Nang lumakas ang kaniyang loob nang dahil sa ipinakitang pagbati ni Zhang Jue, agad na tumaas ang ngiti ni Karen habang nagpapatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Hindi po ba’t nagaaral ngayon si Lady Chang Er at tumatahak sa landas ng Taoismo doon sa Holy Saint Sect na nasa ilalim ni Grandmaster Chun Yang? Sinusuggest ko po na magpadala tayo ng ilang mga tauhan para magkunwaring mga disipulo ng Holy Saint Sect papunta kay Zhu Bajie para sabihin dito ang tungkol sa paghahanap ni Lady Chang Er sa kaniya. Kung titingnan ang kaniyang personalidad, siguradong hindi magsasabi ng kahit na ano si Zhu Bajie kay Darryl Darby o sa kahit na sino tungkol sa bagay na ating gagawin kaya hindi na natin kailangan pang magalala sa posibleng mga tumulong sa kaniya.” Tumingin ito pataas para makita si Zhang Jue habang nagsasalita at nagmamalaking ngumingiti sa harapan nito.“Haha!” Natuwa nang husto si Zhang Jue sa ideyang ito ni Karen. Agad na napuno ng pagsangayon ang kaniyang mukha habang bumabating sina
Dito na nagsimulang magpaliwanag nang detalyado si Paul tungkol sa mga sinabi sa kaniya ni Chester nang walang pagaalinlangan.Buwisit! Agad na nanlamig ang itsura ni Zhang Jue nang marinig nito ang plano ni Chester bago sumisinghal”na sabihing, “Gaya ng inaasahan ko sa Master ng Eternal Life Palace Sect, masyado siyang mabilis para makipaglaro nang ganito.” Huminto siya ng isang sandali para isipin ang susunod niyang hakbang bago magutos ng, “Ngayong alam n ani Master Wilson ang lahat, bakit hindi mo gawin ang gusto niya? Palabasin mo roon si Chang Er at bumalik ka sa akin dala ang mga elixir na iyong makukuha, naiintindihan mo?”“Sisiguruhin ko na hindi mo na magagawa pang iligtas ang mga miyembro ng pinakamamahal mong pamilya Carter. Sinisiguro ko na ito sa iyo ngayon pa lang, Chester…” Malademonyong inisip ni Zhang Jue.Samantala, sa mansyon ng pamilya Yach. Kasalukuyang nagkukulong si Darryl sa kaniyang kuwarto para subukang magpalakas sa pagbabakasakaling bumalik sa dati ang n
Matapos niyang hindi mapigilan ang nararamdaman niyang pagkasabik, naghanda si Zhu Bajie na sumama sa dalawa. Hahakbang na sana siya palabas ng mansyon na pagmamayari ng pamilya Yach nang mapansin ni Cheyanne ang kaniyang pagalis, hinding hindi nito hahayaang umalis ang kaniyang master nang hindi siya kasama. Kilala bilang isang edukadong babae si Cheyanne matapos maging pinakapanganay na babae ng pamilya Yach, kaya natural lang na maging passionate siya sa kaniyang mga ginagawa at ito na ang oportunidad na dumating sa kaniya para mapatunayan ang kaniyang sarili sa kaniyang master na si Zhu Bajie, hinding hindi na niya ito pakakawalan pa.Kahit na ano ang kaniyang gawin, hindi pa rin magawang kumbinsihin ni Zhu Bajie si Cheyanne na maiwan sa kanilang tahanan kaya wala na siyang nagawa kundi isama ito. Pagkalipas ng kalahating oras, nagsimula nang maglakad sina Zhu Bajie at Cheyenne papunta sa direksyon ng North Moana habang sinusundan ang dalawang mga disipulong nagpunta sa mansyon ng
Nang marealize nila na wala na silang oras para makipagdaldalan, agad na sumigaw ang lider ng, “Umatake na kayong lahat! Sinabi ng Master na gusto niyang dalhin natin ang lalaking ito sa kaniya buhay man o patay.” Dito na biglang ginamit ng libolibong mga cultivator ang kanikanilang mga internal energy habang sumusugod kay Zhu Bajie. Sa totoo lang ay walang kahit na sino sa mga ito ang may sapat na lakas ng loob para hamunin si Zhu Bajie sa isang duwelo. Sabagay, isa pa rin itong makapangyarihang bayani na nakilala ng ilang libong taon. Pero agad na nawala ang pagaalala sa mga ito nang maramdaman nila ang suportang ibinibigay sa kanila ni Zhang Jue.“Huh? Sino ang tinatawag nilang Master?” Sigaw ni Zhu Bajie na kasalukuyan pa ring nagtataka sa kung sino ang mga taong nakatayo sa likuran ng mga ito. Kahit na sino pa ito, nang makita niyang hindi nagdalawang isip ang mga ito an umatake, agad pa ring ginalit ng mga ito si Zhu Bajie. “Buwisit, iniisip niyo ba na mapapatumba ninyo ako nang
“Buwisit! Matalim na tumingin ang lider ng mga disipulo kay Zhu Bajie gamit ang namumula niyang mga mata sa sobrang galit. “Magisa ka pa rin kahit na gaano ka pa kalakas, Zhu Bajie. Sumuko ka na kung gusto mo pang mabuhay.”“Huwag ka nang lumaban pa, Zhu Bajie!”“Oo nga, hindi ka matutulungan ng pagmamatigas mong ito.”“Sumuko ka na!”Napasigaw na lagn ang ibang mga disipulong nakapaligid kay Zhu Bajie sa tindi ng kanilang frustration. Masyado kasi itong malakas para sa kanila kaya mas darami lang ang kanilang mga magiging casualty sa sandaling magpatuloy pa ang labang ito.Sumuko? Napangisi na lang si Zhu Bajie nang maisip niya ito. Sa ilang libong taon niyang nabubuhay at naglalakbay sa mundo, hinding hindi pa siya sumusuko ng kahit na isang beses sa kahit na sino. “Gusto niyo akong mahuli? Ibigay niyo na ang lahat ng makakaya ninyo sa akin. Hinding hindi ako titigil hangga’t hindi pa ako tapos magenjoy sa inyo.” Nasasabik siyang sumigaw habang muling sumusugod sa mga disipulo.
“Ano? Gusto mo nanamang pagusapan ang pagsuko ko?” Natigilan si Zhu Bajie ng isang saglit bago magbigay ng isang nakangiting sagot kay Zhang Jue. “Sino ka ba sa tingin mo, Zhang Jue? Iniisip mo bang mapapasuko mo ako ngayong nandito ka na sa harapan ko?” Dito na namangha si Zhu Bajie sa paglalakas loob ni Zhang Jue na magdala ng kaguluhan sa Nine Mainlands pagkatapos magawang ikulong ni Lu Bu ng isang libong taon.Agad na nagdilim ang mukha ni Zhang Jue nang maramdaman niya ang pagmamatigas ni Zhu Bajie. Tinitingnan ni Zhang Jue ang kaniyang sarili bilang isang lalaking mamumuno sa Nine Mainlands kaya agad siyang nagalit noong bastusin at insultuhin siya si Zhu Bajie. Dito na siya napatitig kay Zhu Bajie habang sinasabi na, “Ginusto mo ito!”Isang wave ng nakakatakot na aura ang sumabog mula sa loob ni Zhang Jue nang sabihin nito ang huling salita sa kaniyang bibig. Dito na biglang nanigas ang hangin sa kanilang paligid sa tindi ng puwersang lumabas sa kaniyang katawan. Hindi maiimag
“Buwisit!” Napapamurang sagot ni Zhu Bakie. Bahagyang nawala ang confidence sa kaniyang mukha nang makita niya ang Sky Breaking Axe. Ninenerbiyos itong napalunok sa kaniyang sarili nang maramdaman niya ang malisyang lumalabas sa katawan ni Zhang Jue habang iniisip na, “Buwisit, kaya pala naging ganito kaconfident si Zhang Jue. Sino nga ba ang magaakala na nasa kaniya pala ang Sky Breaking Axe?”Pero agad na bumalik si Zhu Bajie sa kaniyang postura nang maramdaman niya ang presensya ni Darryl habang nakangising sinasabi na, “Siguradong wala na sa kanilang sarili ang mga bathala kung ikaw nga ang itatakda nila bilang hindi mapapantayang nilalang sa buong Nine Mainlands. Alam mo ba na hindi kailanman nananalo ang kasamaan sa hustisya?”“Kalokohan!” Sigaw ni Zhang Jue, hindi na siya nagaksaya pa ng oras sa pakikipagtalo, agad siyang lumundag sa ere habang hinahawakan nang maigi ang Sky Breaking Axe. Sumabog ang kaniyang internal energy at agad na pumunit sa kalangitan.Isang wave ng nak
Nanginig si Darryl habang nang biglang magblangko ang kaniyang isipan. “Maaari kayang…Sandali, dito nakatira ang Divine Dragon na ito? Siya ang dragon na biglang nagpakita at nagdala sa akin dito?”Tama ang naging hinala ni Darryl. Nasa ilalim siya ngayon ng Clement Sea na itinuturing bilang pinakamalalim na bahagi ng Wild Deserted Secret Region. Isa lang sa mga isla sa karagatang ito ang Makasaysayang Isla ng mga Draagon. Ilang libong taon na ang nakalilipas mula noong mangarap ang mga taong cultivator na makahuli ng dragon sa kanilang mga buhay. Agad itong nagresulta sa mabilis na pagbagsak ng popukasyon sa Divine Dragon Clan. At sa huli ay napilitan ang Divine Dragon Clan na umalis sa Nine Mainland para maghanap ng bagong matitirhan.At ang Clement Sea ang naging ideyal na lugar para tirhan ng mga dragon. Matatagpuan ito sa pinakamalalim na bahagi ng Wild Deserted Secret Region, naging proteksyon ng mga dragon ang hindi magandang kundisyon ng paligid sa lugar na ito para mailayo a