Kabanata 2571
Mukhang nasabik ang batang dragon nang mabanggit ni Darryl ang pangalan ni Jewel. Nagpaikot ikot ito para subukang sabihin sa dalawa na siya si Jewel, pero hindi niya pa rin ito magawa dahil masyado pa siyang bata. Hindi naman napansin ni Darryl ang hindi pangkaraniwang ikinikilos ng dragon sa mga sandaling ito.

Huminga nang malalim si Zhu Bajie habang ipinapakita ng kaniyang mukha ang malalim niyang pagiisip. Nagdalawang isip siya ng isang sandali bago magpaliwanag, “Um… Kuya, maghanda ka sa mga sasabihin ko sa iyo. Masyadong malayo sa magandang balita ang sasabihin ko sa iyo. Nagawa ngang mabihag ni Zhang Jue ang buong pamilya Carter habang may hindi magandang nangyari naman sa kinakapatid mong sina Chester at Jewel.”

Agad na nanlamig ang dugo ni Darryl nang marinig niya ang mga sinabi ni Zhu Bajie, nagmamadali itong nagtanong ng, “Ano ang nangyari kay kuya Chester at kay Jewel?” Ang kinakapatid niyang si Chester at si Jewel ay kabilang sa pinakaimportanteng mga tao sa buhay ni Dar
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP