Kabanata 5
Nasa kamay ng kanilang lola ang pamamahala sa buong angkan ng mga Lyndon, at si William ang pinakapaburito nitong miyembro ng angkan. Naging maganda rin ang ipinakitang performance ni William dahil mayroon na itong hindi bababa sa 30 million dollars na halaga ng mga ari arian. Kaya siguradong mamasamain ang sinumang babastos o makakaaway nito.

“Anong ginagawa mo Mom?” tanong ni Lily habang naglalakad papalapit para awatin ang kaniyang ina.

Kahit na kinaiinisan ni Lily si Darryl, nagawa pa rin nitong ipagtanggol siya at ibangon sa nararamdaman niyang kahihiyan.

Hinawakan ni Darryl ang kaniyang muka kung saan makikita ang namumulang bakas ng kamay ni Samantha. Pero nagpakita pa rin siya ng kaunting ngiti. Matapos ng tatlong taon nilang pagsasama, ito ang unang beses na kampihan siya ni Lily. Tumalikod na lang si Darryl at nakangiting umalis.

“Bumalik ka ritong basura ka!” kahit na nakalayo na siya kay Samantha. Narinig niya pa rin ang malakas nitong sigaw.

Habang pinapanood ng lahat ang kahahantungan ng kaguluhang ito, isang matandang boses ang maririnig hindi kalayuan.

“Ano ang kaguluhang ito?” tanoing ni Grandma Lyndon habang naglalakad papunta sa stage. Agad na natahimik ang maingay na hall nang makita siya ng lahat.

“Sige na, sige na, hindi na kailangan ng ganyang formality. Maupo na kayong lahat.” Ikinaway ni Grandma Lyndon ang kaniyang kamay, at matapos suportahan ng ilang mga tao, dahan dahan siyang umupo sa kaniyang upuan. “Ayon sa mga pinagkakatiwalaan kong mga sources, magkakaroon ng bagong president ang Platinum Corporation ng Donghai City bukas.”

“Woah!”

Agad na uminit ang usapan sa paligid. Mayroong sampung mga advertising company na pagaari ang mga Lyndon. At nitong mga nakaraang taon, ginagawa ng mga Lyndon ang kanilang mga makakaya para magkaroon ng partnership sa pagitan nila at ng Platinum Corporation dahil ito ang pinakamalaking entertainment company sa buong Donghai City. Siguradong magiging stable ang kanilang kita sa sandaling matupad ang partnership na ito.

Pero ang nagmamayari sa Platinum Corporation ay walang iba kundi ang angkan ng Darby na may mababang tingin sa mga Lyndon! Ang bawat isang request para sa partnership ay agad na nirereject ng mga ito. Kaya sa pagupo ng bagong presidente ng kumpanya, kinakailangan muling subukan ng mga Lyndon na lumapit at humiling ng partnership sa mga ito!

“Sinong may gustong makipagusap tungkol sa hiling nating partnership?” Dahan dahang tinanong ni Grandma Lyndon habang tumitingin sa buong hall. “Ang sinumang matagumpay na makikipagpartnership sa Platinum Corporation ay kikilalanin bilang miyembro na may pinakamalaking naiambag sa ating angkan!”

“Ako na lang po!”

“Ako na po ang pupunta lola!”

“Gusto ko rin pong makipagusap sa kanila!”

Nagkandarapa ang lahat sa role na iyon maliban na lang kay Lily. Alam niya na masyado nang mababa ang kaniyang katayuan sa kanilang angkan para mapili sa mga ganitong klase ng gawain.

Matapos makita ang nasasabik na mga tao sa paligid, natutuwang itinango ni grandma Lundon ang kaniyang ulo at ngumiti. Tinuro niya si William at sinabing “William, bakit hindi ka pumunta roon bukas at subukan silang kausapin.”

Nanlaki ang mga mat ani William at nasasabik na tumango.

Magisang umalis si Darryl at sumakay ng taxi pauwi. Kailangan niyang bawiin ang kaniyang tulog kagabi mula sa pagkasabik na kaniyang naramdaman mula noong ibalita sa kaniya ang biglaan niyang pagyaman.

Napakahimbing na natulog ni Darryl noong gabing iyon. At noong kinaumagahan ay agad siyang umalis matapos magalmusal at nagpunta sa Platinum Corporation gamit ang kaniyang scooter.

Sinabihan na siya ng kaniyang Tito Drake na sasalubungin siya ng sekretaryang si Pearl Hahn sa kumpanya.

Nakatayo sa gitna ng masiglang business district ng Donghai City ang Platinum Corporation. Makikitang nakaparada sa harapan nito ang isang hilera ng mga luxury cars at ang karamihan sa mga ito ay pagmamayari ng mga artistang hawak ng kumpanya.

Nakasaad sa company policy na kinakailangang magreport ng mga artista sa kumpanya, araw araw. Kung sakaling magkaroon sila ng emergency, kinakailangan nilang magrequest ng leave. Kaya madalas na tumatambay ang mga paparazzi sa harapan ng building para kuhanan ng litrato ang mga artistang naglalabas masok dito at ibenta sa napakalaking halaga. Sa sandaling magawa nilang makakuha ng isang kontrobersyal na litrato, siguradong kikita sila ng malaki sa mga artistang ito.

“Hay, napakacheap nga ng pagsakay sa scooter na ito papasok sa ganito kalaking kumpanmya, kailangan ko na talagang bumili ng bagong sasakyan…” isip ni Darryl habang ipinaparada ang kaiyang scooter sa entrance ng kumpanya.

Nang biglang marinig niya ang ingay mula sa makina ng isang sasakyan na sinundan ng isang malakas na kalabog na nakapagpatalsik sa scooter ni Darryl nang kaunti.

Napalingon si Darryl at nakita ang isang Porshe Cayenne na bumangga sa kaniyang scooter. Hindi ito gaanong nagasgasan pero nayupi naman nang husto ang likurang bahagi ng kaniyang scooter.

“Buwiset! Ang bagong bili kong scooter! Ang bilis naman nitong masira?” isip ni Darryl na para bang naiiyak nang walang luha. Napansin niya rin ang pagdami ng mga tao sa kaniyang paligid na nakiusyoso sa nangyayaring komosyon.

“Marunong ka bang magmaneho?” sabi ng isang magandang babae habang pababa sa kaniyang sasakyan.

“Wow…”

Agad na napuno ng pagkasabik hangin sa paligid ng mga nagkakagulong tao, agad na nakuha ng babaeng ito ang atensyion nilang lahat. Nakasuot ito ng sheath dress at isang pares ng high heels, naging maalindog rin ang hubog ng kaniyang katawan. Siguradong pagtitinginan ang babaeng ito saan man siya magpunta.

“Giselle?” sabi ni Darryl.

Nandito si Giselle para pumirma ng kontrata! Ngiti ni Darryl. Kahit na binangga nito at sinira ang kaniyang scooter, mabuti pa ring walang ni isa ang nasaktan sa pangyayari. Kaya hinayaan na niya ang insidenteng ito at naglakad palapit kay Giselle para batiin ito nang makilala siya ni Giselle.

“Ikaw? Darryl? Anong ginagawa mo rito?”

Kumunot ang mga kulay ni Giselle at agad naisip na si Darryl ay isang security guard sa Platinum Corporation.

“Bulag ka ba? Marunong ka bang magmaneho?” sabi ng nanggigigil na si Giselle. Isang linggo pa lang mula noong bilhin niya ang kaniyang sasakyan kaya naging malaking issue pa rin sa kaniya ang maliit na gasgas sa harapan nito.

“Pero ikaw mismo ang bumangga sa akin…” walang magawang sinabi ni Darryl. “Bakit ako pa ang sinisisi mo sa nangyari…”

“Anong nangyayari rito?” Bigla nilang narinig ang isang boses na nagmula sa isang middle aged na lalaki. Ito ang head ng security sa Platinum Corporation na nagsama ng ilang mga guards para pahupain ang kaguluhan sa entrance ng kumpanya.

Nagulat ang head ng security nang makita ang nangyari. Isang banggaan sa pagitan ng isang scooter at isang Porsche? Naisip nito na isang artista ang babae na naririto para pumirma ng kontrata. Kaya hindi dapat ito mabastos o mapahiya!

Matapos itong maisip, tumuro ang head of security kay Darryl at sumigaw ng “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi mo ba alam na bawal sa Platinum Corporation ang pagpasok at pagparada ng mga scooter?”

“Mayroon ba kayong ganoong batas? Sinong gumawa nito?” Nanlalamig na sinabi ni Darryl.

“Sinong gumawa nito? Ako ang gumawa nito!” Sabi ng head of security. “Humingi ka ng paumanhin sa babaeng ito ngayundin!”

Matapos marinig ang sinabi ng head of security, ngumiti si Giselle at tumuro kay Darryl. “Sigurado akong isa siya sa mga bago ninyong security guard tama?”

Natigilan ang head of security at tiningnang maigi si Darryl. Nakasuot ito ng mumurahing damit at nakasakay sa isang scooter, siguradong naririto siya para magapply bilang isang security guard.

“Huwag kang magalala Miss, hindi naming siya tatanggapin!” Sigurado ng head of security habang hinahawakan ang kaniyang dibdib. Tumingin siya pabalik kay Darryl at sinabing “Ngayon ba ang unang araw mo? Kung ganoon ay tanggal ka na sa trabaho.”

“Hindi maganda ang nakasanayan nilang ito sa kumpanya.” Iling ni Darryl sa kaniyang ulo. Naging walang awa ang head of security sa kaniya dahil sa pangmahirap niyang itsura.

“Gusto kong makita kung paano moa ko tanggalin,” dahan dahang sinabi ng nakangiting si Darryl. “Mayroon ka ba talagang awtoridad na magtanggal ng kahit na sino?”

“Ikaw!” Turo ng head of security kay Darryl. Siguradong nasisiraan na ng bait ang batang ito. Wala ngang awtoridad ang head of security na magtanggal ng kahit na sino, pero kung narito si Darryl para magapply bilang isang security guard, bilang head of security, siguradong pahihirapan niya ito nang husto.

“Nakakasuka ka talaga Darryl.” Sabi ni Giselle habang ikinakalampag ang kaniyang mga heels papunta kay Darryl at namumuhing nakatingin dito. “Kung hindi ka matatanggal ng head of security, sigurado akong matatanggal ka ng deputy manager tama?”

Matapos magsalita, nilabas ni Giselle ang kaniyang cellphone at nagsend ng isang text message. Matapos ang ilang sandali. Isang babaeng nakabusiness attire ang lumabas mula sa entrance ng building at lumapit sa kanila.

Kaakit akit ang itsura ng babaeng ito na mayroong taas na nasa 165cm at edad na nasa 30 years old. Nakasuot ito ng business attire at itim na high heels na nagpakita sa kaniyang pagkababae at pagiging mature.

“Miss Peach.”

Nang makita ang pagdating ng babaeng nakabusiness attire, agad na nagsiyuko ang mga empleyado at mga security guards nang sunod sunod para batiin ito. Ang babaeng ito ay ang deputy manager ng Platinum Corporation na si Penelope Peach.

“Tita Penelope.” Sabi ni Giselle habang umaabante para batiin si Penelope. Dahil sa kuneksyon bilang deputy manager ni Penelope nagawa ni Giselle na makakuha ng kontrata mula sa Platinum Corporation.

Itinango ni Pelenope ang kaniyang ulo at tumingin kay Darryl para sabihing “Humingi ka ng paumanhin kay Giselle.”

Ano?

Naramdaman ni Darryl na mukhang magiging masaya ang mga sandaling ito at nagtanong ng “Bakit ko kailangang humingi ng paumanhin? Sino ka ba?”

“Mukhang matindi ang naging tama ng lalaking ito sa kaniyang ulo kaya hindi niya nagawang makilala maging ang deputy manager.” Bulong ng ilan sa mga empleyado.

“Oo, naghahanap siya ng gulo dahil lang ayaw niyang humingi ng paumanhin?”

Nanlalamig na tumitig si Penelope kay Darryl at sumimangot. “Naririto ka para magapply bilang isang security guard tama? Sino ba ang tumanggap sayo rito? Hindi bale. Dahil ayaw mong humingi ng tawad, bilang deputy manager ng kumpanyang ito, tinatanggal na kita sa trabaho. Kaya sumakay ka na sa scooter mo at umalis sa lugar na ito.”

“Ako? Umalis?” turo ni Darryl sa kaniyang sarili bago ito tumawa.

“Bingi ka ba? Hindi ka ba makaintindi?” nagngingitngit na sinabi ni Giselle. “Itinuturing kong malas ang araw kong ito para makaharap ang isang langaw na kagaya mo. Nagawa mo ring gasgasan ang bagong bili kong sasakyan, hindi na ako hihingi ng danyos sa iyo. Umalis ka na sa harapan ko.”

“Beep beep beep!”

Sa mga sandaling iyon maririnig ang busina ng isang Bentley na huminto sa harapan ng mga nagkumumpulang tao. Isang babae na mukhang nasa early 20s na nakasuot ng isang itim na business attire at salamin ang bumaba sa kotse.

“Paumanhin po sa pagiging late ng aking pagdating, Mr. President.” Sabi ng secretary na si Miss Pearl habang nagmamadaling naglalakad papunta sa harapan ni Darryl bago yumuko nang 90 degrees.
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP