Kabanata 2021
Hiss!

Huminga silang lahat nang malalim noong makaratin sila sa gate papasok ng city. Dito na nila nakita ang mga nangyayari sa labas! Nagulat dito si Darryl, naramdaman niya na para bang nabablangko ang kaniyang isipan.

Nakita nilang bumubuo ang ilang daang libong mga sundalo ng North Moana sa isang malinis na Square Formation sa harapan ng city gate habang hawak ang mahahaba nilang mga saber. Napakarami ng mga ito—sa unang tingin ng kahit na sino sa field, naging siksik ang ang bawat formation ng mga lalaking may itim na buhok. Isa itong nakakatakot na tanawin para sa kahit na sinong makakakita nito.

Tumayo si Yang Jian sa tuktok ng formation. Nagsuot ito ng isang gintong armor habang lumulutang sa gitna ng ere, nagmukha itong engrande at marangya.

Tahimik namang tumayo sina Gonggong, Ambrose, at Eira sa unahan ng formation. Naroroon si Ambrose kasama nina Yang Jian kaya agad na sumama si Eira nang dahil sa pagaalala nito sa kaligtasan ng kaniyang kapatid.

Ambrose... Eira!

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP