Nabigla si Melanie nang marinig ito. “Paano naman ito nangyari? Hindi rin niya ako pinayagang lumabas nang walang laban. Kahit papayagan akong lumabas, kailangang sumama si Jett. Alam mo ba kung bakit? Dahil natatakot siya na baka ibalik ko si Melissa sa Ayashe. Binanggit ko ang posibilidad ng… divorce sa kanya, pero hindi ko alam kung bakit hindi niya pinirmahan ang mga papel.”"Malinaw na ayaw niya ng divorce," sabi ni Arianne, sinubukan niyang pag-aralan ang sitwasyon ni Melanie. “Higit isang taon na kayong kasal. May anak na kayo, kaya ang divorce... ay hindi dapat balewalain. Bakit mo gusto iyon? Pwede mong sabihin sa akin kung bakit."Pinanood ni Melanie ang mga ulap na lumilipad sa kalangitan habang bumubulong siya, “Noong una, masaya ako sa kasal namin. Totoo na mahal na mahal ko siya. Gusto kong gugulin ang natitirang bahagi ng aking buhay kasama siya hangga’t maaari. Pero paulit-ulit niyang sinira ang puso ko. Itong mga kalungkutan at disappointment ay naipon na, alam mo ba
Ang dalawang babae ay nagpaalam sa isa't isa at naghiwalay na sila ng landas nang malapit nang magdilim.Si Melanie ay makikita na isang masiglang babae pagkatapos ng pag-uusap nila. Mukhang nag-ugat ito nang gumaan ang kanyang mga alalahanin.Bumalik siya sa Smith Manor at ipinagpatuloy ang dati niyang buhay nang hindi binabanggit ang divorce. Sinabi niya sa kanyang sarili na bibigyan niya ng huling pagkakataon ang relasyon nila ni Alejandro.Palihim na ni-report ni Jett ang bagong emotional development ni Melanie kay Alejandro.Nang marinig iyon, hindi na nagtago pa si Alejandro at umuwi siya nang mas maaga kaysa karaniwan niyang ginagawa upang makipaglaro sa kanyang anak na babae. Umaasta siya na parang walang nangyari. Tumigil siya sa pakikipaglaro kay Melissa nang bigla itong humagulgol at hindi nakatulong ang anumang ginawa niya para patahanin siya.Walang binanggit ang hiwalayan. Walang nakakaalam kung tahimik na tinapon ni Alejandro ang divorce agreement na ibinigay sa kan
Tumango sa kanya si Arianne. “Iyan ang isang magandang idea. Pero naisip ko na gusto kang makatrabaho ni Alejandro sa loob ng mahabang panahon? Medyo disrespectful na gamitin siya bilang isang learning opportunity at itapon siya sa future, tama ba? Kung naisip ni Alejandro na sumasabay ka lang dahil naghahanap ka ng mga experience para sa sarili mong transportation business sa future. Hindi ba ito magdudulot ng sama ng loob sa pagitan niyong dalawa?"Natural lang na naisip na ito noon ni Mark. “Kahit anong scenario ang maisip mo, naisip ko na ito, pati na rin si Alejandro. Alam niyang nagdadalawang-isip akong magkaroon ng long term partnership o exclusive contract. Pero kung hindi niya kakayanin ang magagandang prospect na tulad nito, pwede na siyang huminto sa pagiging isang negosyante."Patuloy na nagsalita si Mark, “At saka, kaswal kong pinag-iisipan na gumawa ng isang transportation business. Hindi ko pa talaga ito masyadong pinag-isipan. Pagkatapos ng lahat, ang Tremont Enterpri
Umalingawngaw ang boses ni Alejandro mula sa kanyang likuran. "May nangyaring masama sa kapatid ko."Nanginginig ang mga paa ni Arianne sa kanyang narinig. Muntik na siyang matumba habang pababa ng hagdan. Mabuti na lang at nasalo ni Alejandro ang kanyang kamay sa tamang oras. Gayunpaman, medyo mahigpit ang pagkakahawak niya.Inayos ni Arianne ang kanyang sarili at pinilit ang sarili na kumalma. “D-dapat sa sala tayo mag-usap, okay? S-Sabihin mo sa akin kung anong nangyari?"Naghintay si Alejandro hanggang sa maupo siya sa sopa bago niya sinabi ang nangyari. “Nawasak ang freight ship na sinakyan namin at hindi ko maintindihan kung bakit. Napakatagal ng inspection na isinagawa ko at siniguro kong walang pagkakamali na naganap at nasa pinakamataas na kondisyon ang buong travel. Nakatagpo kami ng kaunting kaguluhan sa dagat, pero hindi ito nagdulot ng malaking problema. Hindi makatwiran… kung bakit ito naging mahina. Dapat may sumabotahe sa barko, o may gustong pumatay sa akin! O baka.
Gumalaw lang si Arianne nang hanapin siya ni Henry. Dahil nanatili siya sa isang posisyon sa loob ng matagal na panahon, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na mahilo nang gumalaw siya. Gayunpaman, wala ito kumpara sa paghihirap na bumabalot sa kanyang puso at katawan. Huminga siya ng ilang malalim at nag-ipon ng lakas ng loob bago niya sinabing, “Henry, magsama ka ng ilang tao at tulungan sila search and rescue. Ako nang bahala sa kumpanya. Tandaan, hindi pwedeng i-leak ang pangyayaring ito. Kahit pa lumabas ang kahit anong tsismis, hindi pwedeng lumabas ang balita tungkol sa pagkamatay ni Mark Tremont."Tumango si Henry. “Naiintindihan. Ako nang bahala dito."Ang mukha ni Arianne ay kasing puti ng isang papel. Mukhang nawala ang kanyang sa kanyang katawan. Pumunta siya sa kanyang dressing table at nilagyan ng makeup ang kanyang mapulang mukha para medyo presentable siya, bago siya nagpalit at lumabas ng bahay.Sinabi niya kay Brian na ang kanyang unang destinasyon, ay ang kany
“Hindi na babalik si Mark, di ba? Ikaw lang ang may karapatang i-manage ang Tremont Enterprises. Masyado pang bata si Smore. Paano ito magagawa ng isang babaeng tulad ko?" seryoso niyang sinabi.Naalala ni Alejandro ang bangungot na nangyari noong gabing iyon. Nawala ang karaniwang sa lamig sa kanyang mga mata. "Kaya mo ‘yan. Matagal mo na siyang nakasama, kaya sapat ang iyong kakayahan at mas may karapatan ka kaysa sa sinuman na ayusin ito hanggang sa tumanda si Smore. Hindi ko hahawakan ang Tremont Enterprises. Hindi na ako si Ethan Connor, at hindi rin ako si Martin Tremont. Ako si Alejandro Smith. Kung nandito ka para tanungin ako nito, hindi mo na kailangang magsalita pa. Hindi ako papayag dito. Sa una ay magiging mahirap ito sayo, pero tutulungan kita. Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka. Ang dami kong utang kay Mark. Utang ko sa kanya ang aking buhay…”"Hindi mo siya gustong palitan?" tanong ni Arianne. “Nasa harap mo na ang pagkakataon, kaya bakit hindi mo ito kunin
Hinintay niyang makaalis si Davy, saka niya tinitigan ang black tea sa coffee table. Ang kanyang matibay na itsura ay tuluyang nabasag at gumuho. Hindi niya man lang nainom ang tsaa. Parehong paborito ni Mark ang temperatura at lasa nito. Iniinom niya ito sa lahat ng pagkakataon. Nakahiga siya sa desk ng opisina at umiyak, hininaan niya ang kanyang boses hangga't maaari sa pamamagitan ng pagkagat sa labi hanggang sa bumuhos ang dugo sa labi niya.Mark, bumalik ka na ha? Hindi na kita aawayin, at hindi na kita gagalitin...Mark, hindi ko magagawa ito kung wala ka. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.Mark, pinaglalaruan mo lang ako, hindi ba?Habang naghahanda na siyang umuwi nang gabing iyon, napansin ni Davy na namumula ang kanyang mga mata at bigla siyang naghinala. Gayunpaman, hindi siya naglakas-loob na magtanong tungkol dito.Hinatid siya ni Brian pabalik sa Tremont Estate. Tumingin siya sa bintana habang pauwi at nagtanong, “Sa tingin mo ba babalik siya? Hindi kaya may milag
Napaluha si Mary nang makita ang kasalukuyang kalagayan ng mag-ina. “Huwag kang mag-alala, Mrs. Tremont. Magtrabaho ka lang diyan; iwan mo sa akin si Aristotle. Bata pa siya, kaya hindi niya ito maiintindihan. Pero maiintindihan niya ito kapag matanda na siya."Tumango sa kanya si Arianne. Nag-almusal siya bago siya pumunta sa opisina. Mas maganda ang kalagayan niya ngayon. Kahit papaano ay maayos ang kanyang kalagayan habang nasa opisina ni Mark, at hindi siya umiyak. Wala siyang oras para umiyak. Marami siyang dapat matutunan at kakaunting oras lang ang meron siya. Gusto niyang umalis dito kahit ilang minuto lang.“Gusto mo ba ng makakain, Mrs. Tremont?” Tanong ni Davy pagdating ng lunchtime nang mapansin niyang tila wala itong planong lumabas para mananghalian. "Mag-o-order ba ako ng take-out?""No thanks, hindi ako nagugutom," sagot ni Arianne sabay wave ng kamay. "Iidlip muna ako ng saglit, medyo pagod na ako." Saglit lang siyang nakatulog kagabi at hindi na niya kayang suporta