Pagkaalis ng Ghost valley Sage ay napabuntong hininga ang lahat. Masyadong nakakatakot ang Ghost Valley Sage. Napapigil hininga ang lahat nang makita nila ang presensya nito sa hall, gumaan ang pakiramdam ng lahat nang maglaho ang lalaki. Matapos magbuntong hininga ay labis na nasabik ang lahat. Maaaring mailigtas ng solusyon ng Ghost Valley Sage sa North Moaa Army ang South Cloud World. Siyempre ay magiging masaya ang lahat. Napabuntong hininga ng mahaba si Darryl. Mukhang kalmado ang lahat; hindi na madilim ang mukha ng mga ito. Maaaring magkaroon ng pag-asa ang lahat. Naisip ni Darryl na kailangan niyang tumakas sa South Cloud World kasama ang Empress at si Quincy, kaya naman nagulat ito nang kaniyang mapakawalan ang Ghost Valley Sage na nakakulong sa Seven Treasures Exquisite Tower.Kahit na hindi kailanman makikita ng Ghost Valley Sage si Darryl bilang kaniyang pinuno ay mabait itong magbibigay ng gabay sa South Cloud World. Hindi iyon inaasahan. Oh, gosh… Bigla
Palaging nasa isip ni Quincy na walang kwentang tao si Darryl, bukod sa iba nitong mga trick. Paano nito malalaman ang paggawa ng Dousing Pills? Hayop! Nairita si Darryl nang marinig nito kung ano ang sinabi ni Quincy; mapait itong tumawa. Pagtapos ay tiningnan nito si Quincy at sagsalita. “Sigurado ang Ghost Valley Sage na kaya ko itong gain. Kung hindi ka naniniwala na kaya kong gumawa noon ay hindi mor in ba pinapaniwalaan ang Ghost Valley Sage?” Napuno na si Darryl kay Quincy dahil hindi nito kailanman pinalampas ang bawat sandali para ipahiya siya. “Sinong nakakaalam na kaya mong magpino ng mga elixir?” Galit ang tono ni Quincy nang siya’y sumagot. Hindi na gustong magbigay pa ng komento ni Darryl, kaya ngumiti ito at nagsalita. “Sige, hintayin natin at makikita mor in…” “Katawa-tawa…” Walang magawa ang Empress nang tingnan nito ang nag-aaway na dalawa; Umiling ito at mapait na ngumiti. Pagtapos ay ipinag-utos nito sa katabi niyang tauhan na tawagin ang lahat ng Eli
”Sige na, bilis!” Inudyok ni Darryl ang nagtakang tauhan. “Umalis ka na at kunin ang mga iyon para sa akin. Ano pang tinitingin tingin mo?” Mabilis na rumesponde ang tauhan at nagdala ito ng lima pang elixir cauldron.Mabilis na binuksan ni Darryl ang apoy, inayos ang materyales, at inilagay ang mga ito sa mga lutuan. Kinontrol nito ang lakas ng apoy at temperatura, naging maayos ang takbo ng lahat. Walang masabi ang mga nakatitig na tao sa hall. Walang naniwalang kayang pagsabay sabayin ni Darryl ang sampung elixir caundron. Sa wakas ay naniwala na ang mga ito nang makita ang lalaking maayos na napagsabsay sabay ang mga lutuan. Sobrang kalmado ng hitsura nito habang ginagawa iyon.Namanghang tumingin ang limang Elixir Master kay Darryl.Wala pa sa mga ito ang nakarinig na mayroong Elixir Master ang kayang mapagsabay sabay ang sampung cauldron. Hindi lamang iyon kayang gawin ni Darryl, kalmado rin ang lalaki habang nagpipino. Nakakmangha ang lalaki. Oh… Nanginig ang kata
Thud… Nasobrahan ang pakiramdam na pagkamangha ng limang Elixir master; Napaluhod ang mga ito sa harap ni Darryl at sabay sabay na nagbigay ng papuri. “Prince Consort, paniguradong muling pagkakatawang-tao ka ng Elixir God. Hinahangaan namin—”Hindi nakakagulat ang makagawa ng Elixir Cloud kapag nagpipino ng high-grade pills dahil magagawa iyong ng halos lahat. Talagang nakakamangha ang makagawa ng Elixir Cloud habang ordinaryong pills lamang ang pinipino. Natawa si Darryl. Bahagya itong tumawa, itinaas ang kamay, at kaswal na nagsalita. “Bakit kayo nakaluhod? Tumayo kayo at ayusin ang paggawa ng pills…” Nanginig si Quincy sa kaniyang nakita. Wala itong masabi habang nakatitig kay Darryl.Noong una ay inakala nitong isang ordinaryong Elixir Master lamang si Darryl kahit na kaya nitong magpino ng mga pill. Hindi nito inakalang kayang makagawa ni Darryl ng sampung Elixir Cloud. Madalas ay isang walang kabuluhang tao si Darryl, pero maaasahan ito sa mga mahahalaga at delikad
