”Atras. Bilisan ninyong umatras.”Nadurog ang huling depensa sa puso ni Susan nang makita ang saitwasyong iyon. Sumigaw ito bago kaagad na pinamunuan ang mga malalapit na tao para makatakas.Katunayan ay nagdalawang isip si Susan kung isusuko ba niya ang Mid City. Ngunit mawawasak ang mga sekta ng World Universe kung magpapatuloy sila sa pakikipaglaban.Isa pa, Mid City lang ang nawala sa kanila. Hindi pa tuluyang natatalo ang buong World Universe sa kalaban. Maaari pa silang umatras para matipid nila ang kanilang internal na enerhiya dahil baka mayroon pang pagkakataon para mabaligtad nila ang sitwasyon.Mawawalan na ng pag-asa kung mamamatay sila roon.“Woola!”Kaagad na umatras ang lahat ng mula sa World Universe at halos lahat sa mga ito ay nagawang makatakas. Siyempre ay marami sa mga ito ang nahuli ng North Moana Army.Marami sa mga nahuli ang nagmula sa pamilya Carter, gay ana lamang nina Sara Carter, Yvette Lane, at marami pang iba.“Habulin sila!”Galit na sumigaw ang
Talaga nga namang nilalaro ng tadhana ang mga tao!Nang sandaling iyon ay naging komplikado ang ekspresyon ni Ambrose at labis na naguluhan ang puso nito.Anong dapat niyang gawin? Dapat niya bang pakawalan kaagad ang babae?Ngunit hindi ito mapapatawad ni Yang Jian kung malalaman niya ang tungkol dito.“Woo!”Bumalik sa wisyo si Ambrose matapos nitong makaramdam ng pagka komplikado nang higit sa sampung segundo at nagdesisyong hindi na makipagkita pa kay Yvette. Kinuway lamang nito ang kaniyang kamay at sumenyas sa kaniyang mga tauhan na ikulong ang mga bihag.Naisip ni Ambrose na hindi angkop ang sandaling iyon para makipag-usap kay Yvette dahil napakaraming tao ang nasa paligid. Magdudulot lamang ito ng isa pang gulo kung gagawin niya iyon. Maya maya pa ay mahahanap din nito ang tamang oras para umalis at mag-isang makipagkita kay Yvette.…Nang sandaling iyon, sa Sun Set Sect sa Yellow Sea Continent.Nasa kwarto ng Sect Master si Darryl at maaga itong ginising ng isang ala
Tiningnan ni Jackie ang paligid at nagpatuloy. “Makinig ang lahat! May i-aanunsyo ako. Nagdesisyong sumali si Miss Debra sa Sun Set Sect, kaya napagdesisyunan kong magkaron ng seremonya ng pagsisimula ngayong araw para sa kaniya.”‘Ano?’Hindi mapakali at halos mapatalon si Darryl nang marinig iyon.‘Totoo ba ang sinabi ni Jackie? Gusto niyang sumali si Debra sa Sun Set Sect at bigla biglang magkakaroon ng seremonya ng pagsisimula?’Ngunit hindi na makakaalis pa si Debra kapag naging miyembro ito ng Sun Set Sect.Wow!Sa parehong sandali ay nagkagulo ang mga nakapalibot na alagad habang nakangiting nakatingin kay Debra at tumangong bumati.“Debra!”Sa wakas ay bumalik sa wisyo si Darryl at tiningnang maigi si Debra. “Sa tingin ko ay mas kilala na kita dahil magkaibigan na tayo. Ikaw ang taong gustong maging malaya at hindi mo gustong nasa iisang lugar lamang. Maaaring sa tingin mo ay magandang lugar ito para ika’y manatili dahil sandaling nawala ang iyong mga alaala. Pero pagsi
’Hayop! SInong matapang ang gagalitin ang Sun Set Sect?’Ngunit kung sino man siya ay inantala nito ang seremonya ng pagsisimula ni Debra, nangangahulugang mainam ito para kay Darryl.Bang!Nag-iba ang ekspresyon ni Jackie nang hampasin nito ang lamesa at biglang tumayo. “Tara at tingnan natin!”Mabilis na lumabas ng main hall si Jackie.Kaagad na sumunod sina Darryl, Debra, ang Sect Master, at ang mga natitirang alagad.Di nagtagal ay malapit na sila sa Holy Lake at napansin nila ang nakaputing lalaki sa kalayuan. Kaharap nito ang ilang mga alagad na nagpatrolya at hindi ito tumitigil sa pagsigaw. “Maaaring magaganda kayong lahat, pero bakit hindi kayo resonable? Dumaan lamang kami ng asawa ko at napansin ang magandang tanawin kaya sandali akong huminto para tingnan ito, aalis din kami kaagad. Pero lahat kayo ay sinabing bawal pumasok sa lugar na ito at pinaalis kami. Anong kalokohan ito?“Napakalaki ng lawa, pero sinabi niyong pagmamay-ari ang lahat ng ito ng Sun Set Sect? Isa
Swoosh!Naging lubos na hindi komportable si Jackie sa pagtitig ni Zhu Bajie at lumabas ang nakakamatay na mga intensyon sa kaniyang puso.Tumitig si Jackie kay Zhu Bajie at nagsalita. “Saan nanggaling ang mayabang na taong ito? Sino ka para pumasok sa Holy Lake ng Sun Set Sect at magsalita ng hindi angkop. Baka gusto mong mamatay!”Siya ang Elder Master ng Sun Set Sect at ang Sect Master Illusion Sound. Ginagalang ito ng lahat pero bastos na pinagnasaan ito ng tao nasa kaniyang harapan!Napakunot din ang katabi nitong Sect Master habang galit at namumuhi itong nakatingin kay Zhu Bajie.‘Napakabastos ng taong ito. Hindi siya dapat mabuhay.’“Oh my, my.”Hindi nataranta si Zhu Bajie nang maramdaman nito ang nakakamatay na intensyon ni Jackie. Ngumiti at nagsalita ang lalaki. “Pinupuri lamang kita dahil maganda ka. Baktit nagagalit ka? Base sa mga mukha ninyo, iniisip niyo bang patayin ako? Sa tingin ko ay hindi kita kapantay kapag naglaban tayo. Sa tingin ko ay mapapahiya ka lang
Labis na natuwa si Darryl sa kaniyang puso nang maramdaman nito ang pag-aalala ng Sect Master.‘Nakakainteres. Nagsasalita pa siya kagabi na gutso na niya akong paalisin, pero bigla itong nag-alala nang ilagay ko sa panganib ang aking buhay.’Napangiti si Darryl habang naiisip iyon. “Magiging maayos ito.”Bahagya nitong tinapik ang kamay ng Sect Master para pakalmahin ang babae at kaagad itong lumapit kay Zhu Bajie.“Ikaw!” Labis na nag-alala si Jasmine nang tingnan nito si Darryl at pumadyak.Wow!Nagsimulang mag-usap nang may nagmamadaling tono ang mga nakapalibot na alagad nang makita nila ang sitwasyon.“Hahamunin ng Lord Master ang white-clad na lalaki?”“Napakalalaki ng Lord Master!”“Oo. Kahit na hindi siya ganoon kalakas ay ipaglalaban nito ang Sect Master sa ganitong sitwasyon. Nakakamangha ang kaniyang tapang!”“Hindi nakapagtatakang malapit sa kaniya ang Sect Master. Sinong hindi magugustuhan ang lalaking katulad niya?”Nag-usap usap ang mga alagad at pinuri ng mg
”Dude!”Kinausap ni Zhu Bajie si Darryl. “Anong gusto mo? Nandito ka ba para paalisin din ako?”“Ano sa tingin mo?” Nakangiting sagot ni Darryl.Hmm?Sandaling nagulat si Zhu Bajie bago nito makita ang kalmadong tingin ni Darryl bago kaagad na bumalik sa wisyo. Suminghal ito at nagsalita. “Pre, walang laban sakin ang lakas mo. Sa tingin ko ay dapat kang sumunod at gumilid bago kita aksidenteng mapatay.”Mayroong mapagmataas na ekspresyon si Zhu Bajie nang sabihin niya iyon, hindi nito alam na si Darryl ang taong nasa kaniyang harapan. Hindi manlang nito napansing tinago ni Darryl ang kaniyang kapangyarihan.“Tigilan na ang walang kabuluhan at gawin nalang natin.” Kalmadong sagot ng nakangiting si Darryl.“Sige! Mabuti naman!”Suminghal si Zhu Bajie. “Binalaan n akita pero hindi mo ka nakinig. Huwag mo akong sisisihin sa pagiging malupit dahil gustong gusto mong mamatay!”Itinaas nito ang kaniyang mga kamay at biglang lumabas ang dalawang liwanag mula sa mga ito!“Pre, isang k
Ngunit gustong makalapit ni Darryl kay Zhu nang oras na iyon kaya naman hindi nito iniwasan ang pag-atake ng lalaki at inilahad ang kaniyang palad para salubingin ang pag-atake nito.Nagsalubong ang kanilang mga palad at hindi ito naghiwalay!Wow!Biglang nagkagulo ang mga taong nasa lupa nang makita nila ang kaganapan.“Sinubukang makipaglaban ng Lord Master sa lalaking ito?”“Gusto niya bang mamatay?”“Tama, hindi maisip ang lakas ng nakaputing lalaki. Paano mananalo ang Lord Master?”‘Ang lalaking ito…’Nagulat din si Zhu Bajie nang patago itong suminghal.‘Sino siya para subukang kalabanin ako. Gusto niyang mamatay.’“Brother Zh!”Mahina at mahinahong nagsalita si Darryl matapos magdikit ng kanilang mga palad. “Ako ito, si Darryl.”Nasa gitna ng ere sina Zhu Bajie at Darryl. Napakahina ng kaniyang boses at tanging sila lamang dalawa ang makakarinig noon.‘Ano?’Biglang nanginig si Zhu Bajie at hindi ito makapaniwala nang tingnan niya si Darryl.‘Ang lalaking ito ay a