Kabanata 2039
Pinag-isipan iyon ni Darryl at nawala ang ngiti sa mukha nito. Tiningnan nito ang Empress at nagsalita. “Nagkakamali po kayo, Kamahalan. Maaaring isang mabuting tao ang pnalabas na anyo ni Yang Jian, pero mapanlinlang at nakakamuhi ang kalooban nito. Sasang-ayon lamang siya sa pag-uusap, pero hindi nito kailanman tutuparin ang kaniyang mga pangako pagtapos niyang ma-kontrol ang South Cloud World.”

Kaagad na kinuha ni Yang Jian ang trono at pinangalanan ang sarili bilang Emperor matapos ang pagkamatay ni Emperor Hou Yi. Sinabi nitong nalaman niya ang sanhi ng pagkamatay ni Hou Yi, pero ano ang nangyari sa huli? Gusto nitong mahuli si Chang Er at pilitin itong maging babae niya. Pagtapos ay nagsimula itong ipadala ang kaniyang mga tauhan para sakupin ang ibang mga kontinente.

Hindi ito ang klase ng tao na tutuparin ang kaniyang mga pangako, kaya isa siyang kontrabida, hindi ba?

Err…

Alam ng Empress na hindi ito nagbibiro nang makita niya ang seryosong mukha ng lalaki. Kinagat niya an
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP