“Darryl!”Narinig ni Darryl ang boses ni Laura sa kaniyang itaas noong mga sandaling iyon. Dito niya napansin ang isang maliit at bilog na butas sa itaas ng secret tunnel. Nagawa niyang makita sa kabilang dulo ng butas ang pinanggalingan niyang palasyo.Kinausap ni Laura si Darryl mula sa kabilang dulo ng butas na iyon.“Alam ko na mayroon kang White Lily Cold Flame na iyong giangamit para iabsorb ang kahit na anong mahiwalang apoy. Pero masyadong nagliliyab sa init ang magkabilang dulo ng tunnel na ito. Tingna natin kung paano mo magagawang iabsorb ang apoy na iyan nang walang kahit na anong mahiwagang apoy.”“Habang palayo ka nang palayo ay mas lapit nang palapit sa isa’t isa ang magkabilang pader ng tunnel na gawa sa makapal na bakal. Kaya puwede kang mamatay sa init o mamatay nang nakaipit sa gitna ng tunnel na ito. Kaya tanggapin mo na lang ang iyong kapalaran Darryl. Ito na ang magiging katapusan mo.”Buwisit!Mahinang napamura sa kaniyang sarili si Darryl nang marinig niya
Pagkatapos ay tumingin si Zhang Jue sa kaniyang paligid hanggang sa tumama ang kaniyang paningin kay Susan. “Mayroon po akong magandang balita sa inyong lahat, Madam Carter. Mayroon po akong balita tungkol kay Darryl.”Ano?Agad na umingay ang buong main hall nang marinig nila iyon sa tindi ng pananabik na naramdaman ng lahat.“Ano? Nasaan siya?”“Sinasabi ko na nga bang ok lang si Darryl.”“Sabihin mo na sa amin kung nasaan siya ngayon, Master Zhang.”Hindi pa rin alam ng kahit na sino sa mga sandaling ito na bahagi ang bagay na iyon ng panlolokong ginagawa ni Zhang Jue sa kanila. Hindi rin nila alam na si Zhang Jue ang nagtayo ng Yellow Sky Trading na kumalat sa buong Nine Mainland. Hindi lang iyon dahil tuluyan na rin nitong nakontrol ang Endless Sky Organization. Mas malakas na ngayon ang kapangyarihan ni Zhang Jue kaysa sa kahit na anong sekta sa Nine Mainlands.Tumawa si Zang Jue sa naging tanong sa kaniya ng mga ito. “Tatlong taon akong naglibot sa buong mundo. Nakita ko
Dito na nagbago ang itsura ni Yvette at ng kaniyang mga kasama habang nanginginig ang buo nilang mga katawan.“Mu… Mukhang hindi ko kaya gamitin ang internal energy ng aking katawan…”“Ako rin…”Dito na nagsimulang manghina ng lahat habang hindi makagalaw na nakaupo sa sahig bago sila magpatuloy sa kanilang pagsasalita.Tumawa naman dito si Zhang Jue.Isang ngiti ang nagpakita sa mukha ni Zhang Jue nang makita niya iyon. Ipinalakpak niya ang kaniyang na naging senyales para lumabas ang isang dosenang mga nakaitim na lalaki, ang mga ito ay walang iba kundi mga disipulo ng Endless Sky Organization.Sa loob ng isang iglap ay nagawang itali ng mga nakaitim na lalaki si Yvette at ang kaniyang mga kasama. Hindi na rin nakatakas si Susan sa kanilang kamalasan. Mahigpit na itinali ng mga disipulo ang kaniyang mga kamay at paa.“Master, bakit?” Nanginig dito nang husto ang katawan ni Eira. Hindi niya inasahan na magiging ganito kasama si Zhang Jue.Nanlalamig namang tumawa si Zhang Jue
Natigilan dito si Zhang Jue. At pagkatapos ay agad siyang napatitig kay Heather. Tatlong taon na ang nakalilipas pero mas naging attractive at sexy ang katawan ni Heather ngayon kaysa noong huli silang magkita.Pagkatapos ng ilang segundo, nanlalamig na sumagot si Zhang Jue ng, “Umalis ka sa harapan ko!”Alam ni Zhang Jue na prinsesa ng Sea Mackie Clan ang babaeng iyon. At walang katulad ang posisyong hinahawakan ng isang ito. Pero hindi pa rin niya ito kinaawaan nang hawakan nito ang kaniyang kamay.Iniling ni Heather ang kaniyang ulo habang ipinapakita ang determinado niyang mukha at sinasabing, “Huwag na huwag mong sasaktan si Kuya Ambrose. Lalo nan ang nandito ako.”“Heather!” Sigaw ng nagaalalang si Ambrose, “Huwag mo na akong alalahanin. Gusto kong maikita kung may lakas ba talaga ng loob ang isang ito para putulin ang magkabila kong kamay.”Malakas namang iniling ni Heather ang kaniyang ulo nang marinig niya ito. “Palagi mo na lang akong pinoprotektahan, Kuya Ambrose, kaya
”Ating master-alagad na relasyon?”Mukhang tina nakangiti si Zhang Jue pero hindi. Tiningnan nito si Eira at tumango. “Sige, pwede akong sumang-ayon sayo.”“Salamat, Master…” Natuwa si Eira at magpapatuloy pa sana ito.Pero inantala siya ni Zhang Jue nang magsasalita pa sana siya.“Huwag ka munang maging masaya. Maaari kong hayaang mabuhay si Heather; pwede ko ring pansamantalang bigyan ng pahinga ang kapatid mo.” Nanginig ang gilid ng labi ni Zhang Jue, may hindi magandang ngiti sa mukha nito nang magsalita. “Pero kailangan mong sumang-ayon sa isang kondisyon.”Ano?Nanginig ang katawan at puso ni Eira. ‘Masama at malupit si Master. Paniguradong hindi maganda ang ano mang nasa isip niya.’“Huwag kang pumayag sa kaniya, kapatid.” Sigaw ni Ambrose. “Masyadong nakakamuhi ang taong iyan. Hindi iyon magiging maganda. Mas pipiliin ko nalang mamatay kaysa hayaang siyang makuha ang ano mang nais niya.”Namula at nag-alangan si Eira sa kaniyang narinig.Masyadong tinamad si Zhang Jue
’Anong dapat kong gawin?’Ring, ring, ring…Nang sandaling iyon ay narinig niya ang pagyanig mula sa matatag na saghih. Hindi ito ganoon kalakas pero naririnig niya ito.‘Hay*p, anong nangyayari?’Nagulat si Darryl. Mabilis siyang yumuko. Nalipat sa sahig ang kaniyang tingin kung saan napansin niya ang isang butas na may kalahating metro ang diameter at nakalagay ito sa bato. Sumunod ay lumabas mula rito ang maliit na anyo.Nasa fortied ang edad ng lalaki, nakabihis ito ng hapit na leather at mukha itong daga, may matulis na bibig at malapad na pisngi.Iyon ay si Tu Xingsun. Ilang beses silang nagkita sa North Moana Continent.‘Hay*p, siya iyon?’Nagulat siya nang makita niya ang lalaki.“Tsk, tsk, tsk…” Pinagpagan ni Tu Xingsun ang lupa sa kaniyang katawan at dinura nito ang duming nasa bibig niya, bumulong ito sa sarili. “Napakatahimik na lugar, kailangan nito ng mas maraming enerhiya para lang makahukay ng bukas…”Nakita niya si Darryl habang nagsasalita. Nagulat si Tu Xin
Wow!Nanginig ang katawan ni Darryl nang makita niya ang sitwasyon sa kaniyang harapan. Hindi niya mapigilang huminga ng malalim.Nakita niya ang naggagandahang mga lamesa at upuan, kulay ginto ang magandang kuwarto. Hindi lang iyon, mayroon ding nakakabighaning matamis na amoy ang silid.Tama; iyon ang silid pahingahan ni Laura.Nakita ni Darryl ang nakasinding kandila sa gilid ng ivory bed, sa kailaliman ng kuwarto.Nakaupo si Laura sa higaan; mayroon itong baso ng wine sa kaniyang magandang mga kamay. Bumubulong ito gamit ang sinaunang wika.Sh*t!‘Masyado nang gabi ngayon at hindi pa rin tulog si Laura. Umiinom at kinakausap niya ba ang sarili?’Dumapo sa katawan ni Laura ang tingin ni Darryl. Maaaring niyang i-iwas ang kaniyang mga mata.Nang sandaling iyon ay nakasuot ng silk na pantulog si Laura. Hindi nito nagawang itago ang nakakaakit na hubog ng kaniyang katawan; napakaganda niya.Sa parehong sandali ay napansin ni Darryl na mukha itong malungkot. Umiinom siya ng wi
Sa parehong sandali ay walang ideya si laura na nahuli ng Six Tribulation Lords si Darryl dahil sa hindi inaakalang kalamangan. Hindi pa rin tuluyang bumabalik ang internal na enerhiya ni Darryl nang panahong iyon.Walang tiyansang manalo si Laura laban kay Darryl.Malamig na ngumiti si Darryl at hindi siya nagsayang ng oras. Mabilis niyang itinaas ang kaniyang kamay at sinara ang acupoint ni Laura.Nanigas ang katawan ng babae. Hindi ito makagalaw.“Hayop ka, Darryl!” Kinagat ni Laura ang kaniyang mga labi. “Buksan mo ang acupoints ko ngayon din!”“Buksan ang acuponts mo?”May nakitang ngiti sa mukha ni Darryl; mapula ang kaniyang mga mata. Naglakad ito palapit kay Laura at sinampal niya ang mukha nito!Slap!Pagtapos ng sampal na iyon ay narinig niya ang pag-ungol ni Laura. Bumakat ang hugis kamay sa maputi at makinis nitong pisngi.“Sino ka para sabihan akong buksan ang acupoint mo? Para sa pagiging opinyonado ang sampal na iyon.” Malamig niyang tiningnan ang babae habang n