Kabanata 2123
Hay!

Hindi manlang nagpanic si Darryl nang maramdaman niya ang galit ni Jackie. Bahagya siyang huminga nang malalim habang dahan dahang sinasabi na, “Narinig naman po siguro ni Elder Master ang tungkol sa pagatake ni Yang Jian ng North Moana sa South Cloud World na nagbigay ng pagdurusa sa mga taong nakatira roon. Hindi na ako maaari pang manatili sa aking bayan kaya agad akong nagpunta sa Yellow Sea Continent para maghanap ng bagong matitirhan. Hindi ko po sinasadyang pumasok sa forbidden area ng Sun Set Sect.”

Nagmukhang frustrated si Darryl nang sabihin niya iyon na para bang nagpunta talaga siya roon para maghanap ng bagong matitirhan.

Dito na niya narinig ang paghinga nang malalim ni Jackie habang nagdadalawang isip na nagtatanong ng, “Talaga? Hindi ka na nagsisinungaling sa akin?”

Tama nga ang hinala ni Darryl. Hindi nagpadala si Jackie ng tauhan sa South Cloud World para magimbestiga tungkol sa kaniyang background. Pero hindi pa rin ito nakukumbinsi sa mga sinasabi ni Darryl
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP