Ito ay walang iba kundi si Zhang Jue.Nagmukha ngang kahanga hanga ang formation ni Susan sa harap ng lahat, pero isa lang itong beginner level na formation para kay Zhang Jue.Dito na pinamunuan ni Zhang Jue ang hukbo at muling umatake sa mga disipulo ng World Universe.Bang! Bang! Bang!Sa ilalim ng pamumuno ni Zhang Jue, muling umatake ang hukbo ng North Moana. Hindi nagtagal ay mabilis na nagkawatak watak ang ginawang protective formation ni Susan. Maririnig ang tunog ng mga sandata at sigaw ng mga sundalo sa Yunzhou City. Hindi nagtagal ay napuno ang battlefield ng napakaraming mga bangkay.Siyempre, ang karamihan sa mga namatay at nasugatan ay nagmula sa World Universe.Ano? Namutla nang husto ang mukha ni Susan habang tinitingnan ang lumulutang na si Zhang Jue sa gitna ng ere habang nanginginig nang bahagya ang buo niyang katawan.“Si Zhang Jue ang Military Adviser ni Yang Jian? Masyadong malakas ang taong ito. Walang kahirap hirap niyang sinira ang formation na pinaghira
Nang sandaling iyon ay naging seryoso ag mukha ni Darryl. “Hindi ito ang lugar kung saan maaari kang manatili ng matagal. Please, sundan mo ako, ngayon na. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat kapag nakarating na tayo sa ligtas na lugar.”Lumapit si Darryl at hahawakan na nitong muli ang kamay ni Debra.Katunayan ay gusto na niyang ibunyag ang tunay niyang pagkatao, pero kinontrol niya ang kaniyang sarili. Nabura ang memorya ni Debra at kinamuhian nito si Darryl dahil sa impluwensya ni Donoghue. Nag-alala ito na baka tumangging sumama sa kaniya si Debra kapag nalaman ng babae ang tunay niyang pagkatao, at baka kalabanin din siya nito.Ang pinakamahalaga ay nasa Sun Set Sect sila. Mas magkakagulo kapag nalaman ng mga tao roon ang tunay niyang pagkatao.Umatras si Debra at nag-ingat ito dahil ayaw niyang lumapit sa kaniya si Darryl. “Ayaw kong umalis. Pakiramdam ko ay maayos naman dito. Isa pa, please, respetuhin mo ang iyong sarili, Darren.”Puno ng pagtanggi ang magandang mukha ni Debra
Umiling si Debra at mukha itong naguluhan. “Wala naman. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.”‘Tinataguan ko ang mgakomplikasyon ng mgakaguluhan at iyon ang dahilan kung bakit ako nasa Yellow Sea Continent. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito at hindi ko alam kung saan ako patungo.’ Naisip ni Debra.Kumurap si Jackie nang magpatuloy ito sa pagsasalita. “Miss Debra, hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras. Nagtatanggap lamang kami ng mga babaeng alagad dito sa Sun Set Sect. At dahil naalis ang mga alaala mo ay maaari mong ipagpalagay na sumali ka sa aming sekta. Siyempre, kung ayaw mo ay maaari kang magsabi sa isang alagad para ihatid ka paalis.”Mukhang kalmado ang mukha ni Jackie. Kahit na hindi ito nagpakita ng kahit na anong emosyon ay matindi ang pagkalito nito.Gusto nitong umalis si Debra. Nang makaalis na si Debra ay maaari nang maging totoo ang pagsama ni Darren sa Sect Master nang walang ibang iniisip. Iyon ay dahil nag-ingat si Jackie sa pagkatao ng babae at hindi angkop para
Dumaing si Jackie, masyado itong tinamid at malamig na nagsalita. “Darren, malinaw sa iyong puso kung magkaibigan ba talaga kayo ni Debra. Sinasabi ko sa iyo, kahit ano pa ang klase ng relasyon ninyo ay kung hindi maganda ang pagtrato mo sa Sect Master at kung nasaktan mo ito ay hindi kita papakawalan.”Mas lalong lumamig ang tono ni Jackie nang magpatuloy ito. “At saka nagpadala ako ng tao para imbestigahan ang buhay ni Debra. Mag-ingat ka kapag hindi totoo ang sinabi mong relasyong mayroon ka sa kaniya. Papahirapan ko si Debra hangga’t sa mas mabuti na lamang na mamatay siya kaysa mabuhay.”Bahagyang ngumiti si Jackie habang nakatitig ito kay Darryl tila ba nagbibigay ng pahiwatig. Pagtapos ay tumalikod at tuluyan na itong umalis ng kwarto.‘Ano?’ Kaagad na nanigas ang katawan ni Darryl nang makita nitong umalis si Jackie. Mabilis na nag-alab ang galit sa kaniyang puso.‘Napaka sama ng mga intensyon at napaka mapanlinlang na babae ni Jackie. Nagpadala pa siya ng tao para mag-imbe
’Napaka maalalahanin naman ni Jackie. Sinisiguro nitong mayroon kaming matalik na pagsasama ng Sect Master sa pamamagitan ng pagtabi sa amin sa higaan.’ Naisip ni Darryl.Pagsilip nito sa loob ay nakita nitong inalis na ang kumot na nasa kama. Hindi ito makakatulog.Tumango at mapait na ngumiti si Darryl. “Sige!”Nakasunod ito sa likuran ng isang alagad papunta sa kwarto ng Sect Master.Nagulat si Darryl nang buksan nito ang pinto. Mabango sa loob ng kwarto at iniba ang disenyo nito. Parehong magalang ang dalawang nakatayong babae, nakaupo sa upuang nasa gilid ang namumulang Sect Master. Awkward ang hitsura nito.Malinaw na ayaw tumabi ng Sect Master kay Darryl sa pagtulog, pero hindi ito makatanggi sa mg autos ni Jackie.Kumukulo at labis na nahiya ang Sect Master nang tingnan nito si Darryl.Kinausap ng Sect Master ang ilang babaeng alagad. “Sige, maaari na kayong umalis.”“Masusunod, Sect Master!” Sumagot at umalis ang mga babaeng alagad. Ngunit hindi nila nakalimutang tumin
Ikaw.…”Nang sandaling iyon ay nagalit ang Sect Master. ‘Napakasama ng Darren na ito; gusto niyang matulog sa kama?’Mas lalong nagalit ang Sect Master habang naiisip niya iyon. Pumadyak ito at sumigaw. “Umalis ka, ngayon din!”Mabilis na lumapit ang Sect Master nang magsalita ito. Itinaas niya ang kaniyang kamay para saktan si Darryl.‘Nangarap ang nakakabwiset na lalaking ito na tumabi sa akin sa pagtulog?! Managinip ka nalang!’Slap!Nakatuon ang atensyon ni Darryl sa reaksyon ng babae. Mabilis itong gumilid nang makita niya ang papalapit na palad ng babae, kasing bilis ng kidlat ang pagsara nito sa acupoint ng babae.Mabilis na kumilos si Darryl; walang tiyansang maka-react ang Sect Master.Biglang nanginig at hindi nakagalaw ang Sect Master. Galit nag alit ito. “Anong ginagawa mo, Darren?”Bahagyang ngumiti si Darryl habang tinukso nito ang babae. “Ano sa tingin mo? Siyempre, papatulugin ka katabi ko.”Kinarga ni Darryl ang Sect Master papuntang higaan.Hindi lamang nak
Naramdaman ni Darryl ang paglamig ng kaniyang mga buto nang tawagin siya nitong ‘asawa.’ Ngumiti at natuwa si Darryl.Kahit na hindi pa nito alam kung paano aalis kasama si Debra ay natuwa ito nang marinig ang marangal na Sect Master na tawagin siyang ‘asawa.’Kinagat ng Sect Master ang kaniyang mga labi at namula ang mukha nito dahil sa labis nag alit at hiya. Hindi nito naisip na tatawagin niyang ‘asawa’ si Darryl.“Binati n akita. Matulog ka na sa sahig.” Malamig na sambit ng Sect Master.“Sige, sige.” Ngumiti at tumango si Darryl nang pakawalan nito ang Sect Master. Siyempre ay hindi niya pinakawalan ang acupoint nito. Sinamantala niya ito kanina dahil paano kung bigla itong manakit sa kalagitnaan ng gabi. Mas mabuti nang maging maingat.Nang sumunod na segundo ay tiningnan ni Darryl ang paligid at nakita nito ang ilang mga pinta sa lamesang nasa gilid. Kinuha nito ang mga pinta at inilatang sa sahig. Wala siyang ibang magagawa dahil walang sobrang kumot sa kwarto; tanging sa
Nagpatuloy ang Sect master sa pagkausap kay Darryl. “Darren, hindi ka papatawarin ni Jackie kapag nalaman niyang pinunit moa ang calligraphy painting na galing sa kaniya. Bakit hindi ka namang umalis ngayon habang wala pa siyang alam tungkol dito? Lisanin mo ang Sun Set Sect at huwag ka nang bumalik pa.”Nang sandaling iyon ay nawala ang lahat ng pagkamangha ng Sect Master kay Darryl. Gusto lamang nitong umalis kaagad ang lalaki. ‘Mapapanatili ko lamang ang aking puri kapag umalis ang lalaking ito.’Mapait na tumawa si Darryl nang marinig niya iyon. Magiging labis ang pasasalamat ni Darryl kung sinabi niya iyon dalawang araw na ang nakaraan at hindi ito mag-aalinlagang umalis. Ngunit nasa Sun Set Sect si Debra kaya paano niya magagawang umalis?Sigh!Bahagyang nagbuntong hininga si Darryl at tumingin sa Sect Master. “Isa lamang itong kaligrapiya. Maaari kitang gawan ng panibago.”‘Ano?’ Curious na tiningnan ng Sect Master si Darryl.“Alam kong mahusay ang kasanayan mo sa medisina