Dito na tumama ang tingin ni Jackie kay Darryl habang malalim na sinasabing, “Dahil kaibigan mo ang babaeng ito, dapat lang na alagaan mo siya, Darren, pero hindi ka pa rin dapa tna sumobra sa pagaalagang ginagawa mo sa kaniya. Dapat mong iwasan ang kahit na anong usap usapan. Naiintindihan mo?”Sinabi niya ito habang binabantayan ang magiging reaksyon ng Sect Master sa kaniyang tabi.Sinabi ni Jackie na kinakailangang ingatan ni Darryl ang damdamin ng Sect Master. Si Mr. Darby ang taong piniling mahalin ng Sect Master kaya paano nito magagawang maging malapit sa ibang mga babae?Hindi naman naging mangmang si Darryl, alan niya kung ano ang ibig sabihin dito ni Jackie. Agad siyang ngumiti at tumango habang sumasagot ng, “Huwag po kayong magalala dahil naiintindihan ko po ang gusto niyong sabihin, Elder Master.”Kahit na nagawang pumayag ni Darryl, mayroon na siyang plano sa kaniyang puso. Aalis sila ni Debra nang magkasama sa sandaling gumanda ang kondisyon nito, gagawin niya ang l
Mukhang nagalala ang mukha ni Selena nang sabihin niya iyon.Hindi naimagine ni Selena na ang lalaking kinamumuhian niya ay ang lalaking mapapangasawa ng Sect Master. Hindi lang iyon, dahil ito na rin ang magiging Lord Master ng Sun Set Sect, isang posisyon na kasing level ng Elder Master at Sect Master.Hindi lang mahilig sa kalkulasyon si Selena, isa rin siyang aroganteng tao. Paano niya hahayaan ang isang lalaki na magkaroon ng mas mataas na posisyon kaysa sa kaniya? Hindi niya manlang nagawang maisip ang pagrespeto kay Darryl sa sandaling umangat ang kasalukuyan nitong posisyon.Agad na nagdilim ang mukha ni Jackie habang nanenermong sinasabi na, “Selena, ito na ang naging desisyon namin ng Sect Master. Ayaw mo itong tanggapin? Pinagpaplanuhan mo na bang pagtaksilan ang ating sekta?”Agad na kumalat ang nanlalamig na boses ni Jackie sa buong main hall na sinamahan ng isang malakas at matigas na aura.Sa totoo lang, ayaw talaga ni Jackie na magbigay kay Darryl ng mataas na posi
Samantala, sa World Universe, pinamunuan ni Yang Jian ang mga sundalo ng North Moana para paligiran ang buong Yunzhou City.May ilang milya ang layo ng Yunzhou City sa Mt. Hua. Napapaligiran ang lugar na ito ng mga burol at kilala rin sa mapanganib nitong daan. Ito ang pinakamalaking city sa South west ng World Universe. At higit sa lahat, dito rin matatagpuan ang isang importanteng military facility ng World Universe.Kasalukuyang hindi pinaniniwalaan ng mga sektang nasa tahanan ng pamilya Carter si Megan noong atakihin ni Yang Jian ang Mt. Hua. Nagawa lang magreact ng mga ito noong bumalik ang mga disipulo ng pamilya Carter para ireport ang nangyaring pagatake.Nagawa nang sumugod kanina ng Pamilya Carter kasama ng Elysium Gate Sect at ng iba pang mga sekta ng World Universe papuntang Yunzhou Cirty. Nakapaglatag na ang mga ito ng depensa bago pa makarating ang mga sundalo ng North Moana sa city.Makikitang nakatayo sa isang burol na malapit sa rural na bahagi ng Yunzhou City sina
Ito ay walang iba kundi si Zhang Jue.Nagmukha ngang kahanga hanga ang formation ni Susan sa harap ng lahat, pero isa lang itong beginner level na formation para kay Zhang Jue.Dito na pinamunuan ni Zhang Jue ang hukbo at muling umatake sa mga disipulo ng World Universe.Bang! Bang! Bang!Sa ilalim ng pamumuno ni Zhang Jue, muling umatake ang hukbo ng North Moana. Hindi nagtagal ay mabilis na nagkawatak watak ang ginawang protective formation ni Susan. Maririnig ang tunog ng mga sandata at sigaw ng mga sundalo sa Yunzhou City. Hindi nagtagal ay napuno ang battlefield ng napakaraming mga bangkay.Siyempre, ang karamihan sa mga namatay at nasugatan ay nagmula sa World Universe.Ano? Namutla nang husto ang mukha ni Susan habang tinitingnan ang lumulutang na si Zhang Jue sa gitna ng ere habang nanginginig nang bahagya ang buo niyang katawan.“Si Zhang Jue ang Military Adviser ni Yang Jian? Masyadong malakas ang taong ito. Walang kahirap hirap niyang sinira ang formation na pinaghira
Nang sandaling iyon ay naging seryoso ag mukha ni Darryl. “Hindi ito ang lugar kung saan maaari kang manatili ng matagal. Please, sundan mo ako, ngayon na. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat kapag nakarating na tayo sa ligtas na lugar.”Lumapit si Darryl at hahawakan na nitong muli ang kamay ni Debra.Katunayan ay gusto na niyang ibunyag ang tunay niyang pagkatao, pero kinontrol niya ang kaniyang sarili. Nabura ang memorya ni Debra at kinamuhian nito si Darryl dahil sa impluwensya ni Donoghue. Nag-alala ito na baka tumangging sumama sa kaniya si Debra kapag nalaman ng babae ang tunay niyang pagkatao, at baka kalabanin din siya nito.Ang pinakamahalaga ay nasa Sun Set Sect sila. Mas magkakagulo kapag nalaman ng mga tao roon ang tunay niyang pagkatao.Umatras si Debra at nag-ingat ito dahil ayaw niyang lumapit sa kaniya si Darryl. “Ayaw kong umalis. Pakiramdam ko ay maayos naman dito. Isa pa, please, respetuhin mo ang iyong sarili, Darren.”Puno ng pagtanggi ang magandang mukha ni Debra
Umiling si Debra at mukha itong naguluhan. “Wala naman. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.”‘Tinataguan ko ang mgakomplikasyon ng mgakaguluhan at iyon ang dahilan kung bakit ako nasa Yellow Sea Continent. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito at hindi ko alam kung saan ako patungo.’ Naisip ni Debra.Kumurap si Jackie nang magpatuloy ito sa pagsasalita. “Miss Debra, hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras. Nagtatanggap lamang kami ng mga babaeng alagad dito sa Sun Set Sect. At dahil naalis ang mga alaala mo ay maaari mong ipagpalagay na sumali ka sa aming sekta. Siyempre, kung ayaw mo ay maaari kang magsabi sa isang alagad para ihatid ka paalis.”Mukhang kalmado ang mukha ni Jackie. Kahit na hindi ito nagpakita ng kahit na anong emosyon ay matindi ang pagkalito nito.Gusto nitong umalis si Debra. Nang makaalis na si Debra ay maaari nang maging totoo ang pagsama ni Darren sa Sect Master nang walang ibang iniisip. Iyon ay dahil nag-ingat si Jackie sa pagkatao ng babae at hindi angkop para
Dumaing si Jackie, masyado itong tinamid at malamig na nagsalita. “Darren, malinaw sa iyong puso kung magkaibigan ba talaga kayo ni Debra. Sinasabi ko sa iyo, kahit ano pa ang klase ng relasyon ninyo ay kung hindi maganda ang pagtrato mo sa Sect Master at kung nasaktan mo ito ay hindi kita papakawalan.”Mas lalong lumamig ang tono ni Jackie nang magpatuloy ito. “At saka nagpadala ako ng tao para imbestigahan ang buhay ni Debra. Mag-ingat ka kapag hindi totoo ang sinabi mong relasyong mayroon ka sa kaniya. Papahirapan ko si Debra hangga’t sa mas mabuti na lamang na mamatay siya kaysa mabuhay.”Bahagyang ngumiti si Jackie habang nakatitig ito kay Darryl tila ba nagbibigay ng pahiwatig. Pagtapos ay tumalikod at tuluyan na itong umalis ng kwarto.‘Ano?’ Kaagad na nanigas ang katawan ni Darryl nang makita nitong umalis si Jackie. Mabilis na nag-alab ang galit sa kaniyang puso.‘Napaka sama ng mga intensyon at napaka mapanlinlang na babae ni Jackie. Nagpadala pa siya ng tao para mag-imbe
’Napaka maalalahanin naman ni Jackie. Sinisiguro nitong mayroon kaming matalik na pagsasama ng Sect Master sa pamamagitan ng pagtabi sa amin sa higaan.’ Naisip ni Darryl.Pagsilip nito sa loob ay nakita nitong inalis na ang kumot na nasa kama. Hindi ito makakatulog.Tumango at mapait na ngumiti si Darryl. “Sige!”Nakasunod ito sa likuran ng isang alagad papunta sa kwarto ng Sect Master.Nagulat si Darryl nang buksan nito ang pinto. Mabango sa loob ng kwarto at iniba ang disenyo nito. Parehong magalang ang dalawang nakatayong babae, nakaupo sa upuang nasa gilid ang namumulang Sect Master. Awkward ang hitsura nito.Malinaw na ayaw tumabi ng Sect Master kay Darryl sa pagtulog, pero hindi ito makatanggi sa mg autos ni Jackie.Kumukulo at labis na nahiya ang Sect Master nang tingnan nito si Darryl.Kinausap ng Sect Master ang ilang babaeng alagad. “Sige, maaari na kayong umalis.”“Masusunod, Sect Master!” Sumagot at umalis ang mga babaeng alagad. Ngunit hindi nila nakalimutang tumin