Hinintay niyang makaalis si Davy, saka niya tinitigan ang black tea sa coffee table. Ang kanyang matibay na itsura ay tuluyang nabasag at gumuho. Hindi niya man lang nainom ang tsaa. Parehong paborito ni Mark ang temperatura at lasa nito. Iniinom niya ito sa lahat ng pagkakataon. Nakahiga siya sa desk ng opisina at umiyak, hininaan niya ang kanyang boses hangga't maaari sa pamamagitan ng pagkagat sa labi hanggang sa bumuhos ang dugo sa labi niya.Mark, bumalik ka na ha? Hindi na kita aawayin, at hindi na kita gagalitin...Mark, hindi ko magagawa ito kung wala ka. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.Mark, pinaglalaruan mo lang ako, hindi ba?Habang naghahanda na siyang umuwi nang gabing iyon, napansin ni Davy na namumula ang kanyang mga mata at bigla siyang naghinala. Gayunpaman, hindi siya naglakas-loob na magtanong tungkol dito.Hinatid siya ni Brian pabalik sa Tremont Estate. Tumingin siya sa bintana habang pauwi at nagtanong, “Sa tingin mo ba babalik siya? Hindi kaya may milag
Napaluha si Mary nang makita ang kasalukuyang kalagayan ng mag-ina. “Huwag kang mag-alala, Mrs. Tremont. Magtrabaho ka lang diyan; iwan mo sa akin si Aristotle. Bata pa siya, kaya hindi niya ito maiintindihan. Pero maiintindihan niya ito kapag matanda na siya."Tumango sa kanya si Arianne. Nag-almusal siya bago siya pumunta sa opisina. Mas maganda ang kalagayan niya ngayon. Kahit papaano ay maayos ang kanyang kalagayan habang nasa opisina ni Mark, at hindi siya umiyak. Wala siyang oras para umiyak. Marami siyang dapat matutunan at kakaunting oras lang ang meron siya. Gusto niyang umalis dito kahit ilang minuto lang.“Gusto mo ba ng makakain, Mrs. Tremont?” Tanong ni Davy pagdating ng lunchtime nang mapansin niyang tila wala itong planong lumabas para mananghalian. "Mag-o-order ba ako ng take-out?""No thanks, hindi ako nagugutom," sagot ni Arianne sabay wave ng kamay. "Iidlip muna ako ng saglit, medyo pagod na ako." Saglit lang siyang nakatulog kagabi at hindi na niya kayang suporta
Tumango sa kanya si Arianne. "Okay salamat. Magiging abala pa ako kay Mrs. West."Niyakap ni Tiffany si Arianne, at sobra siyang naawa sa kanya. “Ari, kumapit ka lang. Paano kung buhay pa si Mark? Siya ay isang survivor. Magiging okay lang siya.”Sumandal si Arianne sa yakap ni Tiffany at napapikit siya habang naka-relax. "Sana nga…"Humagulgol si Tiffany nang umalis sila sa Tremont Enterprises. “Sa tingin ko ay may kinalaman si Alejandro dito. Hindi ba sinabi sayo ni Mark na si Alejandro ang nag-imbita sa kanya sa yate? Isa itong pagsasabwatan! Dapat noon pa man ay ipinakulong na natin siya! Ang dahilan kung bakit tumanggi siyang kunin ang Tremont Enterprises ay dahil nagsisisi siya! Hindi niya kayang gawin iyon! Hindi pwede, kailangan ko siyang tanungin! Kapatid niya iyon. Anong mangyayari kay Ari kung mamatay si Mark?"Pinunasan ni Jackson ang mga luha niya gamit ang tissue paper. "Kumalma ka. Kahit na sinabi ni Arianne na walang kinalaman si Alejandro, natatakot ako na baka mab
Si Tiffany ay naglabas ng lifetime supply ng mga pagmumura nang makita niya ang balitang iyon. Paano maniniwala ang napakaraming tao sa isang walang basehan na akusasyon?Nagtataka ang lahat kung bakit gustong makasama ni Arianne ang lalaking pumatay sa kanyang ama. Ngunit lumalabas na walang ibang dahilan maliban sa paghihiganti. Sinabi pa nila na malamang ay gumamit siya ng mga kakaibang pamamaraan para mapapangasawa siya ni Mark.Di-nagtagal, ang Tremont Estate ay napapaligiran ng mga reporters, 24/7, at silang lahat ay naglalaban na malaman ang katotohanan mula kay Arianne.Hindi makalabas ng bahay si Arianne. Wala siyang choice kundi makiusap kay Summer na asikasuhin ang kumpanya sa ngayon. Nabasa niya ang balita tungkol kay Mark nang hindi mabilang na beses at napagtanto niya na may mali—ang balita ay inakusahan si Mark bilang ang mamamatay-tao sa likod ng pag-crash ng eroplano, ngunit alam niya na ang nanay ni Mark ang may kagagawan nito, hindi si Mark mismo. Ang ibig sabihin
Para kay Arianne, ang isang diretsong tanong ay parang isang matalim na kutsilyo na tumutusok sa kanyang puso. Dahil dito ay huminga siya ng malalim at sumagot, “Oo, totoo na lumubog ang bangka. Pero masyado pang maaga para sabihin kung may nangyaring masama sa kanya o hindi. At least, walang… nakitang katawan...”Itinaas ng babaeng pulis ang isang kilay. “Sa tingin ko ay confirmed na ito base sa mga nangyari. Gaano karami ang alam mo sa pangyayaring ito?"Hindi nagustuhan ni Arianne ang pagiging prangka ng policewoman sa kanyang mga salita, kaya bigla siyang nakaramdam ng galit. Dahil dito sumagot siya nang walang emosyon sa kanyang pananalita, “Isang tao lang na kasama ni Mark ang nakabalik nang ligtas mula sa barko— at iyon ang CEO ng Smith Enterprises, si Alejandro Smith. Sinabi ni Alejandro na lumubog ang barko dahil sa bagyo. Nakita niya na ang lahat ng mga lifeboat ay sadyang nawasak noong sinusubukan niyang tumakas."Patuloy na nagtanong ang babaeng pulis. “So, hindi aksiden
Hindi alam ng babaeng pulis kung ano ang iniisip ni Arianne noon. Napabuntong-hininga siya at sinabing, "Isasailim si Alejandro sa isang DNA test kaugnay ng mga balita na nangyayari sa internet. Kung siya ay totoong isang anak sa labas ng pamilyang Tremont... masyadong magiging komplikado ang lahat, at alam kong alam mo naman iyon."Nanatiling tahimik si Arianne. Ang pagkakasangkot dito ni Alejandro ang magpapalala ng mga bagay. Gayunpaman, bukod sa kanyang tunay na pagkatao, hindi na makakakuha ng iba pang ebidensya ang mga pulis, kaya hindi nila mahahatulan si Alejandro sa huli. Sa katunayan, lumusong si Mark sa dagat kasama si Alejandro at ang barko lamang ng pamilyang Smith ang lumubog. Halata na hindi natural ang paglubog ng barko, dahil sa sinabotahe life raft na naging sanhi ng pagkamatay ng mga pasahero ng barko. Ang pagbubunyag ng totoong pagkatao ni Alejandro ang magiging dahilan para gawin siyang pangunahing suspek. Gayunpaman, maliban sa pagharap niya sa masasakit na salit
Medyo nahirapan si Jackson na makapagsalita. “Huwag ka nang malungkot, Arianne. Wala pa kaming natatanggap na balita tungkol sa pagkamatay ni Mark, kaya hindi ba malaki ang tsansa na buhay pa siya? Nabalitaan ko rin na dinala kayo ni Alejandro sa police station. Kamusta naman? Minamaltrato ka ba nila? Ang taong nag-post ng balita ay masyadong maingat, kaya hindi ako nakakakuha ng anumang magagamit na impormasyon tungkol sa kanya sa ngayon. Ibinukod ko pa nga ang lahat ng mga suspek, pero wala akong nakuhang mga lead. Hindi pwedeng malaman ng iba na si Alejandro si Ethan. Hindi mahalaga kung nalaman ito noon, pero hindi ito ang tamang oras para malaman ito ng iba. Masyadong mahirap ito at malamang madadawit ka dito. Iniisip ng buong mundo ngayon na ikaw at ang anak sa labas ng pamilyang Tremont ang pumatay kay Mark."Tulalang sumagot si Arianne, "Dinala ng mga pulis si Alejandro para magpa-DNA test. Hindi ko na hinintay na lumabas pa ang kanyang mga resulta.”Nagulat si Tiffany sa kan
Karaniwan ang mga aksidente at tragedy, nangyayari ang mga ito sa kahit sino at kahit anong oras sa mundong ibabaw. Madaling pagtawanan ang ibang tao kung hindi nangyari ang masamang bagay sa kanila. Gayunpaman, kapag nangyari iyon, mapapagod sila sa dami ng kalungkutan at stress na makakaharap nila.Magkasamang umalis sina Jackson, Sylvain, at Robin pagkatapos manatili hanggang hatinggabi, at naiwan sina Tiffany at Plato para samahan si Arianne sa Tremont estate.Kinabukasan, pumunta si Arianne sa opisina. Kitang-kita niya ang kakaibang mga tingin na ibinigay sa kanya ng mga office staff salamat sa news report, ang ilan ay makikitaan pa ng pandidiri sa kanilang mga mukha. Kung mabibigyan sila ng pagkakataon, malamang aawayin at kakalabanin nila si Arianne, hindi ba? Ang mga tao ay kadalasang mga hangal, pinipili nilang paniwalaan ang mga walang kabuluhang tsismis. May kasabihan na gusto ng ilang mga tao na makita ang mundo na nasusunog.Hindi pinansin ni Arianne ang lahat ng tao na