Phew!Ilang libong taon nang sikat si Zhang Jue bilang isang strategist na nagpaplano bago pa mangyari ang lahat. Hindi nakapagtatakang nakilala siya ni Yang Jian at naging Military Adviser pa ito noon sa North Moana continent.Nakakabilik ang matalino at komprehensibo nitong pag-iisip!Tumitig si Chester sa lalaki at kalmado itong nagsalita. “Iyong kataas-taasan, napahanga ako kung gaano ka katalino.”Pinanatili niya ang kaniyang tindig pero hindi siya mapakali.Pinilit nito ang sariling utak para makapag-isip ng dapat nilang gawin. Noong una ay naisip nitong kaya niyang iligtas si Dax at ang iba nang hindi pinagpapawisan; hindi nito inakalang ma a-ambush sila. Hindi magagawang lumaban ni Dax at ng iba pa dahil nanghihina pa ang mga ito, kaya siya lang ang nag-iisang maaaring lumaban.Suminghal si Zhang Jue; hindi ito nagsalita pa.Whoosh…Mabilis na nagdali dali ang elites ng Endless Sky Organization palapit sa kanila para palibutan si Chester at ang iba pa na parang mga iron
”Tama, Isang kahihiyan ang sumuko ng gaoon sa isang tao!”Huminga ng malalim si Chester at mapait nitong nginitian ang grupo bago niya tingnan si Dax at saka nagsalita. “Dax, nasa teritoryo niya ako. Kailangan kong sundin ang mga panuntunin niya. Base sa sitwasyon natin ngayon ay mamamatay tayo kapag hindi tayo sumuko. Isa pa, may malawak na paningin si Mr. Zhang. Noon palang ay hinahangaan ko na isya, kaya hindi ako mahihiyang paglingkuran siya.”Naintindihan din ni Chester si Dax at alam niyang magiging mahirap para kay Dax na pagtakpan siya nito kung alam nitong nagkukunwari lamang siya. Isa pa, hindi niya maaaring sabihin kay Dax ang kaniyang plano sa harap ni Zhang Jue.Labis na nagalit si Dax at ang mga tao sa paligid.“Chester Wilson!”Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Yvette nang titigan niya si Chester, sumigaw ito. “Palaging kapatid ang turing sayo ni Darryl. Hindi ako makapaniwalang isa ka rin palang duwag.”Nagalit ito. “Hindi na tayo magkaugnay pagtapos nito! Hin
Nagdurusa si Yvette; halos hindi niya mapigilan ang kagustuhan niyang lapitan si Chester.‘Pinili ng kapatid na si Chester ang gawin iyon kaysa ipahamak ang isa sa amin…’Pero alam niyang masasayang ang sakripisyo ni Chester kapag pinakita niya ang kaniyang pag-aalala.Pinigilan niya ang sarili nang maisip niya iyon.“Mr. Zhang!”Binalot ni Chester ang kaniyang sugat habang nakatitig siya kay Zhang Jue. “Napatunayan ko na ang aking katapatan. Mayroon ka pa bang hinala?” Hindi manlang siya tumingin sa naputol niyang braso na ansa lapag.Wala lang sa kaniya ang mawalan ng kamay kumpara sa mailigtas ang buhay ng ibang tao.Phew!Huminga ng malalim si Zhang Jue at ilang segundo itong tumitig kay Chester bago tuluyang tumango. “Sige, Master Wilson, isa kang hindi mapapantayang lalaki. Sasayangin ko lang ang iyong talento kung mayroon pa akong hinala.”Lumingon ito sa kaniyang mga kasamahan at nagbigay ng utos. “Bilis, gamutin ninyo ang sugat ni masater Wilson. Dalhin niyo sa selda
Samantala, nagpasuray-suray si Darryl pabalik sa gubat na may layong 50 kilometro sa lunar Hill.Nang mapansin niyang walang mga sundalo sa likuran niya ay huminga siya ng malalim at umupo habang pagkapatong ang kaniyang mga paa para maka-recover sa pamamagitan ng pag-cultivate. Hindi na nito mapigilan ang sarili matapos tamaan ni Zhang Jue ang ugat sa kaniyang puso gamit ang Sky Breaking Axe attack.“Jewel—“ Bulong nito sa sarili nang lumapag siya sa sahig.Naalala niya ng mga pangyayari. Labis siyang nagdusa nang maalala niya ang sinapit ni Jewel.Kaagad na may dumaang kotse.“Tao ba iyan?”“Tara, tingnan natin…”Huminto ang sasakyan nang mapansin nila si Darryl, bumaba ang ilang tao mula roon. Pinamunuan sila ng isa 18 anyos na babae. Kasing ganda ng isang paru-paro ang magandang mukha at pangangatawan nito.Iyon ay si Cheyenne Yack, ang pinakamatandang Young Miss ng pamilya Yach sa Mistloren. Ilang henerasyon nang business family ang pamilyang ito pero nagcultivate sila nit
Kinabukasan.Sa Yach Manor sa Yellow Dragon City, Mistloren.Nakatulog si Darryl sa isang kwarto at nanaginip ng hindi maganda.Napanaginipan nya na naghirap at namatay si Jewel, at ang buong Carter family ay pinatay ni Zhang Jue.Fuh!Nagising si Darryl sa bangungot; pagdilat nya ay napansin nyang nasa loob sya ng isang kwarto. Puno siya ng malamig na pawis habang ramdam ang sakit ng sugat nya sa ugat ng puso.‘Nasan ako?’Tumingin sya sa paligid at napansin ang lavish design ng kwarto na may lumang furniture layout. Mukhang makalumang kwarto na napapalibutan ng mamahalin na rosewood furniture.Creak!Nagulat si Darryl nang may nagbukas ng pinto, at may mga tao na pumasok ng mabilis sa kwarto.Ito ay sila Zhu Zhu Bajie, Cheyenne, ang kapatid nito na lalaki at mga pinsan na babae.Lahat ng pinsan na babae ni Cheyenne ay maganda; Simple lang manamit pero charming lahat sila. Mas classy pa kaysa sa mga sikat na artista.Si Zhu Bajie ang unang lumapit kay Darryl habang tumatawa
Kuntento na sa sagot, sumenyas si Zhu Bajie para palabasin na si Cheyenne at mga kasama nito.“Brother Zhu!”Pagkaalis ng ibang tao, hindi na naitago ni Darryl ang curiousity. “Nasaan tayo?”“Nasa Yach Manor sa Mistloren,” sagot ni Zhu Bajie na may kasamang tawa.‘Ano? Mistloren?’Hindi nakagalaw si Darryl at nagpanic, “Oh, crap.”Labis naman ang pagtataka ni Zhu Bajie. “May problema ba? Anong nangyayare?” Matagal sila hindi nagkita ni Darryl, naguguluhan sya kung bakit mukhang desperado at balisa ito ngayon.May pait sa ngiti na ipinaliwanag ni Darryl ang mga nangyari nitong mga nakaraan na araw.“Zhang Jue?”Napakunot ng noo si Zhu Bajie sa mga nalaman nya at sinabing, “F*ck, ganun talaga siya kasama?”“Brother Zhu, kinuha niya ang mga Carters, at hindi ko alam kung ligtas ba si Jewel. Kailangan ko silang balikan,” balisang sagot ni Darryl.Huminga ng malalim si Zhu Bajie at sinubukan syang pakalmahin. “Hindi makakabuti ang pag aalala ngayon, may sakit ka at sugatan. Bakit
Whoosh!Nakatitig ang buong grupo kay Chester.Huminga ng malalim si Chester at may halong pait ang ngiti. “Gusto ni Zhang Jue na mahuli si Darryl, at gagamitin nya kayo para magawa iyon. Hindi nya kayo sasaktan sa ngayon, pero isa syang demonyo at napakasama na tao. Papatayin parin nya kayong lahat, mahuli man o hindi si Darryl.”Kita ang pagkalito sa mukha ni Chester habang sinasabi, “Nagpanggap ako na pupunta dito para kausapin kayo na sumuko na. Pinaniwala ko si Zhang Jue sa pangako na kukumbinsihin ko kayo.”Nanghina sya ng sinabi nya nag mga ito. Alam nya na mahigpit ang seguridad ng main latar ng Endless Sky organization, at mahigit sa 100,000 elite disciples ang nagbabantay dito. Hindi kakayanin mag isa ni Chester na iligtas lahat ng nasa prison cell.Sa kanilang sitwasyon, ang magagawa lang ni Chester ay makuha ang tiwala ni Zhang Jue habang naghihintay ng tamang pagkakataon.‘Ano?’Nagulat ang grupo sa narinig nila.Napakagat ng labi si Yvette at sinabing, “Ibig mo ban
“Mabuti!”Tuwang tuwa si Zhang Jue, at sumenyas gamit ang kamay. “Tama na ang paggalang. By the way, Master Wilson, alam ko na pagod ka. Hindi pa magaling ang iyong mga sugat. Magpahinga ka na kaagad.”Sumangayon si Chester at umalis na sa main hall kasama si White Horse.“Master!”Maingat na nagtanong ang isang disciple pagkaalis nila. “Si Chester Wilson ay tinuturing nila na isang bayani. Kung ibabase dito, hindi kapani-paniwala na isang tao lang ang nakumbinsi nya na sumuko. Bukod dun, bakit parang nakakapagtaka na magalang ka sa isang subordinate ng Eternal Life Palace?Kaysa sagutin ang mga tanong nya, nanliit ng kaunti ang mga mata ni Zhang Jue at ngumiti.MAkalipas ang ilang segundo, sinabi nito na, “Puntahan at bantayan nyo sila; tignan nyo kung magkahiwalay na nagpahinga si Chester at White Horse. Dalhin niyo dito si White Horse nang hindi nalalaman ni Chester, pero huwag kayo magpapahalata kung magkasama pa sila.Humanga si Zhang Jue nang hiwain ni Chester ang kanyang