Kabanata 2547
”Napakalakas na enerhiya. Mukhang nag a-activate ang inner core ng higanteng scaled dragon sa loob ng katawan ng babae. Pero Masyadong mahina ang kaniyang lakas. Walang paraan para tuluyan itong mahigop.”

“Ito ang perpektong oportunidad. Umatake ang lahat at pabagsakin siya.”

Mariing kinagat ni Jewel ang kaniyang labi. Nataranta siya dahil maraming tao ang sumugod para hulihin siya. Nang sandaling iyon ay kailangang mahigop ni Jewel ang dragon ball. Pero mayroong malakas na kapangyarihan ng enchanted beast ang dragon ball. Hindi niya ito kayang higupin sa loob ng maiksing oras dahil mahina ang kaniyang kapangyarihan.

Hindi na ito kaya pang kontrolin ni Jewel. Patuloy na nanginig ang kaniyang katawan. Binuka niya ang mapupulang labi at nanghihinang sumigaw kay Darryl. “Nagdurusa ako, Mister—”

Sigh!

Matindi ang pag-aalala ni Darryl sa kaniyang nakita. Sumigaw siya kay Jewel. “Huwag kang mag-alala, Jewel, nandito ako; magiging maayos ang lagay mo.”

“Mapunta ka sa impyerno, Darryl!”

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP