Kabanata 2030
Ayaw nang makipaglaban pa ni Zhang Jue. Taman ga ang naging hinala ni Yang Jian—hindi matitiis ni Zhang Jue ang disipulo niyang si Eira.

Kaya nagawang pumayag ni Zhang Jue sa imbitasyon ni Yang Jian para masigurong ligtas si Eira sa bawat labang haharapin nito.

Natuwa si Yang Jian nang makita niya ang pagpayag ni Zhang Jue sa kaniyang alok. Napaliyad siya habang tumatawang sinasabi na, “Magaling kung ganoon! Sa tulong ni Senior Zhang ay magagawa ko na ring mapagisa ang siyam na mga kontinente para pamunuan ang buong mundo!”

Pagkatapos nito ay agad na nagsiluhod ang mga heneral sa kaniyang paligid at iisang sumigaw ng.

“Napakatalino ng inyong ginawa, Kamahalan. Mabuhay ang Emperor! Mabuhay ang kaniyang Military Advisor!”

Wala namang naging pakialam si Zhang Jue sa mga nangyayari.

Kaligtasan lang ng kaniyang disipulo ang bagay na umikot sa kaniyang isipan. Wala na siyang pakialam sa pagiging isa ng siyam na mga kontinente.

Nanginig ang katawan ni Eira habang nakatitig ang k
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP