Tumango sa kanya si Seaton. “Mabuti iyan… Naisip ko na ang isang malungkot na maliit na babae tulad mo ay walang magagawa. Humahanga talaga ako sayo. Nabasa ko ang mga comment tungkol sayo sa internet. Huwag mo silang pansinin. Huwag mo lang silang tingnan. Hindi ka masasaktan kung hindi mo ito makikita.""Alam ko, hindi ko kailangang basahin ang mga ito," magalang na sinabi ni Arianne. “Ang lahat ng ito ay paninirang-puri lamang na may iba’t ibang pangalan. Hindi ito sapat para masaktan ako.""Yung mga tsismis sa internet... Fake ang mga iyon, hindi ba?" maingat na tinanong ni Seaton.Tinitigan ni Arianne si Seaton ng ilang segundo. "Sa tingin mo ba totoo ang mga ito?"Ngumiti si Seaton sa kanya. “Bakit? Nagtatanong lang namn ako. Hindi ako naniniwala na gagawin mo ang ganoong bagay. Naghihinala lang ako sa totoong pagkatao ni Alejandro. Ang Alejandro na kilala ko ay isang pilay. Ang kasalukuyang Alejandro ay may gumagana na mga paa. Hindi ba talaga siya ang anak sa labas ng pamil
Tumango sa kanya si Seaton. “Tama, ibenta mo ito. Magiging mas madali ito para sayo. Mas maayos ang itsura mo noong nagkita tayo sa party. Nag-aalala lang ako na baka mabaliw ka sa pagod. Kung gusto mong ibenta ang Tremont Enterprises, matutulungan kita.”“Hindi na,” agad na tumanggi si Arianne. “Salamat sa mabuting offer mo, pero hindi ko ibebenta ang Tremont Enterprises. Iniwan ito ni Mark sa akin. Aalagaan ko ito ng mabuti.”Tumigil si Seaton saka siya bumangon. “Sige. Kailangan ko nang umalis ngayon. Bye.”Tumayo si Arianne at dinala siya sa pinto. Naghintay siya hanggang sa makaalis si Seaton bago niya nilagay ang kanyang kamay sa dibdib niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya!Nanginginig ang boses niya nang tinawagan niya sina Alejandro at Jackson, at sinabihan niya silang pumunta ngayon din. Nagkataong buhat ni Tiffany si Plato pababa ng hagdan at nadatnan niyang mahigpit nitong hawak ang cellphone. "Anong ginagawa mo?" nag-aalalang tinanong ni Tiffany."Alam ko kung sin
Habang nag-iisip sila, lalo lang silang binalot ng takot. Kung totoo ang hinala nila, si Seaton ay isang nakakatakot na tao. Nagkamali si Mark sa judgement ng kanyang pagkatao!Pinunasan ni Jackson ang mukha niya at sinabi, “Hindi ko akalain na mangyayari ito... Malaki ang tiwala namin ni Mark sa kanya... pero ito ay nasayang lang! Gusto ni Seaton na magtatag ng maayos na pundasyon sa bansang ito, pero nabigo siyang gawin ito. Ang partnership namin sa kanya ay parating multinational. Hindi ko akalain na ibinaling niya ang kanyang atensyon sa Tremont Enterprises at gumawa talaga siya ng paraan para bilhin ang kumpanya! Ang Tremont Enterprises ay may matibay na pundasyon. Hindi mabibigo si Seaton hangga't siya ang papalit. Ang ibig sabihin lang nito ay pinatay niya si Mark, para lang makamit iyon... Bumalik siya sa Fawkethyse noong pumunta si Mark sa dagat. Logically speaking, magpapakita na dapat agad siya nang malaman niya ang tungkol kay Mark, kahit gaano pa siya ka-busy. Pero naghin
Pumikit si Arianne at hindi siya nakasagot. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagtaka siya sa parehong tanong. Pagkatapos niya itong isipin ng ilang beses, mayroon lamang isang posibilidad kung bakit nangyari ang shipwreck. Sa desperadong oras na iyon, pinagbigyan ni Mark ang mga kahilingan ng kanyang yumaong ama sa huli, at ginampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nakatatandang kapatid. Ano pa ba ang dahilan kung bakit gagawin ni Mark ang bagay na iyon? Malamang totoo ito base sa paninisi ni Alejandro sa kanyang sarili.Talagang kinasusuklaman ni Mark ang lahat ng ginawa ng kanyang ama, pero minsan ay nagkaroon ng mataas na lugar ang kanyang ama sa kanyang puso. Nirerespeto niya ito noon. Siya ang nakapag-impluwensya kay Mark, hanggang sa pinakadulo.Dahil nangyari ito, wala siyang choice kundi tanggapin ang katotohanan.Nang mapansin nila ang pananahimik ni Arianne, naisip ni Jackson na hindi na naman huminto sa pagsasalita si Tiffany. "Ang daldal mo talaga," malumanay niyan
Umalis si Helen sa bisperas ng pasko. Noong taong iyon, wala sa mood si Arianne na maging masaya dahil na-overwhelm siya sa mga nangyari.Nang malapit nang matapos ang bakasyon, biglang hinanap ni Alejandro si Arianne at nagbigay siya ng harsh suggestion. “Napakatagal na; sa tingin ko ay hindi na babalik si Mark. Dapat mong ilipat ang kumpanya sa pangalan mo ngayon."Natahimik ng sandali si Arianne matapos marinig ang sinabi ni Alejandro. "Ang ibig sabihin nito ay inaamin ko sa publiko na patay na si Mark... ayokong gawin iyon."Sinabi ni Alejandro gamit ang kanyang malalim na boses, “Kailangan mong harapin ang katotohanan. Alam mo naman na darating talaga ang araw na ito. At saka, kapag mas maagang inilipat sayo ang kumpanya, magiging komportable ang pakiramdam mo dahil mas madaling i-handle ang mga bagay sa opisina. Nakita mo naman kung gaano kalala ang sitwasyon ng Tremont Enterprises; tapos na ang kumpanya sa sandaling kanselahin ng mga partner na ito ang kani-kanilang kontrata.
Sinunod siya ni Davy at dinala si Charles sa opisina hindi nagtagal pagkaalis niya. Agad namang nagsalita si Charles nang hindi man lang binabati si Arianne. "Nailipat mo na ba ang kumpanya sa pangalan mo?"Hindi akalain ni Arianne na tatanungin niya iyon "Hindi pa. May problema ba?"Kinuha ni Charles ang kanyang panyo sa bulsa ng kanyang jacket at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. “Dapat gawin mo na ito ngayon. May kumukuha ng shares ng kumpanya mula sa iba pang maliliit na shareholder. Kapag nahulog ang part na iyon sa taong iyon, mawawala sayo ang buong share ng kumpanya. May dumating pa kanina pa makipagkita sa akin at balak niyang bilhin ang 2% na mayroon ako, pero tumanggi ako. Pero base sa sitwasyon ng kumpanya ngayon, naniniwala ako na karamihansa ibang shareholders ay pipiliing ibenta ang kanilang shares."Nahulog ang puso ni Arianne. "Mr. Moran, salamat at pumunta ka dito para sabihin ang mga ito. Sinisimulan ko nang gawin iyon. Dapat ay malutas ko ito sa lalong madaling
Sa oras na naging konektado ang tawag, maririnig ang boses ni Beau na nagsasalita ng native language. "Good day, sino ito?"Hindi plano ni Arianne na makipag-usap sa kanyang native language at sinabi, "Ako si Arianne, ang asawa ni Mark Tremont."Agad namang nakipag-usap si Beau gamit ang English language, "Hello, hindi ko inasahan ang tawag mo. May problema ba?"Naramdaman ni Arianne na kakaiba ang inaasal nito. Hindi ba malapit si Beau kay Mark at Jackson? Bakit hindi tungkol sa aksidente ni Mark ang sinabi niya, pero napaka-simple lang ng kanyang approach? Pwedeng hindi siya aware sa insidenteng ito, o alam niya ito at pumapanig siya kay Seaton.Pinakalma ni Arianne ang kanyang sarili at sinabing, "Binabasa ko lang ang listahan ng mga shareholder ng Tremont Enterprise, at nalaman ko na may 5% share ang hawak ng nanay mo. May balak ka bang ibenta ito? Kung oo, pwede mo bang pag-isipan na ibenta sa akin ang shares?"Napahinto ng sandali si Beau bago siya sumagot, “Bakit ko naman g
Pagbaba ng tawag, nakahinga ng maluwag si Arianne. Mabuti na lang at hindi kasabwat ni Beau si Seaton.Dahil wala silang oras, hindi na nagkaroon ng panahon si Arianne na mag-alinlangan pa at agad niyang sinimulang ilipat sa pangalan niya ang pagmamay-ari ng kumpanya. Ang buong proseso ay tumagal ng humigit-kumulang kalahating buwan.Binalikan din ni Beau si Arianne. May naghahanap talaga sa nanay niya. Sinabi pa ng tao na nasa panganib ang Tremont Enterprises at sinabi na mas mabuting ibenta ang kanilang share. Hindi kaagad nakasagot si Sonya sa kanya at patuloy lamang niyang sinuri ang pinakabagong sitwasyon sa kumpanya. Hinanap siya ni Beau pagkatapos nito at pumayag ang kanyang nanay na ibenta ang kanilang shares kay Arianne.Sa puntong iyon, nakikipagkarera na si Arianne sa oras. Kahit na nasa pangalan na niya ang kumpanya at pagmamay-ari niya ang maraming shares, natatakot pa rin siya na ang kalaban ay aangkinin ang partial ownership sa sandaling makakuha sila ng sapat na shar