Ikaw.…”Nang sandaling iyon ay nagalit ang Sect Master. ‘Napakasama ng Darren na ito; gusto niyang matulog sa kama?’Mas lalong nagalit ang Sect Master habang naiisip niya iyon. Pumadyak ito at sumigaw. “Umalis ka, ngayon din!”Mabilis na lumapit ang Sect Master nang magsalita ito. Itinaas niya ang kaniyang kamay para saktan si Darryl.‘Nangarap ang nakakabwiset na lalaking ito na tumabi sa akin sa pagtulog?! Managinip ka nalang!’Slap!Nakatuon ang atensyon ni Darryl sa reaksyon ng babae. Mabilis itong gumilid nang makita niya ang papalapit na palad ng babae, kasing bilis ng kidlat ang pagsara nito sa acupoint ng babae.Mabilis na kumilos si Darryl; walang tiyansang maka-react ang Sect Master.Biglang nanginig at hindi nakagalaw ang Sect Master. Galit nag alit ito. “Anong ginagawa mo, Darren?”Bahagyang ngumiti si Darryl habang tinukso nito ang babae. “Ano sa tingin mo? Siyempre, papatulugin ka katabi ko.”Kinarga ni Darryl ang Sect Master papuntang higaan.Hindi lamang nak
Naramdaman ni Darryl ang paglamig ng kaniyang mga buto nang tawagin siya nitong ‘asawa.’ Ngumiti at natuwa si Darryl.Kahit na hindi pa nito alam kung paano aalis kasama si Debra ay natuwa ito nang marinig ang marangal na Sect Master na tawagin siyang ‘asawa.’Kinagat ng Sect Master ang kaniyang mga labi at namula ang mukha nito dahil sa labis nag alit at hiya. Hindi nito naisip na tatawagin niyang ‘asawa’ si Darryl.“Binati n akita. Matulog ka na sa sahig.” Malamig na sambit ng Sect Master.“Sige, sige.” Ngumiti at tumango si Darryl nang pakawalan nito ang Sect Master. Siyempre ay hindi niya pinakawalan ang acupoint nito. Sinamantala niya ito kanina dahil paano kung bigla itong manakit sa kalagitnaan ng gabi. Mas mabuti nang maging maingat.Nang sumunod na segundo ay tiningnan ni Darryl ang paligid at nakita nito ang ilang mga pinta sa lamesang nasa gilid. Kinuha nito ang mga pinta at inilatang sa sahig. Wala siyang ibang magagawa dahil walang sobrang kumot sa kwarto; tanging sa
Nagpatuloy ang Sect master sa pagkausap kay Darryl. “Darren, hindi ka papatawarin ni Jackie kapag nalaman niyang pinunit moa ang calligraphy painting na galing sa kaniya. Bakit hindi ka namang umalis ngayon habang wala pa siyang alam tungkol dito? Lisanin mo ang Sun Set Sect at huwag ka nang bumalik pa.”Nang sandaling iyon ay nawala ang lahat ng pagkamangha ng Sect Master kay Darryl. Gusto lamang nitong umalis kaagad ang lalaki. ‘Mapapanatili ko lamang ang aking puri kapag umalis ang lalaking ito.’Mapait na tumawa si Darryl nang marinig niya iyon. Magiging labis ang pasasalamat ni Darryl kung sinabi niya iyon dalawang araw na ang nakaraan at hindi ito mag-aalinlagang umalis. Ngunit nasa Sun Set Sect si Debra kaya paano niya magagawang umalis?Sigh!Bahagyang nagbuntong hininga si Darryl at tumingin sa Sect Master. “Isa lamang itong kaligrapiya. Maaari kitang gawan ng panibago.”‘Ano?’ Curious na tiningnan ng Sect Master si Darryl.“Alam kong mahusay ang kasanayan mo sa medisina
Higit sampung segundo itong nagulat bago tuluyang bumalik sa wisyo at tumingin kay Darryl. “S-sinulat mo ba ito?”Namula at naging sobrang awkward ng babae.Anong mal isa sa kaniya? Bakit walang katuturan ang tanong nito? Malinaw na ang lalaki ang nagsulat noon.Pero nasa isip niya ay isang doktor si Darren? Paano ito magiging mahusay sa kaligrapiya?Gulat na gulat ang Sect Master ng sandaling iyon. Nagtaka ang buong pag-iisip nito.Bukod sa araw-araw nap ag cu-cultivate, bilang isang Sect Master ay may interes din ito sa musika, chess, kaligrapiya, at pag pinta. Isa itong panatiko sa arts, lalo na sa kaligrapiya, kaya naman mahusay din ang kaniyang kaligrapiya.Iyon ang dahilan kung bakit ito binigyan ni Jackie ng mga gawang kaligrapiya ni Master Cecile.Ngunit lubos na naintindihan ng Sect Master na ang maalamat na calligrapher sa nakalipas na ilang daang taon, si Master Cecil na kaniyang hinangaan ay walang wala kung ikukumpara kay Darren matapos niyang makita ang pagsulat ni
”Atras. Bilisan ninyong umatras.”Nadurog ang huling depensa sa puso ni Susan nang makita ang saitwasyong iyon. Sumigaw ito bago kaagad na pinamunuan ang mga malalapit na tao para makatakas.Katunayan ay nagdalawang isip si Susan kung isusuko ba niya ang Mid City. Ngunit mawawasak ang mga sekta ng World Universe kung magpapatuloy sila sa pakikipaglaban.Isa pa, Mid City lang ang nawala sa kanila. Hindi pa tuluyang natatalo ang buong World Universe sa kalaban. Maaari pa silang umatras para matipid nila ang kanilang internal na enerhiya dahil baka mayroon pang pagkakataon para mabaligtad nila ang sitwasyon.Mawawalan na ng pag-asa kung mamamatay sila roon.“Woola!”Kaagad na umatras ang lahat ng mula sa World Universe at halos lahat sa mga ito ay nagawang makatakas. Siyempre ay marami sa mga ito ang nahuli ng North Moana Army.Marami sa mga nahuli ang nagmula sa pamilya Carter, gay ana lamang nina Sara Carter, Yvette Lane, at marami pang iba.“Habulin sila!”Galit na sumigaw ang
Talaga nga namang nilalaro ng tadhana ang mga tao!Nang sandaling iyon ay naging komplikado ang ekspresyon ni Ambrose at labis na naguluhan ang puso nito.Anong dapat niyang gawin? Dapat niya bang pakawalan kaagad ang babae?Ngunit hindi ito mapapatawad ni Yang Jian kung malalaman niya ang tungkol dito.“Woo!”Bumalik sa wisyo si Ambrose matapos nitong makaramdam ng pagka komplikado nang higit sa sampung segundo at nagdesisyong hindi na makipagkita pa kay Yvette. Kinuway lamang nito ang kaniyang kamay at sumenyas sa kaniyang mga tauhan na ikulong ang mga bihag.Naisip ni Ambrose na hindi angkop ang sandaling iyon para makipag-usap kay Yvette dahil napakaraming tao ang nasa paligid. Magdudulot lamang ito ng isa pang gulo kung gagawin niya iyon. Maya maya pa ay mahahanap din nito ang tamang oras para umalis at mag-isang makipagkita kay Yvette.…Nang sandaling iyon, sa Sun Set Sect sa Yellow Sea Continent.Nasa kwarto ng Sect Master si Darryl at maaga itong ginising ng isang ala
Tiningnan ni Jackie ang paligid at nagpatuloy. “Makinig ang lahat! May i-aanunsyo ako. Nagdesisyong sumali si Miss Debra sa Sun Set Sect, kaya napagdesisyunan kong magkaron ng seremonya ng pagsisimula ngayong araw para sa kaniya.”‘Ano?’Hindi mapakali at halos mapatalon si Darryl nang marinig iyon.‘Totoo ba ang sinabi ni Jackie? Gusto niyang sumali si Debra sa Sun Set Sect at bigla biglang magkakaroon ng seremonya ng pagsisimula?’Ngunit hindi na makakaalis pa si Debra kapag naging miyembro ito ng Sun Set Sect.Wow!Sa parehong sandali ay nagkagulo ang mga nakapalibot na alagad habang nakangiting nakatingin kay Debra at tumangong bumati.“Debra!”Sa wakas ay bumalik sa wisyo si Darryl at tiningnang maigi si Debra. “Sa tingin ko ay mas kilala na kita dahil magkaibigan na tayo. Ikaw ang taong gustong maging malaya at hindi mo gustong nasa iisang lugar lamang. Maaaring sa tingin mo ay magandang lugar ito para ika’y manatili dahil sandaling nawala ang iyong mga alaala. Pero pagsi
’Hayop! SInong matapang ang gagalitin ang Sun Set Sect?’Ngunit kung sino man siya ay inantala nito ang seremonya ng pagsisimula ni Debra, nangangahulugang mainam ito para kay Darryl.Bang!Nag-iba ang ekspresyon ni Jackie nang hampasin nito ang lamesa at biglang tumayo. “Tara at tingnan natin!”Mabilis na lumabas ng main hall si Jackie.Kaagad na sumunod sina Darryl, Debra, ang Sect Master, at ang mga natitirang alagad.Di nagtagal ay malapit na sila sa Holy Lake at napansin nila ang nakaputing lalaki sa kalayuan. Kaharap nito ang ilang mga alagad na nagpatrolya at hindi ito tumitigil sa pagsigaw. “Maaaring magaganda kayong lahat, pero bakit hindi kayo resonable? Dumaan lamang kami ng asawa ko at napansin ang magandang tanawin kaya sandali akong huminto para tingnan ito, aalis din kami kaagad. Pero lahat kayo ay sinabing bawal pumasok sa lugar na ito at pinaalis kami. Anong kalokohan ito?“Napakalaki ng lawa, pero sinabi niyong pagmamay-ari ang lahat ng ito ng Sun Set Sect? Isa