Kabanata 3
Samantala, sa Neptunus Corporation.

Kalalabas lang ni Lily sa meeting room matapos ang meeting ng mga shareholders nang makita niya ang mga babaeng empleyado na naguusap at nagtatawanan habang nakatingin sa kanilang mga cellphone.

Paano nila nagawang magpatambay tambay during work hours? Naglakad si Lily papunta sa mga babaeng empleyado para sabihan ang mga ito, at doon na niya nakitang nanonood ang mga ito ng video, at makikita sa video na ito ang isang lalaki na walang iba kundi si Darryl!

“Parang naging kapatid ko na rin ang bike na ito, huwag kang magalala. Ipaghihiganti kita…”

Makikita sa video ang mukhang nagluluksang si Darryl habang niyayakap ang kaniyang bike.

“Haha, nakakatawa naman ang lalaking ito, kilala niyo ba siya?”

“Hindi mo siya kilala? Iyan ang asawa ni Miss Lyndon.”

“Ano? Iyong basurang Darryl na iyon? Narinig kong ikinasal daw siya sa basurang iyon…”

Masayang nagchichismisan ang mga babae habang tumatayo ang isa para gayahin ang ginagawa ni Darryl sa video. “Hindi ko sigurado kung narinig niyo rin kanina ang narinig ko noong kararating rating ko lang dito, sinabi ni Darryl na bibilhan niya raw ng Worship of Crystal si Miss Lyndon!”

“Hahaha, nagbibiro tlaga siya!”

“Oo nga, tingnan ninyo kung gaano siya kadungis habang nagluluksa sa nasira niyang bike. Nagkakahalaga ang Worship of Crystal ng 30 million, kailangan niya munang magtrabaho ng ilang henerasyon bago ito mapagipunan!”

Walang tigil ang paguusap usap ng mga ito nang mapalingon ang isa sa kanila at napansin ang nakatinging si Lily. Agad na nagbago ang itsura sa kanilang mga mukha.

“Pasensya na po Miss Lyndon, babalik na po kami sa trabaho…”

Napakagat nang husto sa kaniyang labi si Lily habang ibinabangon ang kaniyang sarili sa kahihiyan na kaniyang tinanggap! Kahit na siya pa ang general manager, makakaramdam pa rin siya ng kahihiyan sa mga ganitong klase ng sitwasyon. Hindi siya lumabas para mananghalian noong araw na iyon at sa halip ay nagkulong siya sa kaniyang opisina, hindi na niya maiwasang maluha sa kahihiyan na kaniyang tinanggap.

Samantala, naghuhum na umuwi si Darryl sa kaniyang tahanan. Aattend siya ng high school reunion kaya kinakailangan niya munang umuwi para makapagpalit.

Agad na nawala ang magandang mood ni Daryll nang pumasok siya sa bahay na pagaari ng pamilya ni Lily, dito niya nakita ang nakadekwatrong si Samantha habang nakaupo sa sofa, tinitingnan siya nito gamit ang nanlilisik nitong mga mata.

“Mabuti at nakabalik ka na Darryl, lumapit ka sa akin.”

Tatlong taong nanirahan si Darryl sa bahay na ito kasama ang pamilya ni Lily, at matindi rin ang takot na nararamdaman niya kay Samantha.

“Magimpake ka na Darryl, makikipagdivorce ka bukas at lalayas na sa pamamahay na ito.” Walang awang sinabi ni Samantha.

“Pero ma’am… Seryoso po ang pagmamahal ko kay Lily…” Nakayukong sinabi ni Darryl. Matapos ang tatlong taon nilang pagsasama, natural na mas magdevelop ang nararamdaman niyang pagmamahay kay Lily.

Hinampas ni Samantha ang kanilang lamesa matapos marinig ang mga salitang ito. Tumayo siya at naglakad papunta kay Darryl. “Mahal mo ang anak ko? Anong karapatan mo para mahalin siya? Hinayaan kita ng tatlong taom, ano pa bang magagawa mo maliban sa gawaing bahay? Paano mo nasabing bagay ka para sa anak ko? Alam mo ba kung ilang mga lalaki ang nagkakandarapa na mapangasawa ang anak ko? Tumawag sa akin si Ashton Adagio at sinabing bibigyan niya ang aming pamilya ng 20 million dollars na dowry sa sandaling ipakasal ko siya sa aking anak.”

20 milyon dolyar na dowry? Ngiting bahagya ni Darryl. Malayong kamaganakan niya si Ashton na nasa ilalim ng kanilang angkan, anak siya ng isa sa kaniyang mga tita. Ang lahat ng kayamanan ni Ashton ay nagmula sa mga Darby. TInawagan na rin ni Darryl ang kaniyang angkan noong ihatid niya ang kaniyang asawa at sa loob lang ng 24 oras ay mawawalan na si Ashton Adagio ng kayamanan. Kaya paano niya magagawang bayaran ang 20 milyong ipinapangako niya kay Samantha?

“Hindi po ako aalis ma’am. Papayag lang po akong makipagdivorce sa sandaling si Lily na ang magsabi nito sa akin sa personal.” Tinapos ni Darryl ang kaniyang sinasabi bago tumalikod at muling lumabas ng bahay.

“How dare you! Bumalik ka rito ngayundin!” Idinabog ni Samantha ang kaniyang paa sa sahig dahil sa kaniyang galit at hinabol si Darryl nang nakahigh heels pero masyado na itong nakalayo sa kaniya.

Kinagabihan, sa Neptunus Corporation.

Nagkulong nang buong araw si Lily sa loob ng kaniyang opisina. Naging katatawanan siya sa lahat ng empleyado ng kumpanya dahil sa naviral na video ni Darryl noong ihatid siya nito kaninang umaga.

Huminga nang malalim si Lily bago dahan dahang lumabas ng kaniyang opisina. “Sige na, puwede na kayong umuwi.” Sabi ni Lily sa kaniyang mga empleyado.

“Mayroon pong package para sa inyo, Miss Lyndon.” Makikitang dala ng isang receptionist ang isang box na kaniyang ibinigay kay Lily.

Maririnig ang pagkamangha sa mga taong nasa paligid matapos makita ang dala nitong box! Im…imposible na maging ganito ito karangya? Paano naging ganito kagilded ang isang delivery package?

“Wow, anong klase ng delivery package ito?”

“Opo Miss Lily, ito rin ang unang beses kong makakita ng isang nakagilded na delivery package!”

“Siguradong regalo ito mula sa isang kilalang tao, buksan niyo na po nang makita natin ang laman nito, Miss Lily.”

Kahit na naging mahigpit si Lily sa trabaho, pinanatili pa rin nito ang mabuting pakikitungo at relasyon sa kaniyang mga empleyado. Nacurious ang lahat sa laman ng package na ito kaya agad na nagkumpol kumpol ang mga empleyado sa paligid ni Lily.

Nagtaka rin dito si Lily. Hindi naman siya bumili ng kahit na ano online, kaya saan kaya manggagaling ang package na ito? Matapos makita ang pagkasabik sa mukha ng lahat, ngumiti nang bahagya si Lily at binuksan ang box.

Sa sandali ring ito napapigil ng hininga ang lahat! Nagkaroon ng matinding katahimikan sa loob ng sampung segundo at biglang nagsimula sa nasasabik at kanya kaniyang pagsasalita!

“ito… ito ang… Worship of Crystal?”

“Hindi nga! 99 pares lang ang ginawang worship of crystal at ibinibenta ito sa halagang umaabot sa 30 million dollars!”

“Napakaganda nito! Napakasuwerte niyo po Miss Lily!”

Nagusap usap sila sa kanilang mga sarili, pero wala pa ring masabi na kahit ano si Lily hanggang sa mga sandaling ito! Ilang taon na niyang gusto na makabili ng isang pares nito. At sapat na rin ang isang tingin para makita na original ito!

Paano ito nangyari! Napaatras ang hindi makapaniwalang si Lily na para bang nasa loob ng kaniyang panaginip. Maliban nalang… maliban na lang kung ibinenta ni Ashton ang kaniyang kumpanya para ibigay sa kaniya ang pares ng heels na ito? Naantig ang puso ni Lily habang iniisip ang posibilidad na ito. Siguradong paguusapan siya sa sandaling suotin niya ang Worship of Crystal sa annual reunion ng kanilang pamilya mamaya.

***

Flouria KTV, Donghai City.

Ang KTV na ito ay isa sa pinakasikat na mga entertainement centers sa buong Donghai City. Masyadong mataas ang buying power nito kaya kilala ang halos lahat ng mga pumupunta rito, napuno rin ang entrance nito ng mga mamahaling sasakyan. Dito gaganapin ang high school reunion na aattendan ni Darryl.

Nakasakay naman si Darryl sa bagong bili niyang electric bike na kaniyang ginamit papunta rito at sumisipol niyang ipinarada ang kaniyang bike sa harap ng entrance. Gusto niyang bumili ng sasakyan kaso hindi niya pa ito magagawa dahil ibinigay niya ang kaniyang Identity card sa kinikilalang ama ng kanilang angkan, kaya wala pa siyang magagawa kundi bumili muna ng bike sa ngayon. Nasabik siya nang husto dahil malapit na niyang makita muli ang kaniyang mga kaklase.

Kapaparada pa lang ng kaniyang bike nang makarinig siya ng isang nagmamadaling pito.

“Maililipat mo ba iyan?! Bike lang ang dala mo pero gusto mo nang sakupin ang isang buong slot?” Isang BMW 5 series ang huminto sa tabi ng kaniyang bike, inilabas ng driver nito ang kaniyang ulo at tinawag si Darryl.

Nagkatitigan ang lalaki at si Darryl at nasupresang makita ang isa’t isa!

“Class monitor!?” sabi ni Darryl habang tumatakbo papalapit sa sasakyan. Ang lalaking nakasakay sa magarang sasakyan ay walang iba kundi ang class monitor ng high school class ni Darryl na si Clifford Conway.

“Darryl? Anong nangyari s aiyo?” Bumaba si Clifford sa kaniyang sasakyan at tumingin kay Darryl mula ulo hanggang paa bago nanlalamig na tumawa at mabilis na pumasok sa KTV.

Naaawkward naman siyang tinawag ni Darryl para makipagusap, pero walang intension si Clifford na ipakitang kakilala niya ito. Naglakad silang dalawa papasok sa nakareserbang KTV room nang magkasunod. Nakarating narin ang iba pa nilang mga kaklase at napalingon sa pinto nang mapansin ang kanilang pagdating.

“Napakaguwapo na ni Class monitor ngayon no? Isa na siyang successful na tao!”

Agad na umingay ang KTV room nang pumasok sila rito. Agad na silang nagtipon tipon sa paligid ni Clifford.

Nakasuot ng isang mukhang mamahaling suit si Clifford. At ang higit sa lahat, hawak hawak nito ang susi ng kaniyang BMW na nakita rin ng lahat.

Habang naupo naman si Darryl sa isang tabi, hindi branded ang suot niyang damit at para lang sa electric bike ang susi na kaniyang hawak. Hindi naiba ang kaniyang itsura sa isang delivery man. Walang sinuman ang nakipagkumustahan sa kaniya kaya agad itong naging isang awkward na sandali.

Pero walang pakialam sa mga ganitong bagay si Darryl, tumingin lang siya sa kaniyang paligid. Dahil matagal na niyang hindi nakita ang mga ito, napansin niyang mas gumanda ang mga babae niyang mga kaklase. Pero ang pinakamaganda pa rin sa kanilang lahat ay si Giselle Lindt.

Si Giselle ang diyosa ng kanilang klase, madalas itong nagsusuot ng jeans na nagpapakita sa magandang hubog ng kaniyang katawan. Hindi rin mapapantayan ang tanglay nitong kagandahan.

Matapos ang ilang taon, mukhang makikitaan na rin ito ng pagkamature at pagkamahinhin sa kaniyang aura. Nagsuot ito ng skin tight na jeans sa kanilang reunion na mas lalong nakapagpabighani sa mga taong tumitingin sa kaniya.

Napansin din ni Clifford si Giselle at agad na nahook dito. Hindi niya naiwasang mapatanong na “Napakaganda mo ngayon Giselle, kumusta kana?”

Bago pa man makasagot si Giselle, isang babae ang agad na sumagot para rito “Class monitor, magiging artist ana ngayon si Giselle! Malapit na siyang pumirma ng kontrata sa Platinum Corporation!”

“Woah!”

Agad na umingay muli ang buong KTV room, sino bang taga Donghai ang hindi pa nakakarinig sa Platinum Corporation? Ilang A class celebrities ang hawak nito!

Sa totoo lang, maganda naman talaga si Giselle, kayang makipagsabayan ng kaniyang ganda sa ibang mga A-list celebrities sa Platinum Corporation.

Nasabik si Darryl matapos marinig ang pangalan ng Platinum Corporationm dahil siya na ang magmamayari ng kumpanyang iyon bukas nang umaga. Habang iniisip itom ngumiti si Darryl at lumapit kay Giselle, gusto niya sanang tumabi at makipagkumustahan dito. Habang papaupo, napansin niyang sumimangot si Giselle at nagpakita ng naiinis na tingin bago sabihing “Puwede bang huwag kang umupo rito?”

“Oh?” Dahan dahang tumayo si Darryl. “May nakaupo na ba rito?”

“Wala, ayoko lang tumabi sa iyo.” Nanlalamig na sinabi ni Giselle. “High school reunion ang pinuntahan mo Darryl, hindi ka ba makabili ng disenteng damit? Hindi ka ba nadudumihan sa damit mong suot ngayon?”
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP