Kabanata 2578
“Buwisit! Matalim na tumingin ang lider ng mga disipulo kay Zhu Bajie gamit ang namumula niyang mga mata sa sobrang galit. “Magisa ka pa rin kahit na gaano ka pa kalakas, Zhu Bajie. Sumuko ka na kung gusto mo pang mabuhay.”

“Huwag ka nang lumaban pa, Zhu Bajie!”

“Oo nga, hindi ka matutulungan ng pagmamatigas mong ito.”

“Sumuko ka na!”

Napasigaw na lagn ang ibang mga disipulong nakapaligid kay Zhu Bajie sa tindi ng kanilang frustration. Masyado kasi itong malakas para sa kanila kaya mas darami lang ang kanilang mga magiging casualty sa sandaling magpatuloy pa ang labang ito.

Sumuko? Napangisi na lang si Zhu Bajie nang maisip niya ito. Sa ilang libong taon niyang nabubuhay at naglalakbay sa mundo, hinding hindi pa siya sumusuko ng kahit na isang beses sa kahit na sino. “Gusto niyo akong mahuli? Ibigay niyo na ang lahat ng makakaya ninyo sa akin. Hinding hindi ako titigil hangga’t hindi pa ako tapos magenjoy sa inyo.” Nasasabik siyang sumigaw habang muling sumusugod sa mga disipulo.

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP