\Kabaliktaran ang kalmadong kilos ni Alejandro sa matinding galit ni Melanie. Kung mas kalmado siya, mas lalong nagagalit si Melanie. “Sabi ko hihiwalayan na kita. Tapos na ang usapan!"Kalmado ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya mula sa gilid ng mga mata. “Dahilan?”Naikuyom ni Melanie ang kanyang mga kamao at sinabi sa pamamagitan ng pagngangalit ng kanyang mga ngipin, “Sapat na sa akin ang buhay na ito. Ganun lang kasimple.”Napangisi si Alejandro. “Noong nakaraan, walang nakarinig sa mga pakiusap ko kapag sinabi kong ayaw ko sa kasal na ito. Ngayon, dapat kong tanggapin na pagod ka na at pinakawalan ka? Bigyan mo ako ng mas magandang dahilan. Gawin itong mas kapani-paniwala. Ipagkakaloob ko sa iyo ang diborsiyo kung kaya mo akong bigyan ng kapani-paniwalang dahilan.”Nanginginig si Melanie habang sinasabi, “Una, iniisip mo pa rin si Tiffany. Pangalawa, hindi maganda ang pakikitungo mo sa akin. Palagi mong binabalewala ang nararamdaman ko, at lubos akong nabigo sa iyo
Tumawa si Melanie sa kanyang mga luha. “Wala…wala. disappointed lang ako sa kanya. Hindi niya ako mahal at hinding-hindi niya ako kailanman minahal. Pagod na ako at nawalan na ako ng gana na magpatuloy pa. Hindi na magbabago ang isip ko, ang gusto ko lang ay ang anak ko. Gayunpaman, tumanggi si Alejandro na makuha ko siya at sinabi niyang gusto niyang panatilihin si Melissa sa kanya. Hinding-hindi ako papayag na mangyari ‘yon.”Bahagyang nagalit si Tiffany. "Relax, alam ko ang nararamdaman mo. Naiintindihan ko kung gaano kahalaga sa iyo ang iyong anak dahil ina rin ako. Bakit hindi mo ako kausapin para malinisan ang ulo mo? Mas gaganda ang pakiramdam mo. Nandito ako para makinig.”Nagpatuloy ang pakikipag-chat ng mga babae hanggang sa ibinaba ni Tiffany ang tawag dahil may aasikasuhin pa siya. Tutal nasa opisina pa rin si Tiffany.Habang nagtatrabaho si Tiffany, iniisip niya ang tungkol kay Melanie na gustong hiwalayan si Alejandro. Pagkatapos niyang gawin ang kanyang trabaho, nag-i
Napansin ni Jett ang mga luha sa kanyang mga mata nang makabalik siya sa sasakyan. Nalaglag ang panga niya nang makita ito. Si Tiffany lang ang magpapalungkot sa kanya hanggang sa puntong ito.“Magmaneho ka,” utos ni Alejandro, “Bumalik tayo sa opisina.”Mabilis na pinaikot ni Jett ang sasakyan, masyado siyang natatakot na magsalita pa. Sa sandaling iyon, kahit anong sabihin niya ay masyadong mapanganib para sa kanya.Pinagmasdan ni Tiffany ang sasakyan ni Alejandro na umandar palayo at nakahinga siya ng maluwag. Umaasa siyang makikinig sa kanya ang lalaking ito. Hindi siya sigurado kung tama ang naging desisyon niya na makipagkita sa kanya. Pero kahit papaano ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang kanyang nakaraan. Napakasarap ng pakiramdam na ito. Ang lahat ng kanyang kalungkutan ay naging isang pabigat na lamang, at kailangan niyang mamaalam dito sa isang punto. Ang pagpapaalam ay magiging tanda ng isang bagong punto sa kanyang buhay.Nagsimula siyang maglakad palayo
Ilang segundong tinitigan ni Alejandro si Jett. “Kung babae ka lang, siguro makakaramdam ako ng comfort kahit papaano. Tumigil ka na pag-aaksaya ng oras ko dito. Hindi ko kailangan na bantayan mo ako."Naging matatag si Jett sa kanyang desisyon at hindi siya umalis.“Hindi naman ako mabait sayo. Wala ka bang sama ng loob?" mapangasar na sinabi ni Alejandro, “Wala na si Don Smith. Malamang gusto mo ring umalis, hindi ba? Kung gusto mong umalis, hahayaan na kita."“Naisip ko na ito noon,” seryosong sinabi ni Jett, “Pero biglang nagbago ang isip ko. Hindi ka talaga mabait sa akin, pero hindi ka rin ganoon kasama. Sinong makakapagsabi kung mapupunta ako sa mas masahol na sitwasyon kung lumipat ako ng boss? Bakit ko naman gugustuhing maranasan iyon? At saka, nasanay na ako na magtrabaho para sayo."Hinaplos ni Alejandro ang kanyang baba at tinitigan siya ng mataimtim. "Hindi ko akalain na magkakaroon na magiging matapat ka sa akin." kasunod nito, isang pakiramdam ng kawalan bumalot sa k
