Tumingin si Jackie kay Darryl habang nagpapatuloy sa pagsasalita, “Ngayong gustong gusto ka ng aking kapatid, hindi ko na kayo paghihiwalayin sa isang kondisyon na dapat mong sangayunan. Dahil kung hindi ay papatayin kita kahit na sisihin pa ako ng aking kapatid habangbuhay.”Nagulat at napakunot dito ang ulo ni Darryl sa kaniyang sarili. “Ano nanaman ba ang gusto ni Jackie? Wala ka nang kinalaman sa kung anong relasyon namin ng Sect Master. Sige, tingnan natin kung ano ba talaga ang gusto mo.”Pilit na ngumiti si Darryl habang sinasabihan si Jackie na magpatuloy sa pagsasalita.Nang makita niya ang hindi pagtanggi ni Darryl sa kaniyang kondiseyon, agad na bumaba ang tono sa pagsasalita ni Jackie at malinaw na sinasabing, “Simple lang naman ang kondisyon ko. Mula sa araw na ito, buong puso mo siyang mamahalin, at hinding hindi ka aalis sa kaniyang tabi rito sa Sun Set Sect habang buhay.”Halos mapatalon sa sobrang pagkagulat si Darryl nang marinig niya iyon. “Hindi ako makakaalis n
Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod na si Jackie at umalis sa kuwarto. Humarap ito papunta sa labas at umalis.Hay!Nakahinga na rin nang maluwag si Darryl sa kaniyang sarili noong mga sandaling iyon. “Buwisit, nakaalis na sa wakas si Jackie.”Nainis noong mga sandaling iyon ang Sect Master habang tumitingin kay Darryl, “Bakit ka pumayag sa gusto niya, Mr. Darby?”“Kahit na mahusay sa larangan ng medisina si Mr. Darby, hindi ko naman siya gusto. Kaya paano niya ako magiging isang babae? Isa itong kalokohan” Isip ng Sect Master.Mapait namang tumawa si Darryl at nagpaliwanag, “Sinakyan ko lang ang mga gusto niya, Sect Master. Nakita niyo naman po ang sitwasyon kanina hindi po ba? Siguradong papatayin ako ng Elder Master sa sandaling tumanggi ako sa kaniya.”Dito na niya biglang naalala ang isang bagay at sinabing, “Hindi na naintindihan ng Elder Master ang sitwasyon. Mas mapapasama lang ang sitwasyon nating lahat sa sandaling manatili ako rito. Kaya bakit hindi mo na lang ako p
“Debra!” Isip ng emosyonal na si Darryl habang nakakaramdam ng sakit sa kaniyang puso.Nawala ang mga alaala ni Debra habang naglalakbay nang magisa sa siyam na mga kontinente. Siguradong matindi na ang sinapit nito. Hindi niya inasahang makikita niya rito si Debra.Sa mga sandaling iyon, sumagot ang pinuno ng mga babaeng desipulo sa Sect Master nang buong galang, “Ito po ang report, Sect Master! Kasalukuyan po kaming nagpapatrolya sa Holy Lake kanina nang makita namin ang pagkahulog ng babaeng ito sa isang bangin. Mukhang hinahabol siya ng isang tao kaya agad po namin siyang dinala rito.”Tahimik na tumango ang Sect Master nang makita niya ito. Tumingin siya kay Darryl na hindi pa rin umaalis at nagulat sa aniyang nakita. Dito na siya nacucurious na nagtanong ng, “Bakit hindi ka pa rin umaalis, Mr. Darby?”Pero hindi na nagawa pang sumagot ni Darryl habang tinitingnan nang malalim si Debra, nakaramdam siya ng matinding guilt at kalungkutan sa kaniyang sarili.Nang maramdaman niya
Hindi nagtagal ay nakarating na rin sila sa main hall. Dito na sinimulang gamutin ni Darryl ang mga tinamong sugat ni Debra habang pinapanood ng lahat.Sa totoo lang ay walang kahit na anong tinamong sugat si Debra, nawalan lang ito ng malay nang dahil sa sobrang pagkapagod.Inimbestigahan ni Darryl ang kondisyon ni Debra at sinabihan si Snowy na magdala ng isang Healing Heart Pill. Makakatulong ang Healing Heart Pill sa pagpawi ng pagod at pagpapabalik sa nawalang lakas ng isang tao. Marami ang mga espesyal na bulaklak at herbs sa Sun Set Sect kaya naging madali para rito ang paggawa sa Heart Healing Pill.Matapos ikonsumo ang Healing Heart Pill, bahagyang umungol si Debra bago tuluyang bumalik ang kaniyang malay. Tumingin siya sa kaniyang paligid at nagkita si Darryl kasama ng mga miyembro ng Sun Set Sect.Napuno ng pagaalinlangan ang maganda niyang mukha habang maingat na nagtatanong ng, “Sino kayong lahat? Nasaan ako?”Sa mga sandaling iyon, hindi lang si Jackie at ang Sect Ma
“Kung titingnan, sinasadya niya nga ang paninilip sa pagligo ng Elder Master. Siguradong nakakatakot na para sa ating mga kababaihan ang pananatili ni Mr. Derby sa Sun Set Sect.”Nagusap usap silang lahat at ang bawat isa ay mayroong nasabi kay Darryl. Nagpakita naman si Selena ng isang malademonyong ngiti sa kaniyang mukha.“Darren, sinisiguro ko na hindi magagawang manatili ng isang masamang tao na kagaya mo rito sa Sun Set Sect. Ipapakita ko sa kanilang lahat kung sino ka talaga!” Isip nito.Nagmukhang seryoso si Selena habang sinasabi kay Jacke at sa Sect Master na, “Elder Master, Sect Master, masyado nang halata ang pangyayaring ito. Mayroon ngang mga masamang binabalak si Darryl. Sinasabi niya na kaibigan niya ang babaeng ito para maisakatuparan ang maitim niyang balak.”Pagkatapos huminto ng isang sandali sa pagsasalita, kumilos na parang patas at walang kinikilingan si Selena habang malinaw na sinasabi ang bawat salita sa kaniyang bibig, “Magpapatuloy ang pagiging banta ng
Dito na tumama ang tingin ni Jackie kay Darryl habang malalim na sinasabing, “Dahil kaibigan mo ang babaeng ito, dapat lang na alagaan mo siya, Darren, pero hindi ka pa rin dapa tna sumobra sa pagaalagang ginagawa mo sa kaniya. Dapat mong iwasan ang kahit na anong usap usapan. Naiintindihan mo?”Sinabi niya ito habang binabantayan ang magiging reaksyon ng Sect Master sa kaniyang tabi.Sinabi ni Jackie na kinakailangang ingatan ni Darryl ang damdamin ng Sect Master. Si Mr. Darby ang taong piniling mahalin ng Sect Master kaya paano nito magagawang maging malapit sa ibang mga babae?Hindi naman naging mangmang si Darryl, alan niya kung ano ang ibig sabihin dito ni Jackie. Agad siyang ngumiti at tumango habang sumasagot ng, “Huwag po kayong magalala dahil naiintindihan ko po ang gusto niyong sabihin, Elder Master.”Kahit na nagawang pumayag ni Darryl, mayroon na siyang plano sa kaniyang puso. Aalis sila ni Debra nang magkasama sa sandaling gumanda ang kondisyon nito, gagawin niya ang l
Mukhang nagalala ang mukha ni Selena nang sabihin niya iyon.Hindi naimagine ni Selena na ang lalaking kinamumuhian niya ay ang lalaking mapapangasawa ng Sect Master. Hindi lang iyon, dahil ito na rin ang magiging Lord Master ng Sun Set Sect, isang posisyon na kasing level ng Elder Master at Sect Master.Hindi lang mahilig sa kalkulasyon si Selena, isa rin siyang aroganteng tao. Paano niya hahayaan ang isang lalaki na magkaroon ng mas mataas na posisyon kaysa sa kaniya? Hindi niya manlang nagawang maisip ang pagrespeto kay Darryl sa sandaling umangat ang kasalukuyan nitong posisyon.Agad na nagdilim ang mukha ni Jackie habang nanenermong sinasabi na, “Selena, ito na ang naging desisyon namin ng Sect Master. Ayaw mo itong tanggapin? Pinagpaplanuhan mo na bang pagtaksilan ang ating sekta?”Agad na kumalat ang nanlalamig na boses ni Jackie sa buong main hall na sinamahan ng isang malakas at matigas na aura.Sa totoo lang, ayaw talaga ni Jackie na magbigay kay Darryl ng mataas na posi
Samantala, sa World Universe, pinamunuan ni Yang Jian ang mga sundalo ng North Moana para paligiran ang buong Yunzhou City.May ilang milya ang layo ng Yunzhou City sa Mt. Hua. Napapaligiran ang lugar na ito ng mga burol at kilala rin sa mapanganib nitong daan. Ito ang pinakamalaking city sa South west ng World Universe. At higit sa lahat, dito rin matatagpuan ang isang importanteng military facility ng World Universe.Kasalukuyang hindi pinaniniwalaan ng mga sektang nasa tahanan ng pamilya Carter si Megan noong atakihin ni Yang Jian ang Mt. Hua. Nagawa lang magreact ng mga ito noong bumalik ang mga disipulo ng pamilya Carter para ireport ang nangyaring pagatake.Nagawa nang sumugod kanina ng Pamilya Carter kasama ng Elysium Gate Sect at ng iba pang mga sekta ng World Universe papuntang Yunzhou Cirty. Nakapaglatag na ang mga ito ng depensa bago pa makarating ang mga sundalo ng North Moana sa city.Makikitang nakatayo sa isang burol na malapit sa rural na bahagi ng Yunzhou City sina