Kabanata 2032
Nakahinga na nang maluwag si Darryl at tumalikod para umalis nang maintindihan niya ang sitwasyon.

Ano nga ba ang kailangan niyang ikatakot ngayong nagsasalita lang pala ang Empress sa kaniyang pagtulog dahil sa ininom nitong pill?

“Kamahalan!”

Bago pa man siya makatalikod, nakita niya ang pagtagilid ng katawan ng Empress bago hawakan ng malajade nitong kamay ang kaniyang braso.

Nagsimula nang maghallucinate ang Empress nang dahil sa ininom nitong Illusion Pill. Sa kasamaang palad ay hindi nito napansin ang aksidente nitong paghawak sa braso ni Darryl.

“Kamahalan, paparatin na ang North Moana sa atin. Nagawa nating depensahan ang ating mga sarili kanina, pero alam kong hindi susuko si Yang Jian sa atin—babalik at babalik siya para tuluyan tayong sakupin. Natatakot ako—” Hinawakan ng Empress ang braso ni Darryl habang bumubulong sa kaniyang sarili.

Ang pakikipagusap ng Empress sa Emperor na nasa kaniyang ilusyon ay malayo sa nakakatakot niyang sarili. Nagawa nitong maging ma
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP