Kabanata 2567
Mukhang lalong sumabog sag alit si Natalie nang dahil sa mga sinabing ito ni Jack. “Itikom mo na ang bibig mo! Alam mo bang hindi magagawang mabuhay ng ating mga kalahi nang mapayapa kung hindi dahil sa ginawa ng kagalang galang nating bisita?” Galit na itinaas ni Natalie ang kaniyang kamay bago magutos ng, “Kaladkarin ninyo si Jack palabas para tumanggap ng isang daang beses na paglalatigo.”

“Opo!” Hindi nagawang suwayin ng mga sundalo sa paligid ang ibinabang utos ni Natalie kaya agad nilang kinaladkad si Jack nang marinig nila ang mga sinabi nito.

Snap! Snap! Snap! Hindi nagtagal ay narinig na ng lahat sa hall ang malutong ng tunog ng latigong tumatama sa laman ng isang tao, agad itong sinundan ng malakas na pagiyak ni Jack. Halos mamatay na sa takot ang bawat isang tao sa hall nang makita nila kung paano latiguhin si Jack hanggang sa mapunit ang balat at laman sa kaniyang katawan na sinundan ng malakas na pagsirit ng sariwa niyang dugo. Walang kahit na sino ang nagtangkang sumuwa
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP