”Isang libong kalamidad!”Isang libong kalamidad—iyon ang sikretong technique na na-cultivate ni Darryl sa kailaliman ng bibig ng bulkan. Hindi niya nagagamit ang pamamaraang iyon sa normal na mga pangyayari. Sasabog lang ito kapag nasa labis na kalungkutan ang paghihinagpis ang lalaki.Wow! Huminga ng malamig ang mga alagad ng Endless Sky Organization nang makita nila iyon.Malamig na ngumiti si Zhang Jue.“Hindi na masama. Maaari mo pa ring piliting buksan ang mga acupoints mo. Hindi nakapagtatakang sobrang sikat ka sa Nine Mainland.” Malamig na sabi ni Zhang Jue. Malamig ang ningning sa mga mat anito. “Pero hindi magiging madali sayo ang patayin ako.”Matapang na itinaas ni Zhang Jue ang kaniyang palad habang nagsasalita, nakita ang gintong liwanag at nawasak nito ang langit at lupa nang sumugod ang lalaki!Hawak nito ang higanteng gintong palakol. Kasing lakas ng liwanag ng ilaw ang nanggaling sa palakol—iyon ang Sky Breaking Axe.Ano?Lumubog ang puso ni Darryl nang makita
Lumipas ang oras, bawat segundo at bawat minuto. Naramdaman ni Jewel na tila ba nakaranas siya ng hindi mabilang na mga bangungot. Sa huli ay nagising siya, naramdaman niya na tila nasusunog ang balat niya sa mukha at buong katawan nang magising siya.‘Namatay ba ako?’Minulat ni Jewel ang kaniyang mga mata at nakita ang kaniyang katawan na nakalublob sa mala-yelong lamig na tubig. Nagulat at nagsalita si Jewel. Sumunod ay nagulat siya nang makita ang sariling repleksyon sa tubig.Nakita niya ang noong maganda niyang mukha ay naging itim na parang tinta. Napakapangit ng kaniyang hitsura.Nakaramdam ng kawalan ng pag-asa si Jewel.‘Dahil hindi na rin naman ako mabubuhay pa ng matagal, bakit hindi nalang ako mamatay ngayon kaysa manatiling buhay para gamitin lang ni Zhang Jue sa paggawa ng elixir.Iuumpog n asana ni Jewel ang kaniyang ulo sa stone chest nang maisip niya iyon.Bang!Pero bago pa man maumpog ni Jewel ang kaniyang ulo ay naramdaman niya ang hindi maipaliwanag na ene
Totoong malupit ang naging ugali ni Lu Bu sa mga panahong iyon, nakuha nito ang sinaunang librong nabanggin sa insidente tungkol sa itlog ng dragon na iniwan ng Yellow Emperor. Alam ni Diaochan ang tungkol doon dahil naroon siya nang panahing iyon.Hindi nito ginawa gawa ang bagay tungkol sa pagpasok sa kaluluwa ni Jewel sa dragon ball dahil may natulungan na ito dati.“Ako—”Kinagat ni Jewel ang kaniyang labi habang napapaisip.Pagtapos ang ilang segundo ay nagdesisyon at tumango ito. “Sige, gagawin ko.”Sigurado siya nang sabihin niya ang mga salita iyon. Kahit na hindi niya magagawang makipag-usap kay Darryl sa loob ng mahabang panahon matapos niyang maging dragon, kontento na ang babae na manatili sa tabi nito.Tumango si Diaochan sa pagpayag. Itinaas niya banayad niyang kamay at kumuway ito para palutangin si Jewel habang iniiwasan ang mga alagad ng Endless Sky Organization. Pagtapos ay mabilis silang lumipad bago sila nawala sa madilim na kalangitan.…Samantala, sa punon
Phew!Ilang libong taon nang sikat si Zhang Jue bilang isang strategist na nagpaplano bago pa mangyari ang lahat. Hindi nakapagtatakang nakilala siya ni Yang Jian at naging Military Adviser pa ito noon sa North Moana continent.Nakakabilik ang matalino at komprehensibo nitong pag-iisip!Tumitig si Chester sa lalaki at kalmado itong nagsalita. “Iyong kataas-taasan, napahanga ako kung gaano ka katalino.”Pinanatili niya ang kaniyang tindig pero hindi siya mapakali.Pinilit nito ang sariling utak para makapag-isip ng dapat nilang gawin. Noong una ay naisip nitong kaya niyang iligtas si Dax at ang iba nang hindi pinagpapawisan; hindi nito inakalang ma a-ambush sila. Hindi magagawang lumaban ni Dax at ng iba pa dahil nanghihina pa ang mga ito, kaya siya lang ang nag-iisang maaaring lumaban.Suminghal si Zhang Jue; hindi ito nagsalita pa.Whoosh…Mabilis na nagdali dali ang elites ng Endless Sky Organization palapit sa kanila para palibutan si Chester at ang iba pa na parang mga iron
”Tama, Isang kahihiyan ang sumuko ng gaoon sa isang tao!”Huminga ng malalim si Chester at mapait nitong nginitian ang grupo bago niya tingnan si Dax at saka nagsalita. “Dax, nasa teritoryo niya ako. Kailangan kong sundin ang mga panuntunin niya. Base sa sitwasyon natin ngayon ay mamamatay tayo kapag hindi tayo sumuko. Isa pa, may malawak na paningin si Mr. Zhang. Noon palang ay hinahangaan ko na isya, kaya hindi ako mahihiyang paglingkuran siya.”Naintindihan din ni Chester si Dax at alam niyang magiging mahirap para kay Dax na pagtakpan siya nito kung alam nitong nagkukunwari lamang siya. Isa pa, hindi niya maaaring sabihin kay Dax ang kaniyang plano sa harap ni Zhang Jue.Labis na nagalit si Dax at ang mga tao sa paligid.“Chester Wilson!”Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Yvette nang titigan niya si Chester, sumigaw ito. “Palaging kapatid ang turing sayo ni Darryl. Hindi ako makapaniwalang isa ka rin palang duwag.”Nagalit ito. “Hindi na tayo magkaugnay pagtapos nito! Hin
Nagdurusa si Yvette; halos hindi niya mapigilan ang kagustuhan niyang lapitan si Chester.‘Pinili ng kapatid na si Chester ang gawin iyon kaysa ipahamak ang isa sa amin…’Pero alam niyang masasayang ang sakripisyo ni Chester kapag pinakita niya ang kaniyang pag-aalala.Pinigilan niya ang sarili nang maisip niya iyon.“Mr. Zhang!”Binalot ni Chester ang kaniyang sugat habang nakatitig siya kay Zhang Jue. “Napatunayan ko na ang aking katapatan. Mayroon ka pa bang hinala?” Hindi manlang siya tumingin sa naputol niyang braso na ansa lapag.Wala lang sa kaniya ang mawalan ng kamay kumpara sa mailigtas ang buhay ng ibang tao.Phew!Huminga ng malalim si Zhang Jue at ilang segundo itong tumitig kay Chester bago tuluyang tumango. “Sige, Master Wilson, isa kang hindi mapapantayang lalaki. Sasayangin ko lang ang iyong talento kung mayroon pa akong hinala.”Lumingon ito sa kaniyang mga kasamahan at nagbigay ng utos. “Bilis, gamutin ninyo ang sugat ni masater Wilson. Dalhin niyo sa selda
Samantala, nagpasuray-suray si Darryl pabalik sa gubat na may layong 50 kilometro sa lunar Hill.Nang mapansin niyang walang mga sundalo sa likuran niya ay huminga siya ng malalim at umupo habang pagkapatong ang kaniyang mga paa para maka-recover sa pamamagitan ng pag-cultivate. Hindi na nito mapigilan ang sarili matapos tamaan ni Zhang Jue ang ugat sa kaniyang puso gamit ang Sky Breaking Axe attack.“Jewel—“ Bulong nito sa sarili nang lumapag siya sa sahig.Naalala niya ng mga pangyayari. Labis siyang nagdusa nang maalala niya ang sinapit ni Jewel.Kaagad na may dumaang kotse.“Tao ba iyan?”“Tara, tingnan natin…”Huminto ang sasakyan nang mapansin nila si Darryl, bumaba ang ilang tao mula roon. Pinamunuan sila ng isa 18 anyos na babae. Kasing ganda ng isang paru-paro ang magandang mukha at pangangatawan nito.Iyon ay si Cheyenne Yack, ang pinakamatandang Young Miss ng pamilya Yach sa Mistloren. Ilang henerasyon nang business family ang pamilyang ito pero nagcultivate sila nit
Kinabukasan.Sa Yach Manor sa Yellow Dragon City, Mistloren.Nakatulog si Darryl sa isang kwarto at nanaginip ng hindi maganda.Napanaginipan nya na naghirap at namatay si Jewel, at ang buong Carter family ay pinatay ni Zhang Jue.Fuh!Nagising si Darryl sa bangungot; pagdilat nya ay napansin nyang nasa loob sya ng isang kwarto. Puno siya ng malamig na pawis habang ramdam ang sakit ng sugat nya sa ugat ng puso.‘Nasan ako?’Tumingin sya sa paligid at napansin ang lavish design ng kwarto na may lumang furniture layout. Mukhang makalumang kwarto na napapalibutan ng mamahalin na rosewood furniture.Creak!Nagulat si Darryl nang may nagbukas ng pinto, at may mga tao na pumasok ng mabilis sa kwarto.Ito ay sila Zhu Zhu Bajie, Cheyenne, ang kapatid nito na lalaki at mga pinsan na babae.Lahat ng pinsan na babae ni Cheyenne ay maganda; Simple lang manamit pero charming lahat sila. Mas classy pa kaysa sa mga sikat na artista.Si Zhu Bajie ang unang lumapit kay Darryl habang tumatawa