati. Dagdag pa, masyadong matanda si Summer para masanay sa mga modern style ng pagtatrabaho. Si Summer ay masyadong napagod sa pakikinig sa mga meeting agenda. Makikita na hindi lang si Arianne ang nahihirapan, mukhang maging si Summer ay nahihirapan. Sa buong meeting, kalahati lang ang naintindihan ni Summer sa lahat ng napag-usapan at kailangan pa niyang i-estimate kung ano ang ipinakita ng mga empleyado.Samantala sa opisina, ang dalawang babae ay binasa ang mga notes tungkol sa meeting at naintindihan nila ang karamihan sa mga pinag-usapan sa meeting.Pagsapit ng gabi, sinundan ni Summer si Arianne pabalik sa Tremont Estate d
Magaling magtago ng emosyon si Helen, tulad ni Arianne. Kahit nalulungkot siya, kayang-kaya niyang umarte na parang walang nangyari. Napaiyak rin si Arianne sa kanyang sarili. Kung umiyak man si Helen ngayon, mas lalo lang magiging malungkot ang sitwasyon. Kailangan lamang gampanan ni Helen ang pagiging tagapakinig at taga-aliw.Sa pagkakataong ito, hindi agad umalis si Helen nang bumalik siya. Nagdesisyon siyang manatili sa Tremont Estate nang pansamantala, kailangan talaga siya ni Arianne ngayon.Ang buhay ay may malupit na paraan para harapin ang mga tao sa katotohanan. Pagdating ng pangatlong buwan pagkatapos ng pagkawasak ng barko, si Arianne ay nasasaktan pa rin sa pagkamatay ni Mark. Naniniwala na siya ngayon na hindi na siya uuwi. Hindi niya kayang hintayin pa si Aristotle nang matagal, kung nabubuhay pa siya...Isang araw ay hindi na umuulan ng snow at iyon ay isang maaraw na hapon, ikinulong niya ang lahat ng bagay na may kaugnayan kay Mark sa isang malungkot na kwarto. Ka
Tumango sa kanya si Seaton. “Mabuti iyan… Naisip ko na ang isang malungkot na maliit na babae tulad mo ay walang magagawa. Humahanga talaga ako sayo. Nabasa ko ang mga comment tungkol sayo sa internet. Huwag mo silang pansinin. Huwag mo lang silang tingnan. Hindi ka masasaktan kung hindi mo ito makikita.""Alam ko, hindi ko kailangang basahin ang mga ito," magalang na sinabi ni Arianne. “Ang lahat ng ito ay paninirang-puri lamang na may iba’t ibang pangalan. Hindi ito sapat para masaktan ako.""Yung mga tsismis sa internet... Fake ang mga iyon, hindi ba?" maingat na tinanong ni Seaton.Tinitigan ni Arianne si Seaton ng ilang segundo. "Sa tingin mo ba totoo ang mga ito?"Ngumiti si Seaton sa kanya. “Bakit? Nagtatanong lang namn ako. Hindi ako naniniwala na gagawin mo ang ganoong bagay. Naghihinala lang ako sa totoong pagkatao ni Alejandro. Ang Alejandro na kilala ko ay isang pilay. Ang kasalukuyang Alejandro ay may gumagana na mga paa. Hindi ba talaga siya ang anak sa labas ng pamil
Tumango sa kanya si Seaton. “Tama, ibenta mo ito. Magiging mas madali ito para sayo. Mas maayos ang itsura mo noong nagkita tayo sa party. Nag-aalala lang ako na baka mabaliw ka sa pagod. Kung gusto mong ibenta ang Tremont Enterprises, matutulungan kita.”“Hindi na,” agad na tumanggi si Arianne. “Salamat sa mabuting offer mo, pero hindi ko ibebenta ang Tremont Enterprises. Iniwan ito ni Mark sa akin. Aalagaan ko ito ng mabuti.”Tumigil si Seaton saka siya bumangon. “Sige. Kailangan ko nang umalis ngayon. Bye.”Tumayo si Arianne at dinala siya sa pinto. Naghintay siya hanggang sa makaalis si Seaton bago niya nilagay ang kanyang kamay sa dibdib niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya!Nanginginig ang boses niya nang tinawagan niya sina Alejandro at Jackson, at sinabihan niya silang pumunta ngayon din. Nagkataong buhat ni Tiffany si Plato pababa ng hagdan at nadatnan niyang mahigpit nitong hawak ang cellphone. "Anong ginagawa mo?" nag-aalalang tinanong ni Tiffany."Alam ko kung sin