Sa parehong sandali ay dinala sa palasyo ang 150,000 Dousing Pills. Makalipas ang ilang minuto ay ininom ang Dousing Pills ng higit 100 libong sundalo ng South Cloud Army. Sa parehong sandali ay seryosong nakatayo sa ibabaw ng tower gate sina Darryl, Quincy, at ang Empress. Siyempre ay naroon din ang Ghost Valley Sage. Pinatayo ito ni Darryl sa isang tagong lugar. Napag-isipan n ani Darryl ang stratehiya ng kanilang labanan. Gusto nitong magpakita ang Ghost Valley Sage sa pinakamahalagang oras para gulatin sina Yang Jian at Zhang Jue. Kaya naman gusto niyang ilayo ang Ghost Valley Sage sa paningin ng kalaban. Ang kalmadong hitsura ng Ghost Valley ay kabaliktaran ng kabadong ekspresyon ng lahat. Tiningnan ni Darryl ang nasa distansya at nagbuntong hininga. Bumuo ng maayos na phalanx ang mga sundalo ng North Moana habang unti-unti ang paglapit ng mga ito. Hawak ng mga sundalo ang mahahaba nilang espada sa ilalim ng araw, napangiwi ang mga tao sa malamig nitong liwanag.Nas
Kinagat ni Eira ang kaniyang labi at bumulong kay Ambrose. “Kuya…makinig ka kay papa; huwag na tayong magtrabaho para kay Yang Jian.” May mabuting puso si Eira; gusto nitong lisanin ang north Moana Army matapos niyang makita ang pagtrato ni Yang Jian sa mga sibilyan. Hindi na nito kayang manahimik nang kausapin ni Darryl si Ambrose. “Pakiusap, tumahimik ka kapatid.” Umiiling na sambit ni Ambrose. Kinabahan si Darryl nang hindi sumagot si Ambrose sa knaiyang sinabi. Muli itong sumigaw. “Ambrose—"Ngunit inantala ni Ambrose si Darryl bago pa man makapagsalita ang lalaki. “Tumahimik ka!” Hindi naintindihan ni Ambrose ang sakit. Sumigaw ito. “Walang kinalaman sa iyo ang kung ano mang aggawin ko, kaya huwag mo akong utusan sa mga dapat kong gawin. Maaaring binigyan moa ko ng buhay pero hindi ibig sabihin noon at kwalipikado kang ama. Huwag mo akong daanin sa mga prinsipyo mo sa buhay.” Ugh! Mukhang mapait si Darryl at hindi nito alam kung ano pa ang dapat na sabihin.Palagi
Maraming beses nang natalo ang batang ito bago ang araw na ito. May tama an ba ang kaniyang utak matapos ang ilang beses na pagkatalo?” Nagpatuloy ang North Moana Army sa pamamaliit kat Darryl; walang may pakialam sa sinabi ng lalaki.Isa lamang siyang batang lalaki na hindi maganda ang sinapit matapos ang pagkumpronta kay Yang Jian. Isang malaking biro! Paano matatalo ng South Cloud Army ang North Moana Army nang walang kahit na anong pormasyon? Tumawa ang lahat.Mapanglait na tinawanan ni Yang Jian si Darryl. “Anong pinagsasabi mo, batang lalaki? Kakalabaninm o ba ako?” Bumalot ang panglalait sa tono ni Yang Jian. Kahit na malakas si Darryl ay wala lamang ito sa paningin ni Yang Jian. Sigurado si Yang Jian na kaya niyang pabagsakin si Darryl gamit lamang ang tatlong galaw. “Oo!” Seryosong tumango si Darryl; tinuro nito ang kagubatan sa hilaga ng Royal City. “Doon tayo maglaban para walang masaktan sa mga inosenteng tao. Tinatanggap mob a ang hamon ko, Yang Jian?” Halos
Matapos pakawalan ni Yang Jian ang mga sibilyan ay ipinag-uto nito sa kaniyang hukbo na magtungo sa kagubatan sa hilaga ng Royal City. Nag-utos din si Darryl—nag-utos itong mabilis na pumunta ang South Cloud Army sa kagubatan. Nagharap sa kagubatan ang ilang daang-libong sundalo mula sa South Cloud Army at North Moana Army. Wumugayway ang mga bandila sa hangin, pati na rin ang mahahabang espada. Napuno ng intensyong malupit na pagpatay ang hangin sa pagitan ng langit at lupa.Mahigpit na nagdilit ang malambot at tila jade na mga kamay ng Empress habang inobserbahan nito ang labanan mula sa tuktok ng city gate. Puno ng pag-alala at tensyon ang maamo nitong mukha. Ang sasapitin ng South Cloud World ay nasa resulta ng digmaan—kailangan nilang magtagumpay. Tumayo si Quincy sa tabi ni Darryl. Nakatitig ang mga mata nito kay Darryl nang siya’y magdasal. ‘Pakiusap, magtagumpay ka.’ Samantala, sa digmaan sa kagubatan. Nakatigil sa gitna ng ere ang katawan ni Yang Jian; hawak nit