Nagulat at nagalit si Heather; tumingin siya kay Watson at sinigaw, “Anong ginagawa mo? Pakawalan mo ako!”Bago pa siya makapagsabi ng iba pa, wicked na ngumiti si Watson at pinatigil siya. “Princess Heather, Patawad. Kailangan ko gawin ito para sa kaligtasan ko. HUwag kang mag-alala. Hindi kita sasaktan dahil tinrato ako ng tatay mo bilang guest.”Kahit na ito ang sinabi ni Watson, mukhang may pagnanasa ang mga mata nito habang nakatingin kay Heather.‘F*ck! Ang magandang babaeng ito ay na crush at first sight sa batang yun. Si Darryl din. Maraming magagandang babae ang nakapaligid sa kanya.’‘Ang father-and-son duo na ito… bakit ang swerte nila?’Gusto ni Watson na angkinin si Heather, pero nagpigil siya dahil naisip niya ang plano nila ni Donoghue.“Ang sama mo! Hindi ka kakaawaan ni Brother Ambrose. Tinake advantage mo ang pagpapahinga niya para manakaw ang treasure chest!” Sigaw ni Heather habang nanginginig ang kataway niya.“Uy…” Hindi nagalit si Watson. Sa halip, ngumi
Kung hindi pa mamamatay si Watson, hindi pa niya marerealize na isang walang awa at aroganteng lalaki si Donoghue. Kaya paano nito magagawang isama si Watson sa kaniya? “Ano ang nangyayari?” Mabilis na sumugod palabas ng cabin ang naalarma sa narinig nilang ingay na sina Ambrose at Eira.Napasimangot naman dito si Ambrose, nagdilim ang kaniyang mukha nang mapansin niya ang kaguluhan sa kaniyang harapan. “Chief, lihim pong nakipagsabwatan si Watson kay Donoghue para nakawin ang kayamanan.” Nagmamadaling sinabi ng pirata na nasa tabi ni Ambrose. “Ano?” Nagulat at nagalit nang husto si Ambrose nang marinig niya ang bagay na iyon. Agad siyang tumingin sa dagat na nasa kaniyang harapan habang natitigilang iniisip ang mga nangyari. Dito niya nakita ang pinana hanggang sa mamatay na si Watson habang makikita hindi kalayuan sa kaniya ang isang higanteng pating na sinasakyan ng isang imahe na lumalangoy nang mabilis palayo sa kanila. Donoghue!Humiga si Donoghue sa likuran ng h
Nagmukhang malungkot si Ambrose, nahihiya niyang niyuko ang kaniyang ulo at sinabing, “Nagkaroon ng sabwatan sina Watson at Donoghue. Ibinigay ni Watson ang kayamanan ni Donoghue na agad namang tumakas sakay ng higante niyang pating.” “Ano?” Nanginig sa kaniyang narinig ang natutulalang si Heather. Pagkatapos ng ilang segundo ay agad na umiyak si Heather, “Ilang libong taon na binantayan ng aming angkan ang kayamanang iyon. At ngayon ay nagawa nila itong makuha sa amin. Paano ko ito maipapaliwanag sa aking ama, paano ko ito maipapaliwanag sa aking angkan…” Nakaramdam ng galit at lungkot si Heather nang sabihin niya iyon. Hindi na niya napigil pa ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Dito na nakaramdam ng matinding stress si Ambrose, niyakap niya si Heather at agad itong kinomfort. “Huwag kang magalala dahil ibabalik ko sa iyo ang kayamanan ng inyong angkan, hindi ko hahayaang magamit ito ni Donoghue sa masasama niyang mga binabalak.” Naging determinado at hindi makukwes
“Ano?!” “Sino iyan? Ang lakas ng loob mong pumasok sa aming kampo ah?” “Hulihin niyo siya!” Kahit na nagawang magdisguise at magingat sa paggalaw ni Darryl, masyado pa ring bantay sarado ang kampo ng Raksasa. Bago pa man niya maobserbahan ang kaniyang paligid, isang grupo ng mga nagpapatrolyang sundalo ang lumapit sa area at agad na nakakita kay Darryl.Naramdaman ng mga sundalo ang aura na nagmumula sa katawan ni Darryl. Nagawa pa rin nila itong maramdaman kahit na nagawa itong pahinain ni Darryl. Wala nang nagawa si Darryl noong makita siya ng mga ito. Dito na siya nagulat sa mga nangyari. “Naitago ko na ang aking lakas pero paano pa rin naramdaman ng mga ito ang aking presensya?” Hindi pa alam ni Darryl sa mga sandaling ito na naiiba nang husto ang pamamaraan na ginagamit ng Raksasa sa pagpapalakas kaysa sa pamamaraang ginagamit ng Nine Mainland. Sinabayan pa ito ng matagal na pamumuhay ng Raksasa sa isang lugar na may mabagsik na kapaligiran—ang Secret Region sa labas
Hindi na nagkaroon pa ng sapat na oras ang mga sundalo ng Raksasa na magreact sa ginawang pagatake ni Darryl nang dahil sa lapit ng mga ito sa kaniya. Agad na nanlaki ang kanilang mga mata habang bumabagsak ang kanilang mga katawan sa lupa. “Tapos na!” Napapalakpak na lang si Darryl sa kaniyang mga kamay at pagkatapos ay agad niyang inalis ang armor na suot ng isa sa mga sundalo para isuot sa kaniyang katawan. Nagkunwari siya na isa sa mga sundalo ng Raksasa. Pero pangkaraniwang matatangkad at maskulado ang mga lalaking miyembro ng Raksasa kaya natural lang na maging maluwag nang kaunti ang armor para kay Darryl. Pero wala nang pakialam si Darryl sa ganitong klase ng mga detalye. Pagkatapos nito ay nagmamadali siyang naglakad papunta sa loobang bahagi ng kampo. Hindi napansin ni Darryl ang iba pang mga nakabantay na sundalo ng Raksasa sa kaniyang paligid, at sa halip ay nagawa niyang magtaka sa kakaibang bagay na kaniyang napansin sa paligid ng kampo. Iisa lang ang itsura n
Nagulat dito si Darryl. Masyadong direkta at walang awa ang babaeng Raksasa na ito. Ang sinumang babae na magmumula sa Nine Mainland ay agad na magiging concern sa kaniyang reputasyon kaya hindi nito magagawang umalis sa kinaroroonan niyang bariles. Pero agad na umalis dito si Natalie nang hindi manlang nagdadalawang isip tungkol sa bagay na ito. Mayroong mga usap usapan na masyado raw walang awa at matindi ang mga miyembro ng Raksasa matapos nilang magkaroon ng maiksing mga pasensya. Mukhang totoo nga ang bagay na ito tungkol sa kaniya. Slap! Habang lubog si Darryl sa kaniyang mga iniisip, itinaas ni Natalie ang kaniyang kamay para hampasin si Darryl ng kaniyang latigo! Flip! Gaano nga ba katindi ang latigong ito? Nagawa nitong mahiwa at gumawa ng itim na imahe sa hangin na madaanan nito! Dito na biglang nahati sa dalawa ang pinagliguan niyang bariles at ang laman nitong mainit na tubig. Nagulat nang husto si Darryl makita niya ito. “Masyadong malakas ang babaeng ito.
Alam ni Darryl na makukuha niya ang atensyon ng ibang mga sundali sa sandaling ipagpatuloy niya ang laban. Kaya kinakailangan na niyang talunin ang babaeng ito sa lalong madaling panahon at ang pinakamabilis at ang pinakamainam na paraan para gawin ito ay ang pakikipaglaban sa internal energy ni Natalie! Pagkatapos niyang mamaster ang Heart Sutra of Eight Wilds ng Ghost Valley Sage, mas naging puro at concentrated ang internal energy ni Darryl kaysa sa nawala niyang internal energy noong bago niya ito sanayin. Ano?Napaatras si natalie nang mapansin niya ang pakikipaglaban ni Darryl sa kaniyang internal energy, dito na siya namumuhing tumawa kay Darryl. Naabot niya ang level na ito nang dahil sa kaniyang talent at sa hindi mapapantayang technique ng Raksasa—ang Celestial technique. Masyadong kumplikado at supistikado ang Celestial Technique kaya walang kahit na sinong nagmula sa Raksasa ang nakatalo kay Natalie nang dahil sa internal energy na mayroon ito mula pagkabata. Inisi
Phew…Nakahinga na nang maluwag si Darryl nang makita niyang hindi ganoon karami ang mga nagpapatrolyang sundalo sa labas ng tent. Sa kabutihang palad ay naisip niyang makipaglaban kay Natalie sa pamamagitan ng kanilang mga internal energy lamang. Dahil kung hindi ay agad nilang makukuha ang atensyon ng napakaraming mga sundalo ng Raksasa sa buong kampo. Natuwa naman si Darryl sa kaniyang sarili pero wala na siyang oras para magisip pa. Agad siyang nagpatuloy sa paghahanap sa iba’t ibang mga tent sa paligid. Pero masyadong malaki ang kampo ng Raksasa at napakarami rin ng mga tent na matatagpuan sa loob nito. Hindi na alam ni Darryl kung saan siya magsisimula kaya agad siyang nakaramdam ng pagkabagabag sa kaniyang sarili. Ano? At sa wakas ay nakita ni Darryl ang isang tent na binabantayan ng ilang mga sundalo. Narinig niya rin ang boses ng higit sa isang mga babae mula sa loob ng tent.“Shentel… hindi ito ang bagay na dapat nating gawin.” “Oo nga, pero nawawala pa rin ang