Biglang bumaba sa hagdan si Melanie nang marinig niya ang sasakyan. Sinugod niya si Alejandro nang makita niya ito at hinawakan ang damit ng lalaki. “Ibalik mo sa akin ang anak ko! Hindi siya sanay sa powdered milk, at umiiyak siya kapag nalalayo siya sa akin! Saan mo siya dinala?"Napabuntong hininga si Alejandro bago niya sinabing, “Bakit ba parati kang… emosyonal? Pwede bang huminahon ka? Anak ko rin siya. Ano pa ba ang magagawa mo sa kanya? Bumalik ka sa kwarto, huminahon ka, at sasabihin ko kay yaya na dalhin si Melissa sayo. Tatakutin mo lang si baby sa ugali mo na ‘yan."Hindi napansin ni Melanie ang gentlenes sa kanyang tono, dahil parang mababaliw na siya sa sandaling ito. Natatakot siyang ipakulong siya nito. Sa katunayan, ginagawa niya ito ngayon. Hindi niya hahayaang umalis si Melanie, lumapit sa kanyang anak o kontakin ang sinuman. "Sinong nakakatakot sa atin? Ikaw ang pinakanakakatakot sa lahat!"Biglang nanigas ang katawan ni Alejandro, ngunit hindi ito halata. “Ganya
Matagal bago niya napakalma ang sarili niya. Kinagat ni Melanie ang likod ng kanyang kamay hanggang sa magdugo ito para lang mapakalma ang kanyang sarili. Nang makarating siya sa kanilang kwarto, nakita niya na katatapos lang maligo ni Alejandro at nakaupo siya sa harap ng bintana, habang naninigarilyo. Hindi masyadong halata ang galit sa kanyang mukha sa ilalim ng mainit na ilaw, nagmukhang malumanay ang kanyang itsura. Nilakasan ni Melanie ang kanyang loob habang naglalabas siya ng divorce letter. “Ginawa ko ito kagabi. Sinabi ko na ito kanina, ang gusto ko lang makuha ay ang baby. Nagmamakaawa ako sayo na pirmahan mo na ito.”Humarap sa gilid si Alejandro para tingnan ang agreement sa kanyang kamay. Hanggang sa umangat ang kanyang mga mata sa nagdudugong kamay ng babae. “Hindi ako ang dahilan kung bakit ka nababaliw, ikaw iyon. Ibaba mo ang papel na ‘yan at ang bandage wound. Kailangan ko ng oras para mag-isip.”Nakahinga ng maluwag si Melanie nang mapagtanto niyang hindi nagwala
Iritable siyang tiningnan ni Mark habang sinasabi, “Anong ibig sabihin mo sa ‘babaeng tulad ni Arrianne’? Ingatan mo ang mga salita mo.”Walang pakialam na tumawa si Alejandro. “Hindi ko sinasadyang sabihin iyon sa ganoong paraan. Sinasabi ko lang na mahirap siyang i-handle. Siya ang tipo ng babae na mas pipiliing mamatay kaysa sumuko. Paano mo siya nakumbinsi na makasama ka? Curious lang ako…”Hindi sinagot ni Mark ang kanyang tanong. Sa halip, tinanong niya lang ito. “Nabalitaan ko na umabot na sa divorce ang problemang ito. Mababaliw ka na ba? Iyon ba ang rason kung bakit pumunta ka para kausapin ako? Ang paraan para ibigay ng babae ang buong buhay niya sayo ay kung mamahalin ka niya.”Biglang nangamba si Alejandro. “Paano kung mahal ka na niya? Bakit biglang gusto niyang makipaghiwalay? Anong gagawin ng isang tao sa ganitong sitwasyon?" confident siya na mahal pa rin siya ni Melanie.Makikita sa mukha ni Mark ang inis. "Problema mo na ‘yan. Tigilan mo na ako at busy ako. Wala k
Nabigla si Melanie nang marinig ito. “Paano naman ito nangyari? Hindi rin niya ako pinayagang lumabas nang walang laban. Kahit papayagan akong lumabas, kailangang sumama si Jett. Alam mo ba kung bakit? Dahil natatakot siya na baka ibalik ko si Melissa sa Ayashe. Binanggit ko ang posibilidad ng… divorce sa kanya, pero hindi ko alam kung bakit hindi niya pinirmahan ang mga papel.”"Malinaw na ayaw niya ng divorce," sabi ni Arianne, sinubukan niyang pag-aralan ang sitwasyon ni Melanie. “Higit isang taon na kayong kasal. May anak na kayo, kaya ang divorce... ay hindi dapat balewalain. Bakit mo gusto iyon? Pwede mong sabihin sa akin kung bakit."Pinanood ni Melanie ang mga ulap na lumilipad sa kalangitan habang bumubulong siya, “Noong una, masaya ako sa kasal namin. Totoo na mahal na mahal ko siya. Gusto kong gugulin ang natitirang bahagi ng aking buhay kasama siya hangga’t maaari. Pero paulit-ulit niyang sinira ang puso ko. Itong mga kalungkutan at disappointment ay naipon na, alam mo ba