Ipinakita ni Seaton ang mapagpakumbaba niyang mukga. “Kapag kasing tagal mo na ako sa mundo ng negosyo, matututo kang manghula ng mangyayari sa hinharap. Sa ngayon, si Aerse ay may 23% shares ng kumpanya at gusto niyang bawiin ang equity. Naniniwala ako na makakabuti para sayo ibenta ang Tremont Enterprise dahil hindi ka makakaipon ng masyadong malaking pera."Walang tono na tumawa si Arianne. "Kahit na pumayag akong ibenta ito, hindi lahat ng tao ay kayang bilhin ito.”Dumiretso sa punto si Seaton at sinabing, “Kung naniniwala ka sa akin, pwede mo sa akin ibenta ang kumpanya. Base sa relasyon namin ni Mark, pahahalagahan ko ang kumpanya na parang akin ito. At saka, makakatakas ka sa mapanganib na sitwasyon na kinalalagyan mo ngayon."Bumuntong-hininga si Arianne at hindi naglalabas ng anumang emosyon sa kanyang mukha. "Mr. Bart, kaya mo na bang maging prangka kaysa magpaligoy-ligoy pa?"Pinikit ni Seaton ang kanyang mga mata. "Anong sinasabi mo?"Tinanggal ni Arianne ang ngiti sa
Minamaliit niya kung gaano kasama ang mga tao. May mga tao na hindi titigil hangga’t hindi sila kumikita, hindi nila pinapansin ang kabuhayan ng iba at binabalewala ang lahat ng kahihinatnan.Nang makalayo na si Seaton, humakbang pasulong si Melanie at inaliw siya. “Huwag kang mag-alala, tutulungan ka namin ni Alex. Makakahanap tayo ng clues hangga’t si Seaton ang nasa likod nito."“Salamat, Melanie,” nakangiting sinabi ni Arianne. “Mahirap buhatin ang Tremont fortune... Totoo pala talaga na si Seaton talaga ang nasa likod nito. Inamin niya ito kanina lang. Sisiguraduhin ko na pagbabayarin niya ito!" Hindi magiging madali na talunin si Seaton, pero ayaw niyang sumuko. Kapag naging matatag na ang Tremont Enterprises, makakahanap siya ng ebidensyang magpapatunay sa pagkakasangkot ni Seaton sa assassination kay Mark!Determinado si Arianne na baguhin ang kanyang isip dahil masyado siyang minaliit ni Seaton. Alam niyang ka-level ni Seaton si Mark at wala rin siyang malalapitan. Gayunpam
Biglang umalingawngaw ang kulog mula sa kalangitan. Tinakpan ni Arianne ang kanyang tenga sa sobrang sakit. Ayaw niya sa ulan. Masyadong nakakatakot sa kanya ang tunog ng kulog...Mabilis na tumakbo si Mary para isara ang lahat ng pinto at bintana sa Tremont Estate para harangan ang tunog ng bagyo. “Ari, wala na ang ingay. Matulog ka na. Huwag mo nang pahirapan ang iyong sarili. Kailangan ka ng Tremont household…”Walang ganang ibinaba ni Arianne ang shirt ni Mark. “Mary, subukan mong linisin lahat ng gamit na nasa loob. Okay lang kung hindi mo maalis ang mga mantsa, pero panatilihin mo ito para sa akin. Huwag mong itapon ang alinman sa mga ito." Hindi niya matanggal ang pakiramdam na babalik si Mark. Gayunpaman, napakaraming buwan na ang lumipas at nahirapan siyang harapin ang katotohanan.Malungkot siyang umakyat sa hagdan at pumunta sa nursery para makita si Aristotle. Si Tiffany ay natutulog sa nursery kasama ang dalawang sanggol, isa sa kaliwa at isa sa kanyang kanan, habang na
Inilabas ni Alejandro ang isang tseke bago siya makapagsalita. "Ito ang mga funds na pwede kong ipahiram sayo. Ipaalam sa akin kung magkano pa ang kailangan mo at maghahanda ako ng mas maraming pondo."Tiningnan ni Arianne ang numbers sa tseke at gumawa siya ng rough estimate. "Sa tingin ko ay sobra na ito. Salamat."Napaawang ang labi ni Alejandro. “Bakit ka nagpapasalamat sa akin? Hindi ko matatanggap ang iyong pasasalamat. Sasabihin ko kay Melanie na kumuha din ng pera mula sa kanyang pamilya. Iyon ang pinakamahusay na magagawa ko."Personal siyang ginawan ni Arianne ng isang tasa ng tsaa. “Black tea. Paborito ng kapatid mo."Makikita ang lungkot sa mga mata ni Alejandro. Kinuha niya ang tasa at humigop. "Kumusta ang kumpanya? Bukod sa shares.”Napabuntong-hininga si Arianne. "Marami sa ating partner ang nagsisikap na tapusin ang mga kontrata natin. Karamihan sa mga ito ay malamang na instigated. Sa totoo lang, hindi masyadong makakaapekto sa kanila kung ipagpapatuloy ang partn
Ang shares ang pinakamalaking problema ng Tremont Enterprise. Ngayong inayos na ito ni Arianne, nagalit siya sa pamilyang Smith, Lark, at pamilyang West dahil tinulungan nila si Arianne. Sa pagkakataon na ito, kailangan niyang hintayin na maging mahina ang Tremont Enterprise bago siya tuluyang umatake. Kung hindi, mapupunta sa wala ang mga effort niya kapag naka-recover ang Tremont Enterprise sa management ni Arianne.Nang makita ni Aerse ang kanyang malungkot na itsura, bigla siyang naudyukan na magtanong, “Mr. Bart, valid pa ba ang nauna nating agreement? Ginawa ko ang lahat ng sinabi mo. Ang final result ay walang kinalaman sa akin.”Tiningnan ng masama ni Seaton si Aerse bago niya sinabi, “Anong agreement? Iyon ba ang 10% ng Tremont Enterprises? Buksan mo ang mga mata mo, sino sa tingin mo ang nagko-kontrol sa Tremont Enterprise? Ako ba? Saan ko kukunin ang 10% sayo? Oo, nagkaroon tayo ng agreement—kapag nakuha ko ang buong Tremont Enterprises, hindi ba? Pero hindi ko ito hawak,
Ang mga sulok ng labi ni Arianne ay nagpakita ng maluwag na ngiti. "Okay lang. Ganito na lang. Mayroong 23% shares sa kabuuan doon. Hinati ko ito ayon sa pera na ibinigay ng iyong pamilya. Tingnan at pirmahan ito kung okay lang sa inyo. Sa ganoong paraan, si Charles lang ang may 2% shares. Ang iba ay sa atin na. Salamat sa pagsasama-sama at pagtulong sa akin ngayong kailangan ko ito. Natapos na sana ang Tremont Enterprises kung hindi dahil sa inyo. Hindi mapapalagay ang isip ko kung hindi kayo papayag dito. Nararapat lang para sa inyo ‘yan. Aalagaan kong mabuti ang Tremont Enterprises. Salamat."Biglang nag-alangan sina Jackson at Alejandro tungkol sa pagpirma sa dokumento. Si Melanie lang ang unang pumirma. “Hindi ko ito mapigilan. Kailangan kong pumirma. Mag-isip kayong dalawa."Tumingin si Alejandro kay Jackson at sinabing, “Ikaw ang pumirma. Hindi mahalaga kung gagawin mo ito dahil hindi ako pipirma. Kung malalaman ni Mark na ang shares ng Tremont Enterprises ay pag-aari ko, haha
Wala nang naitanong pa si Arianne. May mga bagay na mas mabuti nang hindi pag-usapan.…Sa isang lugar sa ibang bansa ay makikita sa loob ng ospital ang isang mahinang lalaki na nakahiga sa kanyang kama habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa screen ng kanyang cellphone. Makikita sa maliit na screen ang dining hall sa loob ng Tremont Estate.Makikita ang ngiti sa kanyang mga labi habang ang kanyang mga mata ay nakatitig kay Arianne at Smore na may matinding kalungkutan.Kasalukuyang minamasahe ni Henry ang kanyang mga binti. “Sigurado ka bang gusto mong i-sikreto sa iyong asawa na buhay ka pa, Mr. Tremont? Hindi namin masabi sa kanya noon dahil na-coma ka at medyo malala ang kondisyon mo. Pero ngayon, nalampasan mo na ang pinaka kritikal na stage sa buhay mo. Magandang pahiwatig iyon para ipaalam kay Madam, tama ba?" suggestion niya. "Hindi maganda ang kanyang mental shape, Mr. Tremont. Nagkaroon pa siya ng malalang kaso ng migraine. Madalas ay nakikita pa siyang nakaupo sa loob
Nanahimik ng sandali si Mark nang mabanggit si Alejandro, ang kanyang isip ay naging kakaiba kahit para sa sarili niya. Sa hindi malamang dahilan, biglang sumagi sa isip niya na mas malala pa ang pagkabata ni Alejandro kaysa sa kanya. Siya ay isang Tremont tulad ni Mark, ngunit hindi sila tinatrato nang pantay.Ito ang reparation ni Tremont, matagal nang dumating ito at dapat ay ginawa ito ng kanyang ama. Nagpasya si Mark na buburahin niya ang utang na iniwan ng kanyang ama para wala na siyang utang sa kanyang stonehearted half-brother.May isa pang pag-iisip na nagsasabi kay Mark na kung hindi hinanda ng kanyang ina ang plane crash na iyon, malamang ay magiging maayos ang buhay ni Ethan, kahit na hindi pa rin siya ituturing bilang isang legitimate na anak ng pamilyang Tremont. Sa madaling salita, kahit na hindi malinis ni Mark ang pagkakamali ng kanyang ama, gusto niyang magbayad para sa kasalanan ng kanyang ina.Ito ang dahilan kung bakit hinawakan ni Mark ang isang piraso ng lumu