Nang sabihin niya ang huling salita, itinaas ni Zhang Jue ang kaniyang kamay para muling umatake.“Buwisit!” Napapamurang sinabi ni Darryl habang nilalabas ang White Lily Cold Flame sa kaniyang braso at gumawa ng isang apoy na barrier sa kaniyang paligid.Ang White Lily Cold Flame? Agad na naalarma rito si Zhang Jue, nagdilim ang kaniyang itsura habang ginagamit ang kaniyang internal energy para depensahan ang kaniyang sarili laban sa kulay puting apoy. Naramdaman niya ring lumakas si Darryl nitong nakalipas na tatlng taon kaya natural lang na mas lumakas ng ilang beses ang kaniyang White Lily Cold Flame.Ginamit ni Darryl ang oportunidad na ito para tumakbo paabante, dito na niya dinukot si Jackie bago tumakbo palabas ng hall. “Babalikan ako rito para bumawi sa mga nagawa mo Zhang Jue,” Narinig ang galit niyang boses sa buong manor na nagpanginig sa likod ng mga taong nakarinig dito.Malakas namang hinampas ni Zhang Jue ang mga upuan sa kaniyang tabi hanggang sa magkadurog durog i
Natigilan si Darryl sa kaniyang puwesto, at bago pa man siya makapagreact ay nagawa na siyang hilahin ni Darryl papunta sa damuhan.“Hoy, kailangan mong gumising, Jackie…” Sabi ni Darryl.Wala nang narinig na kahit isang salita si Jackie matapos makontrol ng matapang na gamot ang kaniyang isipan. Hinawakan niya si Darryl at sinimulang punitin ang kaniyang mga damit. At pagkatapos ng isang sandali ay tuluyan na rin itong nagising bago mawalan ng malay at bumagsak sa tabi ng kinauupuan ni Darryl.Kahit na sa magandang karanasan na nakuha ni Darryl kay Jackie, naging miserable pa rin ang pakiramdam ni Darryl nang dahil sa mga pagatakeng tinanggap niya mula sa manor ni Zhang Jue kanina na nagbiay ng matinding pinsala sa kaniyang katawan. Umupo ito sa lupa at nagpalakas ng kaniyang sarili bago makahinga nang maluwag sa kaniyang progress. Sinuwerte siya dahil hindi masyadong naging matindi ang kaniyang mga tinamong sugat kaya agad din siyang nakarecover sa mga ito. Dahil kung hindi ay sig
Nagalit dito nang husto si Jackie “Sinira ng hayop na iyon ang buhay ko pero nagawa pa rin niyang bawiin sa akin ang Seven Treasures Exquisite Pagoda? Mas mas sasama pa ba sa isang ito! Paano ako nanakita ng ganito kakapal na tao sa buong Nine Mainlands?!”Hindi alam ni Darryl kung matatawa ba siya o maiiyak sa mga sandaling ito. Dito na siya nagsimulang magalit habang sinasabi na, “Wala ka na nga talaga sa lugar, Jackie.”“Ikaw ang nagnakaw sa pagoda ko noong una pa lang. Sinubukan mo pa nga akong patayin sa kuwebang iyon. At ngayon ay nagawa mo pa ring magsalita na para bang wala kang ginawang kasalanan sa akin?!”Ring, ring, ring!Habang naguusapa ng dalawa, isang malakas na vibration ng aura ang kanilang naramdaman mula sa hindi kalayuan, sinundan ito ng mabilis na paglapit sa kanila ng anim na mga tao.Napakunot ang noo ni Darryl nang makita niya ang anim na mga taong iyon. Nakasuot sila ng pareparehong mahahabang mga itm na dress na nagkaroon ng kulay pulang mga stripe sa pa
Nakahinga nang maluwag si Jackie nang makita niya iyon. “Magagawa na ring tanggapin ni Darryl ang kapalit ng kaniyang mga nagawa.”Habang iniiisip ang tungkol sa bagay na iyon, naghanda nang umalis ang nanghihinang si Jackie.“Sandali lang!”Pero agad na hinarang ng Six Tribulation Lords sa mga sandaling ito ang kaniyang daraanan.“Sasama ka rin sa amin.” Kalmadong sinabi ni Lord Destructor.Nasurpresa at nagalit si Jackie sa kaniyang mga narinig. “Magkalaban kami ni Darryl kaya bakit niyo rin ako kailangang hulihin?”Kasalukuyan nang nagagalit si Jackie sa mga sandaling ito. Hindi niya inasahan na hindi lang siya papasalamatan ng mga ito dahil magagawa pa siyang dukutin ng Six Tribulation Lords matapos niyang ibulgar ang tunay na pagkakakilanlan ni Darryl.Hindi na nagdalawang isip pa si Lord Destructor sa mga walang kuwentang sinasabi ni Jackie. Tumingin siya sa mga kasama niyang lord at nagkakaisang hinuli si Jackie. Hindi naging mas maganda ang sitwasyon ni Jackie sa mga sa
“Noong una ay nagawang sirain ni Matteo ang mukha ni Lily. Nagawa rin nitong linlangin si Ambrose para pagawayin kaming dalawa.” Hindi na nakontrol pa ni Darryl ang kaniyang emosyon nang maisip niya iyon.Nanginig ang buong katawan ni Laura nang marinig niya iyon. “Wala akong pakialam sa pinagsasabi mo. Pinatay mo ang aking kapatid kaya dapat ka lang din mamatay!”Nagpatuloy si Laura sa nanlalamig niyang pagsasalita. “Babae mo ang kasama mong nahuli namin kanina tama? Kung ganoon ay pareho ko kayong ipadadala sa impyerno ngayong araw.”Dito na nila binitbit paabante si Jackie.“Unahin ninyong patayin ang isang ito.” Sigaw ni Laura.Naglakad paabante ang Six Tribulation Lords habang binubunot ang kanilang mga sandata. Lumapit sila para atakihin si Jackie.Dito na nanginig ang buong katawan ni Jackie. Agad niyang sinabi sa mga ito na, “Hindi niyo po naintindihan ang mga nangyari. Wala po akong kahit na anong relasyon kay Darryl. Sa totoo lang ay itinuturing ko siyang kalaban. Matag
“Darryl!”Narinig ni Darryl ang boses ni Laura sa kaniyang itaas noong mga sandaling iyon. Dito niya napansin ang isang maliit at bilog na butas sa itaas ng secret tunnel. Nagawa niyang makita sa kabilang dulo ng butas ang pinanggalingan niyang palasyo.Kinausap ni Laura si Darryl mula sa kabilang dulo ng butas na iyon.“Alam ko na mayroon kang White Lily Cold Flame na iyong giangamit para iabsorb ang kahit na anong mahiwalang apoy. Pero masyadong nagliliyab sa init ang magkabilang dulo ng tunnel na ito. Tingna natin kung paano mo magagawang iabsorb ang apoy na iyan nang walang kahit na anong mahiwagang apoy.”“Habang palayo ka nang palayo ay mas lapit nang palapit sa isa’t isa ang magkabilang pader ng tunnel na gawa sa makapal na bakal. Kaya puwede kang mamatay sa init o mamatay nang nakaipit sa gitna ng tunnel na ito. Kaya tanggapin mo na lang ang iyong kapalaran Darryl. Ito na ang magiging katapusan mo.”Buwisit!Mahinang napamura sa kaniyang sarili si Darryl nang marinig niya
Pagkatapos ay tumingin si Zhang Jue sa kaniyang paligid hanggang sa tumama ang kaniyang paningin kay Susan. “Mayroon po akong magandang balita sa inyong lahat, Madam Carter. Mayroon po akong balita tungkol kay Darryl.”Ano?Agad na umingay ang buong main hall nang marinig nila iyon sa tindi ng pananabik na naramdaman ng lahat.“Ano? Nasaan siya?”“Sinasabi ko na nga bang ok lang si Darryl.”“Sabihin mo na sa amin kung nasaan siya ngayon, Master Zhang.”Hindi pa rin alam ng kahit na sino sa mga sandaling ito na bahagi ang bagay na iyon ng panlolokong ginagawa ni Zhang Jue sa kanila. Hindi rin nila alam na si Zhang Jue ang nagtayo ng Yellow Sky Trading na kumalat sa buong Nine Mainland. Hindi lang iyon dahil tuluyan na rin nitong nakontrol ang Endless Sky Organization. Mas malakas na ngayon ang kapangyarihan ni Zhang Jue kaysa sa kahit na anong sekta sa Nine Mainlands.Tumawa si Zang Jue sa naging tanong sa kaniya ng mga ito. “Tatlong taon akong naglibot sa buong mundo. Nakita ko
Dito na nagbago ang itsura ni Yvette at ng kaniyang mga kasama habang nanginginig ang buo nilang mga katawan.“Mu… Mukhang hindi ko kaya gamitin ang internal energy ng aking katawan…”“Ako rin…”Dito na nagsimulang manghina ng lahat habang hindi makagalaw na nakaupo sa sahig bago sila magpatuloy sa kanilang pagsasalita.Tumawa naman dito si Zhang Jue.Isang ngiti ang nagpakita sa mukha ni Zhang Jue nang makita niya iyon. Ipinalakpak niya ang kaniyang na naging senyales para lumabas ang isang dosenang mga nakaitim na lalaki, ang mga ito ay walang iba kundi mga disipulo ng Endless Sky Organization.Sa loob ng isang iglap ay nagawang itali ng mga nakaitim na lalaki si Yvette at ang kaniyang mga kasama. Hindi na rin nakatakas si Susan sa kanilang kamalasan. Mahigpit na itinali ng mga disipulo ang kaniyang mga kamay at paa.“Master, bakit?” Nanginig dito nang husto ang katawan ni Eira. Hindi niya inasahan na magiging ganito kasama si Zhang Jue.Nanlalamig namang tumawa si Zhang Jue