"Darryl!" Dito na sinabi ng Empress na, “Namulat kaming lahat noong makita namin ang taktikang ginamit mo sa mga kalaban nating iyon kanina. Kaya mula sa araw na ito, ikaw na ang dapat humawak ng commander’s badge. Umaasa ako na matatalo mo nang tuluyan ang mga sundalo ng North Moana kasabay ng pangarap ni Yang Jian na masakop ang South Cloud World. Masyadong talentado si Darryl, siya lang ang nagiisang may kakayahan na pigilan ang mga sundalo ng North Moana Army na sumugod sa South Cloud World. Kaya natural lang na maging karapat dapat ito para sa commander’s badge na ibinigay ng Empress sa kaniya. Ito pa rin ang Prince Consort ng kaniyang kapatid—kaya hindi rin naging outsider si Darryl para sa kanila.“Marami pong salamat sa inyong pagtitiwala, Kamahalan.” Tinanggap ito ng tumatango at nakangiting si Darryl. Dito na lumingon si Darryl sa mga heneral sa kaniyang paligid para sabihing, “Ipunin ninyo ang inyong mga sundalo at maghanda sa ibibigay kong mga utos.“Opo, Prince C
Agad na pinutol ni Yang Jian ang pagsasalita ng sundalo. “Sige. Dalhin mo ako roon para makita ang lalaking sinasabi mo. Gusto kong makita kung gaano siya kalakas.” Nanlalamig na sinabi nI Yang Jian habang tumatayo at tumatakbo palabas ng kampo. Agad na sumunod kay Yang Jian sina Ambrose, Eira at iba pang mga heneral ng North Moana. Hindi nagtagal ay nakarating na sila Yang Jian sa creek na nasa likuran ng kanilang kampo. Ano? Napasimangot si Yang Jian at ang kaniyang mga heneral nang makita nila ang lalaki mula sa malayo. Nakasuot ng kulay itim na robe ang lalaking iyon at walang pakialam na umupo para mangisda sa magandang creek na nasa likuran ng kampo. Mayroong mahaba at kulay gray na buhok ang lalaki na nagpakita sa walang pakialam niyang mood. Naglabas din ito ng malakas na aura kahit na mapayapa itong nakaupo sa lugar na iyon. Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Zhang Jue!Pagkatapos niyang makaalis sa sinaunang libingan at mahiwalay kay Eira, sinimulan na ni
Tumitig ang mga mata ni Keith kay Zhang Jue habang tumutulo ang malamig na pawis sa kaniyang noo. “Sino ang isang ito? Bakit masyado siyang malakas.” Naawa pa sa kaniya ni Zhang Jue sa mga sandaling ito. Dahil sa lakas na mayroon siya, siguradong agad na mamamatay si Keith sa sandaling gamitin ni Zhang Jue ang buo niyang lakas. Natigilan din sa mga sandaling ito sina Yang Jian at ang kaniyang mga heneral—mukhang naguluhan ang mga ito sa kanilang nakita. Isa nang level five Martial Emperor si Keith. Pero nagawa pa ring salagin ng lalaki ang kaniyang pagatake gamit ang binuo nitong protective shield. Isa itong hindi kapanipaniwalang tanawin. At mukha ring relaxed ang lalaki sa mga sandaling ito. Sino ba talaga ang hayop na ito? Dito na nagreact si Yang Jian, tumitig ang kaniyang mga mata kay Zhang Jue habang sumasama nang husto ang kaniyang mukha. At sa huli ay nanlalamig niyang sinabi na, “Pabagsakin ninyo ang isang ito.” Kahit sino pa ang kaniyang kalaban, dapat lang
Napaatras din si Zhang Jue nang makita niya si Eira, pero natutuwa pa rin siyang nasurpresa rito.Hindi niya napansin kanina si Eira dahil nakatuon ang kaniyang pansin sa hawak niyang fishing rod. Hindi niya inasahan na makikita niya rito ang kaniyang apprentice. “Master!” Mabilis na naglakad paabante si Eira, mukhang natutuwa ang tono nito sa pagsasalita habang sinasabi na, “Bakit ka po nangingisda rito? Masyado na pong naging magulo ang sitwasyon dahil sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng dalawang kontinente. Hindi po ba kayo natatakot na mapasok sa isang malaking gulo?” Tumawa naman si Zhang Jue at direktang sinabi na, “Kaya naman nilang maglaban habang nangingisda ako rito. Wala naman akong pakialam sa kanilang dalawa kaya bakit ko kailangang matakot?”“Pero—" Napakagaat na lang sa kaniyang labi si Eira. Naguluhan siya sa ginawa ng kaniyang master. “Nagsisilbi na ngayon sa North Moana ang aking kapatid. Pero kung magpupumilit ka pa rin pong mangisda rito at galitin ang Kam
Ayaw nang makipaglaban pa ni Zhang Jue. Taman ga ang naging hinala ni Yang Jian—hindi matitiis ni Zhang Jue ang disipulo niyang si Eira. Kaya nagawang pumayag ni Zhang Jue sa imbitasyon ni Yang Jian para masigurong ligtas si Eira sa bawat labang haharapin nito. Natuwa si Yang Jian nang makita niya ang pagpayag ni Zhang Jue sa kaniyang alok. Napaliyad siya habang tumatawang sinasabi na, “Magaling kung ganoon! Sa tulong ni Senior Zhang ay magagawa ko na ring mapagisa ang siyam na mga kontinente para pamunuan ang buong mundo!” Pagkatapos nito ay agad na nagsiluhod ang mga heneral sa kaniyang paligid at iisang sumigaw ng. “Napakatalino ng inyong ginawa, Kamahalan. Mabuhay ang Emperor! Mabuhay ang kaniyang Military Advisor!” Wala namang naging pakialam si Zhang Jue sa mga nangyayari. Kaligtasan lang ng kaniyang disipulo ang bagay na umikot sa kaniyang isipan. Wala na siyang pakialam sa pagiging isa ng siyam na mga kontinente. Nanginig ang katawan ni Eira habang nakatitig ang k
“Oh, mabuti na lang!” Huminga nang malalim si Darryl sa kaniyang sarili habang lumuluwag ang kaniyang dibdib. Mabuti na lang at wala ang mga tagapaglingkod ng palasyo at mga yunuko para makita ang kaniyang pagpasok sa kuwarto ng Empress. Dahil kung hindi ay magiging mahirap para sa kaniya na maipaliwanag ang pagpasok niya rito. Hiss… Habang bumubulong sa kaniyang puso, muli siyang napatingin sa Empress at huminga nang malalim sa kaniyang sarili. Natigil na siya sa puwestong iyon, hindi na niya maalis ang kaniyang paningin sa Empress. Humiga ang Empress sa malambot na kama at nagsuot ng isang gawa sa sedang panloob. Masyadong naging maganda ang hubog ng kaniyang katawan kasama ng napakaselan niyang mukha. Bahagyang nakasara ang kaniyang mga mata habang nanginginig ang mahahaba niyang pilikmata. Masyado itong kaakit akit. Masyado talagang sexy ang Empress. Nakabalik na rin si Darryl sa realidad pagkatapos tumayo roon ng ilang minuto. “Bakit ako napatitig sa kaniya nang ga
Nakahinga na nang maluwag si Darryl at tumalikod para umalis nang maintindihan niya ang sitwasyon. Ano nga ba ang kailangan niyang ikatakot ngayong nagsasalita lang pala ang Empress sa kaniyang pagtulog dahil sa ininom nitong pill? “Kamahalan!” Bago pa man siya makatalikod, nakita niya ang pagtagilid ng katawan ng Empress bago hawakan ng malajade nitong kamay ang kaniyang braso. Nagsimula nang maghallucinate ang Empress nang dahil sa ininom nitong Illusion Pill. Sa kasamaang palad ay hindi nito napansin ang aksidente nitong paghawak sa braso ni Darryl. “Kamahalan, paparatin na ang North Moana sa atin. Nagawa nating depensahan ang ating mga sarili kanina, pero alam kong hindi susuko si Yang Jian sa atin—babalik at babalik siya para tuluyan tayong sakupin. Natatakot ako—” Hinawakan ng Empress ang braso ni Darryl habang bumubulong sa kaniyang sarili. Ang pakikipagusap ng Empress sa Emperor na nasa kaniyang ilusyon ay malayo sa nakakatakot niyang sarili. Nagawa nitong maging ma
Hindi na nakaramdam ng nerbiyos si Quincy—galit na lang ang natira sa kaniyang dibdib. Ninerbiyos siya sa hayop na ito nang magdamag para sa wala, at nagawa niya rin itong hintayin para sa wala. Buwisit! Napakabog nang malakas ang puso ni Darryl nang maramdaman niya ang galit ni Quincy, ninerbiyos siya rito nang kaunti. Hindi naman siguro nalaman ni Quincy ang nangyari sa kanila ng Empress kagabi hindi ba? Sabagay, hindi rin ganoon kalayo ang pagitan sa dalawang kuwarto na ito. Narinig ni Quincy ang mga sinabi ng Empress kagabi. Pero alam niya rin na madalas uminom ang Empress ng Illusion Pill para makita ang Emperor sa kaniyang mga panaginip, kaya inakala ni Quincy na nagkaroon lang ng oras ang Empress at ang Emperor sa isa’t isa noong mga sandaling iyon. “Ako—”Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Darryl habang nakangiting sinasabi na, “Inaayos ko lang ang army para gumawa ng isang defense mechanism sa Lilydale City.” Hindi niya matingnan nang diretso si Quincy noong s