Nagbago ang itsura ni Darryl nang husto noong mahulog siya sa bangin. Dito na siya napamura habang ibinabaon ang hawak niyang Heavenly Halberd sa gilid ng bangin para mapabagal ang kaniyang pagbagsak....Sa kabilang banda.Kasalukuyan pa ring nagaganap ang digmaan sa pagitan ng Nine Continent Army at Raksasa.Narinig ang mga sigaw at paghiyaw sa paligid ng battlefield na nabalot ng dugo sa paligid.Kahit na tila nagpaparty ang mga ito, isinusugal pa rin nila ang kanikanilang mga buhay para patayin ang isa’t isa habang namumula ang kanilang mga mata. Nakahanda na ang mga itong lumaban hanggang sa huli nilang hininga.Dito na nanghina ang namumutlang sina Chester, Dax at Quincy.Kahit na nagawang makuha ng Nine Mainlands ang advantage sa laban, kinakailangan pa rin nilang magsakripisyo kung gusto nilang makamit ang tagumpay. Sabagay, sanay sa laban ang mga sundalo ng Raksasa kaya hindi na natatakot ang mga ito na mamatay.*Whoosh!*Isang balingkinitang imahe ang biglang lumunda
Marami sa mga sundalo ng Raksasa ang sumangayon at tumango sa mga sinabi nito.“Oo nga. Paano nagawa ng isang katulad niyan na maging pinuno natin?”“Siguradong gusto na nitong mamatay!”Nagalit nang husto si Natalie nang makita niya kung paano ibrainwash ni Sean ang kanilang hukbo. Dito na nagsalita si Natalie habang ginagamit ang kaniyang internal energy nang walang pagaalinlangan. At pagkatapos ay itinaas niya ang kaniyang braso at ibato ang mga sumasangayon na sundalo sa kaniya.Pero hindi pa rin nasindak dito si Sean. Inipon niya ang kaniyang enerhiya bago itaas ang kaniyang braso at salubungin ang palad ni Natalie nang direkta!*Bang!*Naramdaman ni natalie ang pagpagpasok sa kaniyang katawan ng isang malakas na puwersa noong magdikit ang kanilang palad ni Natalie bago manginig at mapaatras habang tumutulo ang dugo sa magkabilang gilid ng kaniyang bibig.Si Natalie pa rin ang humahawak ng advantage sa duwelong ito. Bilang isa sa Twelve Gods, isang magiting na mandirigma si
Tumawa nang malakas si Dax bago umabante papunta kay Natalie at sabihing, “Binabati kita Queen Natalie.”Ngumiti rin Chester bilang sagot dito habang sinasabi na, “Queen Natalie, parehong naapektuhan ng matindi ang magkabilang panig sa digmaang ito. Kaya hayaan niyo muna kaming gamutin ang mga kasama naming nasugatan bago magpatuloy sa ating paguusap.”Bahagya namang ngumiti si Natalie habang tumatango bilang pagsangayon sa mga ito.“Umalis na kayo sa field.” Humarap si Chester sa mga sundalo sa kaniyang paligid at nagutos. Hindi nagtagal ay bigla nitong naalala ang isang bagay. Hinatak niya ang braso ni Dax habang sinasabi na, “Ano na kaya ang nangyari sa paghabol ni Darryl kay Donoghue, halika na’t magpunta tayo sa Wild Deserted Secret Region.”“Malapit nang maubos ang internal energy ng hayop na si Donoghue noong subukan niyang tumakas kay Darryl dito, kaya siguradong hindi na nito matatapatan pa si Darryl!” Naiinis na nagmura si Dax habang nasasabik na sinasabing, “Sabagay, mag
Napuno naman ng mga kuwebang may iba’t ibang sukat ang kabilang banda ng valley habang bumabalot ang nakalalasong fog sa kanilang paligid na magpapahirap sa pagtantsa ng kahit na sino sa lalim ng mga kuwebang iyon. Kaya natural na umiwas si Darryl sa pagpasok sa kahit na isang kuweba sa kaniyang paligid. At ngayong nauubos na ang kaniyang internal energy, wala na siyang dapat pang gawin kundi magmeditate para mabawi ang nawala niyang enerhiya. Umupo sa lupa si Darryl at naghanda sa pagpapalakas nang maalala niya ang isang bagay. Tumingin siya sa kaniyang paligid at narealize na wala rito si Donoghue.“Maaari kayang buhay pa ito?” Isip ni Darryl. Uutusan n asana niyang maging alerto sa kanilang paligid ang kaniyang Rocky noong makarinig siya ng mga hindi kaaya ayang ingay na hindi niya magagawang maimagine kailanman sa kaniyang isipan. Nagmumula ito sa loob ng isang kuweba na nasa kaniyang likuran. Hiss... Mabilis na kumabog nang malakas ang dibdib ni Darryl nang marealize niya kung an
Wala nang nagawa pa si Darryl nang maharang ng nakalalasong hamog ang kaniyang paningin. Ang hindi niya alam ay kasalukuyan na siyang nakakulong sa pinakamapanganib na lugar sa buong Wild Deserted Secret Region na pinangalanang Valley of Death ng mismong tribo ng Raksasa.Ang Valley of Death ay mayroong habang umaabot sa higit isang libong milya at nababalot ng panganib saan mang sulok ng lugar na ito habang hinahagupit ng masamang kapaligiran. Maging ang pinakamatapang sa buong tribo ng Raksasa ay walang sapat na lakas ng loob para pumasok sa lugar na ito nang basta basta. Walang kamuang muang si Darryl na nasa gitna na pala siya ng pinakamatinding pagsubok na ibinibigay ng kapaligiran sa kaniya.Pagkatapos niyang mawalan ng malay sa oras, walang kamuang muang na nagikot si Darryl sa valley ng tatlong araw. Sa gitna ng tatlong araw na ito niya nakita ang naaagnas at deformed na katawan ni Donoghue pagkatapos maexpose sa nakalalasong hamog sa paligid. Wala na rin sa mga kamay nito an
“Hoy, ikaw!” Tinawag ng namumunong babae si Darryl at nagtanong ng, “Sino ka?”Nakilala ang babaeng ito sa pangalang Lillian Willis na siyang naging lider ng Blood Thorn Mercenary Team. At mula noong magsimula ang peace treaty sa pagitan ng Raksasa at Nine Mainlands na nagpabalik ng lahat sa normal, walang tigil na nagcooperate sa isa’t isa ang siyam na mga kontinente na nagpaunlad sa buong Nine Mainlands. Kasabay ng mabilis na pagunlad ng mga ito ang pagkakaroon nila ng interes sa malawak at underdeveloped na Wild Deserted Secret Region. Siguradong hindi maaaring pamuhayan ang kundisyon ng kapaligiran sa Wild Deserted Secret Region na nakapagpahirap sa kahit na sinong umapak dito. Kahit na nagawang mabuhay dito ng Raksasa sa kabila ng matindi nitong kapaligiran, mas naging desperado pa rin ang mga ito na tumawid sa Chaotic Mountain Range at bumalik sa Nine Mainlands. Sapat na ang bagay na ito para malaman ng kahit na sino kung gaano kahirap ang buhay sa lugar na iyon.Habang nagigin
“Huwag kang magalala dahil wala ka nang gagawin kundi ituro sa amin ang tamang daan. Sisiguruhin kong makakatanggap ka ng sapat na kumisyon sa sandaling matapos tayo sa panghuhuli ng mga Black Sand Pythons,” nagmamadaling idinagdag ni Lillian noong mapansin nito ang pagdadalawang isip ni Darryl.At noong makita niya ang sincerity sa mukha ni Lillian, hindi na nakatanggi pa si Darryl kaya kaagad itong tumango at sumagot ng, “Okay!”“Pinuno!” Sigaw ni Otis. “Mahahalata namang walang magiging pakinabang ang lalaking ito, kaya paano niya magagawang ituro ang tamang daan sa atin? Siguradong tatakbo kaagad ang isang ito kahit na hinid pa nagpapakita ang mga Black Sand Python na ating huhulihin.”“Oo nga, tingnan mo na lang ang kaniyang suot. Ano bang klase ng tulong ang maibibigay niya sa atin?”“Mas mabuti kung maglalakbay na lang tayo rito nang hindi siya kasama.” Sabi ng iba nilang mga kasama habang sumasangayon na tumatango sa sinasabi ng isa’t isa.Napasimangot naman si Lillian nan
Noong una ay pinigilan ni Lillian ang kagustuhan niyang umatake pero hindi na napigilan ng katabi niyang si Otis ang sarili nito.“Kitang kita naman na walang alam ang isang ito, Pinuno. Bakit ka ba nakikinig sa kaniya?” Sigaw ni Otis bago sumugod gamit ang hawak niyang espada. Nagtinginan naman ang ibang mga miyembro ng grupo bago sundan ang kanilang kasama. Ang mga Black Sand Python ay nasa upper middle class ng mga mahiwagang halimaw kaya kayamanan ang tingin ng mga cultivator sa tinatanglay na inner core ng mga ito na naging popular sa mga black market. Naglakbay nang malayo ang grupong ito para manghuli ng mga Black Sand Pyhton nang makakita sila ng isa sa mga ito, kaya paano nila magagawang palampasin ang pagkakataong ito?“Mga mangmang,” Mura ni Darryl sa kaniyang sarili bago sumigaw kay Lillian ng, “Utusan mo ang mga tauhan mong maging alerto sa paligid. Mahilig makisalamuha sa kanilang mga kauri ang mga Black Sand Python kaya imposibleng makakita tayo ng python na naglalakba