Napaatras din si Zhang Jue nang makita niya si Eira, pero natutuwa pa rin siyang nasurpresa rito.Hindi niya napansin kanina si Eira dahil nakatuon ang kaniyang pansin sa hawak niyang fishing rod. Hindi niya inasahan na makikita niya rito ang kaniyang apprentice. “Master!” Mabilis na naglakad paabante si Eira, mukhang natutuwa ang tono nito sa pagsasalita habang sinasabi na, “Bakit ka po nangingisda rito? Masyado na pong naging magulo ang sitwasyon dahil sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng dalawang kontinente. Hindi po ba kayo natatakot na mapasok sa isang malaking gulo?” Tumawa naman si Zhang Jue at direktang sinabi na, “Kaya naman nilang maglaban habang nangingisda ako rito. Wala naman akong pakialam sa kanilang dalawa kaya bakit ko kailangang matakot?”“Pero—" Napakagaat na lang sa kaniyang labi si Eira. Naguluhan siya sa ginawa ng kaniyang master. “Nagsisilbi na ngayon sa North Moana ang aking kapatid. Pero kung magpupumilit ka pa rin pong mangisda rito at galitin ang Kam
Ayaw nang makipaglaban pa ni Zhang Jue. Taman ga ang naging hinala ni Yang Jian—hindi matitiis ni Zhang Jue ang disipulo niyang si Eira. Kaya nagawang pumayag ni Zhang Jue sa imbitasyon ni Yang Jian para masigurong ligtas si Eira sa bawat labang haharapin nito. Natuwa si Yang Jian nang makita niya ang pagpayag ni Zhang Jue sa kaniyang alok. Napaliyad siya habang tumatawang sinasabi na, “Magaling kung ganoon! Sa tulong ni Senior Zhang ay magagawa ko na ring mapagisa ang siyam na mga kontinente para pamunuan ang buong mundo!” Pagkatapos nito ay agad na nagsiluhod ang mga heneral sa kaniyang paligid at iisang sumigaw ng. “Napakatalino ng inyong ginawa, Kamahalan. Mabuhay ang Emperor! Mabuhay ang kaniyang Military Advisor!” Wala namang naging pakialam si Zhang Jue sa mga nangyayari. Kaligtasan lang ng kaniyang disipulo ang bagay na umikot sa kaniyang isipan. Wala na siyang pakialam sa pagiging isa ng siyam na mga kontinente. Nanginig ang katawan ni Eira habang nakatitig ang k
“Oh, mabuti na lang!” Huminga nang malalim si Darryl sa kaniyang sarili habang lumuluwag ang kaniyang dibdib. Mabuti na lang at wala ang mga tagapaglingkod ng palasyo at mga yunuko para makita ang kaniyang pagpasok sa kuwarto ng Empress. Dahil kung hindi ay magiging mahirap para sa kaniya na maipaliwanag ang pagpasok niya rito. Hiss… Habang bumubulong sa kaniyang puso, muli siyang napatingin sa Empress at huminga nang malalim sa kaniyang sarili. Natigil na siya sa puwestong iyon, hindi na niya maalis ang kaniyang paningin sa Empress. Humiga ang Empress sa malambot na kama at nagsuot ng isang gawa sa sedang panloob. Masyadong naging maganda ang hubog ng kaniyang katawan kasama ng napakaselan niyang mukha. Bahagyang nakasara ang kaniyang mga mata habang nanginginig ang mahahaba niyang pilikmata. Masyado itong kaakit akit. Masyado talagang sexy ang Empress. Nakabalik na rin si Darryl sa realidad pagkatapos tumayo roon ng ilang minuto. “Bakit ako napatitig sa kaniya nang ga
Nakahinga na nang maluwag si Darryl at tumalikod para umalis nang maintindihan niya ang sitwasyon. Ano nga ba ang kailangan niyang ikatakot ngayong nagsasalita lang pala ang Empress sa kaniyang pagtulog dahil sa ininom nitong pill? “Kamahalan!” Bago pa man siya makatalikod, nakita niya ang pagtagilid ng katawan ng Empress bago hawakan ng malajade nitong kamay ang kaniyang braso. Nagsimula nang maghallucinate ang Empress nang dahil sa ininom nitong Illusion Pill. Sa kasamaang palad ay hindi nito napansin ang aksidente nitong paghawak sa braso ni Darryl. “Kamahalan, paparatin na ang North Moana sa atin. Nagawa nating depensahan ang ating mga sarili kanina, pero alam kong hindi susuko si Yang Jian sa atin—babalik at babalik siya para tuluyan tayong sakupin. Natatakot ako—” Hinawakan ng Empress ang braso ni Darryl habang bumubulong sa kaniyang sarili. Ang pakikipagusap ng Empress sa Emperor na nasa kaniyang ilusyon ay malayo sa nakakatakot niyang sarili. Nagawa nitong maging ma
Hindi na nakaramdam ng nerbiyos si Quincy—galit na lang ang natira sa kaniyang dibdib. Ninerbiyos siya sa hayop na ito nang magdamag para sa wala, at nagawa niya rin itong hintayin para sa wala. Buwisit! Napakabog nang malakas ang puso ni Darryl nang maramdaman niya ang galit ni Quincy, ninerbiyos siya rito nang kaunti. Hindi naman siguro nalaman ni Quincy ang nangyari sa kanila ng Empress kagabi hindi ba? Sabagay, hindi rin ganoon kalayo ang pagitan sa dalawang kuwarto na ito. Narinig ni Quincy ang mga sinabi ng Empress kagabi. Pero alam niya rin na madalas uminom ang Empress ng Illusion Pill para makita ang Emperor sa kaniyang mga panaginip, kaya inakala ni Quincy na nagkaroon lang ng oras ang Empress at ang Emperor sa isa’t isa noong mga sandaling iyon. “Ako—”Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Darryl habang nakangiting sinasabi na, “Inaayos ko lang ang army para gumawa ng isang defense mechanism sa Lilydale City.” Hindi niya matingnan nang diretso si Quincy noong s
Malakas na nagpawis dito si Darryl. Buwisit! Hindi naging kumportable ang kaniyang pakiramdam nang maselyuhan ni Quincy ang kaniyang Numbing Acupoint. Ngumiti si Quincy habang nahinang sinasabi na, “Hindi ba’t sinabi mo na pagod kay kaya gusto mong alisin ko ang pagkapagod mo? Kaya pinindot ko ang iyong Numbing Acupoint para matulungan kang magrelax.” Nagliwanag ang kaniyang mukha pero malinaw ding makikita sa kaniyang mga mata na sa wakas ay nakapaghiganti na rin siya sa mga ginawang ito ni Darryl. Hindi na niya hinintay pa ang magiging sagot ni Darryl, walang pakialam na sinabi ni Quincy na, “Enjoyin mo lang iyan, lalabas lang ako para tingnan ang sitwasyon sa paligid.” Umalis si Quincy sa kuwarto nang walang pagaalinlangan noong sabihin niya iyon. “Darryl—hayop ka talaga! Mangarap ka na lang kung gusto mo talaga akong maging sunud sunuran sa iyo.” Buwisit! Walang magawang pinanood ni Darryl ang pagalis ni Quincy sa kuwarto.Masyadong walang awa si Quincy. Hindi lang n
Nagsadya si Yang Jian kagabi para detalyadong ipaliwanag kay Zhang Jue ang sitwasyon, nasabi niya rin ang tungkol sa Thousand Woods Mystery Formation ni Darryl. Matapos niyang malaman ang sitwasyon, tumawa si Zhang Jue at siniguro kay Yang Jian na matutulungan niya ito. Pamilyar din si Zhang Jue sa Thousand Woods Mystery Formation. “Huwag kang magalala, Kamahalan. Maaari mong panoorin ang laban mula sa isang tabi para makita kung paano ko sisirain ang depensa ng Lilydale City.” Direktang sinabi ni Zhang Jue bago paliparin ang kaniyang sarili sa ere. “Kayong lahat, makinig kayo sa akin! Umatake kayo!” Ilang nanlalamig na salita ang nagmula sa bibig ni Zhang Jue—hindi ito naging malakas pero kumalat ang kaniyang boses sa buong Lilydale City. “Atake!” Gumawa ng isang dumadagundong na sigaw ang mga sundalo ng North Moana nang utusan ito ni Zhang Jue, para itong isang alon na sumugod sa Lilydale City. Ano? Natigilan si Darryl habang surpresang pinapanood si Zhang Jue. Naguluha
Nagulat at nagalit si Darryl nang makita nito ang isa-isang pagbagsak ng mga sundalo ng South Cloud. Sumigaw ito sa galit. “Huwag mag-panic ang lahat! Buong lakas kayong lumaban.”Dumiretso si Darryl sa larangan ng digmaan para tulungan ang hukbo ng South Cloud. Patuloy na sumigaw si Darryl para magbigay utos habang pinapatay nito ang maraming kalaban, naghanda rin ito para makagawa ng iba pang mga pormasyon para mapabagal ang North Moana Army.Subalit hindi ito binigyan ng pagkakataon ni Yang Jian para muling gawin ang kaniyang mga pormasyon. Pinamunuan ni yang Jian ang kaniyang mga tauhan papuntang paanan ng city gate sa loob lamang ng ilang minuto.“Atras!”Alam ni Darryl na wala na ang Lilydale City nang mapagtanto nitong maraming mga sundalo ng South Cloud ang bumagsak ng poll ng dugo. “Bilis! Protektahan ang kamahalan! Umatras at lisanin ang Lilydale City.”Nagawa nitong mapaatras ang ilang kalabang kaharap niya pagkatapos niyang magsalita. Pagtapos ay lumipad ang lalaki at