Kabanata 2525
Isang babaeng elite ang tumayo sa harapan ng antehall at magalang na naganunsyo sa harapan ng dalawa, “Nandito po ang Hall Master ng Cloudbrook City na si Hector Berg.”

“Si Hector Berg?”

Dito na napakunot ang noo ng naiinis na si Jackie. “Ano ang ginagawa niya rito sa halip na manatili sa Cloudbrook City?”

“Sinabi niya po na kailangan niya raw kayong makita para pagusapan ang isang mahalagang bagay.” Natatakot na isinagot ng disipulo.

Huminga nang malalim si Jackie bago tingnan si Zhang Jue at sabihing, “Sandali lang Mr. Zhang, pupuntahan ko lang ang isa sa ating mga disipulo.” Dito na siya tumayo sa kaniyang kinauupuan para maglakad papunta sa harapan ng hall.

Samantala, kasalukuyang naghihintay sina Darryl at Hector sa loob ng main hall.

“Buwisit!”

Natigilan si Darryl nang makita niya ang kaniyang paligid. Nagawa nilang irenovate ang lugar na ito para magmukhang palasyo na tinitirhan ng mga maharlika, nagawa ring tumayo sa loob ng main hall ng ilang dosena nilang mga elite na
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP