Kabanata 2574
Nang lumakas ang kaniyang loob nang dahil sa ipinakitang pagbati ni Zhang Jue, agad na tumaas ang ngiti ni Karen habang nagpapatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Hindi po ba’t nagaaral ngayon si Lady Chang Er at tumatahak sa landas ng Taoismo doon sa Holy Saint Sect na nasa ilalim ni Grandmaster Chun Yang? Sinusuggest ko po na magpadala tayo ng ilang mga tauhan para magkunwaring mga disipulo ng Holy Saint Sect papunta kay Zhu Bajie para sabihin dito ang tungkol sa paghahanap ni Lady Chang Er sa kaniya. Kung titingnan ang kaniyang personalidad, siguradong hindi magsasabi ng kahit na ano si Zhu Bajie kay Darryl Darby o sa kahit na sino tungkol sa bagay na ating gagawin kaya hindi na natin kailangan pang magalala sa posibleng mga tumulong sa kaniya.” Tumingin ito pataas para makita si Zhang Jue habang nagsasalita at nagmamalaking ngumingiti sa harapan nito.

“Haha!” Natuwa nang husto si Zhang Jue sa ideyang ito ni Karen. Agad na napuno ng pagsangayon ang kaniyang mukha habang bumabating sina
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP