”Sige.” Ikinuway ng Ghost Valley Sage ang kaniyang kamay. “Hindi kailangang maging sobrang galang.” Hindi naabala ang Ghost valley Sage sa mga makamundong tuntunin ng magandang asal. Pero hindi tinangka ni Darryl na umaktong walang galang sa harapan ng isang mala-diyos na nilalang. Nang sumunod na segundo ay napakamot ng ulo si Darryl at curious na nagtanong. “Paano kayo nakulong sa loob ng Seven Treasures Exquisite Tower, Ghost Valley Sage?” Gusto nito malaman ang sagot. Nag-abang din ng sagot ang mga nakatitig sa Ghost Valley Sage na mga opisyal ng sibil at militar, pati na rin ang Empress at si Quincy. Gaya ni Darryl ay nagtaka rin ang mga ito. Isang kahanga-hangang tao si Ghost Valley Sage; maraming tao sa kasaysayan ang naging alagad nito. Halos isang diyos na ang Ghost Valley Sage at iilang tao lamang ang mas magaling kaysa rito.Sinong magkukulong sa kaniya sa Seven Treasures Exquisite Tower? Nagbuntong hininga at tiningnan ng Ghost Valley Sage ang Seven Treasur
’Bakit napaka tigas ng ulo ng Ghost Valley Sage? Mas gugustuhin pa nitong mamatay kaysa sumuko sa akin?’Si Darryl ang may-ari ng Seven Treasures Exquisite Tower. Mabilis na mawawala ang buhay ng Ghost Valley Sage kapag nakapag desisyon na si Darryl. Nagulat din ang lahat ng nandoon, pero hindi katulad ni Darryl ay patagong tumango nang may paghanga sa Ghost Valley Sage ang mga ito. Totoong karapat dapat ang Ghost Valley Sage sa kaniyang titulo bilang ang pinaka kahanga-hangang tao kailanman. “Batang lalaki!” Nagdalawang isip si Darryl nang magsalita ang matanda. “Kung hindi moa ko papatayin ay aalis na ako!” Hindi manlang nito tiningnan ang Empress at ang mga opisyal ng military at sibil. Ito ay nasa lebel na kaya niyang hindi pansinin ang mga royal at dignitaryo—walang pinagkaiba ang mga ito sa ordinaryong tao.Tumalikod ang Ghost Valley Sage para umalis. “Pakiusap, manatili kayo, Ghost Valley Sage.” Mabilis na tinawag ito ni Darryl; kinabahan at nangamba ang lalak
Ngumiti ang Ghost Valley Sage at tiningnan nito si Darryl. Nagsalita ito. “Napansin ko ang magma vent na nasa ilalim ng lupa noong nag-obserba ako sa lugar. Naramdaman ko ang tensyon at sa tinign ko ay sasabog ito para makabuo ng isang bulkan bago ang ika 20 taon mula ngayon.”Malakai ang tiwala ng Ghost Valley Sage nang magpatuloy ito sa pagsasalita. “Well, 20 na taon kapag walang eksternal na impluwensya. Pero mapapabilis ang paggalaw ng magma kapag may nangyaring digmaan sa ibabaw ng lupa. Kung ganoon ay mapapaaga ang pagsabog nito…”Nagkagulo ang lahat habang nakatitig ang mga ito sa pagkamangha sa Ghost Valley Sage. Namangha at nagulat ang lahat dahil sa kakayahan nitong maramdaman ang magma sa ilalim ng lupa sa pamamagitan lamang ng pagmasid sa kagubatan. Nakakamangha! Karapat-dapat lamang si Ghost Valley Sage para sa kaniyang titulo bilang ang pinaka kahanga-hangang tao sa kahit na nong panahon! Hinangaan ni Darryl ang Ghost valley Sage. Labis itong nakakamangha dahil sa k
Pagkaalis ng Ghost valley Sage ay napabuntong hininga ang lahat. Masyadong nakakatakot ang Ghost Valley Sage. Napapigil hininga ang lahat nang makita nila ang presensya nito sa hall, gumaan ang pakiramdam ng lahat nang maglaho ang lalaki. Matapos magbuntong hininga ay labis na nasabik ang lahat. Maaaring mailigtas ng solusyon ng Ghost Valley Sage sa North Moaa Army ang South Cloud World. Siyempre ay magiging masaya ang lahat. Napabuntong hininga ng mahaba si Darryl. Mukhang kalmado ang lahat; hindi na madilim ang mukha ng mga ito. Maaaring magkaroon ng pag-asa ang lahat. Naisip ni Darryl na kailangan niyang tumakas sa South Cloud World kasama ang Empress at si Quincy, kaya naman nagulat ito nang kaniyang mapakawalan ang Ghost Valley Sage na nakakulong sa Seven Treasures Exquisite Tower.Kahit na hindi kailanman makikita ng Ghost Valley Sage si Darryl bilang kaniyang pinuno ay mabait itong magbibigay ng gabay sa South Cloud World. Hindi iyon inaasahan. Oh, gosh… Bigla
Palaging nasa isip ni Quincy na walang kwentang tao si Darryl, bukod sa iba nitong mga trick. Paano nito malalaman ang paggawa ng Dousing Pills? Hayop! Nairita si Darryl nang marinig nito kung ano ang sinabi ni Quincy; mapait itong tumawa. Pagtapos ay tiningnan nito si Quincy at sagsalita. “Sigurado ang Ghost Valley Sage na kaya ko itong gain. Kung hindi ka naniniwala na kaya kong gumawa noon ay hindi mor in ba pinapaniwalaan ang Ghost Valley Sage?” Napuno na si Darryl kay Quincy dahil hindi nito kailanman pinalampas ang bawat sandali para ipahiya siya. “Sinong nakakaalam na kaya mong magpino ng mga elixir?” Galit ang tono ni Quincy nang siya’y sumagot. Hindi na gustong magbigay pa ng komento ni Darryl, kaya ngumiti ito at nagsalita. “Sige, hintayin natin at makikita mor in…” “Katawa-tawa…” Walang magawa ang Empress nang tingnan nito ang nag-aaway na dalawa; Umiling ito at mapait na ngumiti. Pagtapos ay ipinag-utos nito sa katabi niyang tauhan na tawagin ang lahat ng Eli
”Sige na, bilis!” Inudyok ni Darryl ang nagtakang tauhan. “Umalis ka na at kunin ang mga iyon para sa akin. Ano pang tinitingin tingin mo?” Mabilis na rumesponde ang tauhan at nagdala ito ng lima pang elixir cauldron.Mabilis na binuksan ni Darryl ang apoy, inayos ang materyales, at inilagay ang mga ito sa mga lutuan. Kinontrol nito ang lakas ng apoy at temperatura, naging maayos ang takbo ng lahat. Walang masabi ang mga nakatitig na tao sa hall. Walang naniwalang kayang pagsabay sabayin ni Darryl ang sampung elixir caundron. Sa wakas ay naniwala na ang mga ito nang makita ang lalaking maayos na napagsabsay sabay ang mga lutuan. Sobrang kalmado ng hitsura nito habang ginagawa iyon.Namanghang tumingin ang limang Elixir Master kay Darryl.Wala pa sa mga ito ang nakarinig na mayroong Elixir Master ang kayang mapagsabay sabay ang sampung cauldron. Hindi lamang iyon kayang gawin ni Darryl, kalmado rin ang lalaki habang nagpipino. Nakakmangha ang lalaki. Oh… Nanginig ang kata
Thud… Nasobrahan ang pakiramdam na pagkamangha ng limang Elixir master; Napaluhod ang mga ito sa harap ni Darryl at sabay sabay na nagbigay ng papuri. “Prince Consort, paniguradong muling pagkakatawang-tao ka ng Elixir God. Hinahangaan namin—”Hindi nakakagulat ang makagawa ng Elixir Cloud kapag nagpipino ng high-grade pills dahil magagawa iyong ng halos lahat. Talagang nakakamangha ang makagawa ng Elixir Cloud habang ordinaryong pills lamang ang pinipino. Natawa si Darryl. Bahagya itong tumawa, itinaas ang kamay, at kaswal na nagsalita. “Bakit kayo nakaluhod? Tumayo kayo at ayusin ang paggawa ng pills…” Nanginig si Quincy sa kaniyang nakita. Wala itong masabi habang nakatitig kay Darryl.Noong una ay inakala nitong isang ordinaryong Elixir Master lamang si Darryl kahit na kaya nitong magpino ng mga pill. Hindi nito inakalang kayang makagawa ni Darryl ng sampung Elixir Cloud. Madalas ay isang walang kabuluhang tao si Darryl, pero maaasahan ito sa mga mahahalaga at delikad
Sa parehong sandali ay dinala sa palasyo ang 150,000 Dousing Pills. Makalipas ang ilang minuto ay ininom ang Dousing Pills ng higit 100 libong sundalo ng South Cloud Army. Sa parehong sandali ay seryosong nakatayo sa ibabaw ng tower gate sina Darryl, Quincy, at ang Empress. Siyempre ay naroon din ang Ghost Valley Sage. Pinatayo ito ni Darryl sa isang tagong lugar. Napag-isipan n ani Darryl ang stratehiya ng kanilang labanan. Gusto nitong magpakita ang Ghost Valley Sage sa pinakamahalagang oras para gulatin sina Yang Jian at Zhang Jue. Kaya naman gusto niyang ilayo ang Ghost Valley Sage sa paningin ng kalaban. Ang kalmadong hitsura ng Ghost Valley ay kabaliktaran ng kabadong ekspresyon ng lahat. Tiningnan ni Darryl ang nasa distansya at nagbuntong hininga. Bumuo ng maayos na phalanx ang mga sundalo ng North Moana habang unti-unti ang paglapit ng mga ito. Hawak ng mga sundalo ang mahahaba nilang espada sa ilalim ng araw, napangiwi ang mga tao sa malamig nitong liwanag.Nas