Tahimik ang nakatayong si Debra sa tabi ni Donoghue habang nakasuot ito ng mahaba at putting besstida; mukha itong charming at nakakamangha.Woo!Naging hindi maganda ang pakiramdam ni Darryl nang makita niya itong nasa karwahe.Marami na itong napagdaanan kasama ang babae sa loob ng sampung taon; importante para sa kaniya ang bawat alaala. Tuluyan na ba talaga itong nakalimutan ng babae?Hindi ganoon ang magiging pakiramdam ni Darryl kung hindi lamang nabura ang memory ani Debra at sumama sa ibang lalaki. Ngunit sumang-ayon itong makasama si Donoghue—walang sino man ang makakatiis sa gnon.“Kamahalan!”Lumapit si Ricky mula sa grupo. Nilingon nito si Donoghue at magalang na nagsalita. “Handa na tayo. Pakiusap, bigyan ninyo ako ng kautusan para umalis.”“Magaling!”Ngumiti si Donoghue at itinaas ang kaniyang kamay para ikuway ito. “Makinig ang lahat! Bilisan natin ang pagbalik sa Westrington.”“Attention!”Tumakbo palapit sa kaniya ang isang sundalo mula sa ilalim ng bundok;
Pinamunuan ni Ambrose ang New World Army patungong Mount Emei dahil nahulog ito sa bitag ni Megan ilang araw na ang nakaraan. Kinulong ng Sect Master ng Emei Sect sina Ambrose at Eira sa kweba sa likod ng Bundok. Nang sandaling iyon ay na-droga si Eira na nakapagdulot sa kaniya ng mga pagnanasang kagustuhan; nawala ito sa kaniayng sarili. Walang ibang nagawa si Ambrose kundi ang hiwain ang kaniyang sarili gamit ang patalim para hindi ito matuksong makipagtalik kay Eira.Matapos ang insidente ay nalaman ng dalawa na iisa ang kanilang ama at nag-init ang dugo ni Ambrose.Matapos nitong bumalik sa New World ay napagdesisyunan nitong pamunuan ang kaniyang army para sirain ang Emei Sect. Halos maidala ito ni Megan para makagawa ng malaking pagkakamali. Paano niya mapapatawad ang babae dahil doon?Ambrose?Nagulat ang nasa karwaheng si Darryl nang makita nito si Ambrose. Nasorpresa at natuwa ito.Pagtapos ay tiningnan nito si Sloan na nakatabi kay Ambrose, mas lalo pa itong nasabik.Na
’Mukhang ito ay si Debra Gable. Hindi ba;t babae ito ni Darryl? Bakit kasama niya si Donoghue? Isa pa, bakit mayroon silang romantikong relasyon?’Woo!Napabuntong hininga si Ricky nang marinig nito ang mga salita ni Sloan. Mukha itong kalmado.Mukhang nandoon ang mga bagong dating mara wasakin ang Emei Sect. Ngumiti si Ricky at tinuro nito si Megan at ang iba pang mga alagad ng Emei. Nagsalita ito. “Mukhang nandito ka para sirain din ang Emei Sect. Isang pagkakataon! Sinaktan ni Megan ang Kamahalan kaya hinuli namin sila. Dadalhin namin sila sa Westrington para husgahan ang kanilang mga krimen.”“Nakakainteres…” Ngumiti si Ambrose. Maraming nagawang pagkakamali si Megan; nasaktan din nito ang Emperor ng Westrington. Marahil ay karma nito ang kaniyang pagkahuli; maganda ang naging pakiramdam nito!Commander Sloan!”Ngumiti si Donoghue at tiningnan nito si Sloan. Nagsalita ang lalaki, maraming taon kitang hindi nakita—maganda pa rin ang hitsura mo! Dahil nandito tayo para wasakin
Malamig na tumawa si Ambrose. “Tita Sloan, bakit kailangan kong mag-alala kung mamamatay o mabubuhay ba ang walang pusong kagaya ni Darry?”Matindi ang galit nito kapag naiisip niya kung paano sila iniwan ni Darryl at ilang taong lumaban sa buhay nang wala ang kaniyang ama.“Kuya!”Nagsalita si Eira. “Si Darryl ang ating ama; pagsasalitaan tao ng ibang tao kapag hindi natin siya iniligtas.”Hindi pa nito nakikita si Darryl, kaya wala itong pakiramdam para sa lalaki. Pero mabait siyang babae. Hindi nito matiis na makita ang nakakulong na si Darryl.Determinado si Ambrose. Umiling ito at nagsalita. “Kapatid, alam kong mabait ka, pero hindi karapat dapat iligtas ang taong katulad ni Darryl. Nakalimutan mo na ba kung paano kayo pinaalis ng mama mo sa Emei Sect at mamuhay na parang palaboy, at ang lahat ng iyon ay dahil sa kaniya? Bakit kinaaawaan mo pa rin siya?“Fine!”Hindi mapakali si Eira; nagpadyak ito ng paa. “Kung ayaw mo, edi ako nalang ang magliligtas sa kaniya!”Buzz!Pa
Sa parehong sandali ay hindi nakalimutan ni Donoghue ang paalalahanan si Debra. “Mahal ko, magtago ka sa gilid at huwag kang kabahan.”Naglaban ang Westrington at new World Army—matindi ang kanilang labanan.“Argh…” Patuloy na narinig ang mga pagsigaw habang nagbagsakan ang mga katawan. Halos napinturahan na ng kulay pula ang Mount Emei dahil sa kanilang mga dugo.Bang! Bang! Bang!Mahigpit na hinawakan ni Ambrose ang Tyrant Hammer; malakas ang kaniyang tapang at determinasyon sa digmaan. Lumipad palayo ang nasa kaniyang harapan na mga sundalo ng Estrington. Napakalakas ng lalaki!Magmula noong siya ay naging Prinsipe ng New World ay marami nang nainom na bibihirang mga halaman at mga elixir si Amrose. Labis na lumakas ang kaniyang kapangyarihan.Swoosh!Galit si Donoghue nang makita nito ang mga nagbagsakan niyang sundalo sa labanan. Kaagad nitong tinitigan si Ambrose.Malakas si Ambrose kahit na bata pa ito.“Mamatay ka!” Galit na sigaw ni Donoghue. Pagtapos ay nilikum nito
Bang!Matinding tinamaan ng ginawang bola ng enerhiya nina Sloan at Ambrose ang Sky Breaking Ax. Naglabas ito ng tunog na nakawawasak ng daigdig.Agad na namutla ang mukha ni Donoghue. Dumura ito ng dugo bago napalipad palayo. Sa kasamaang palad ay hindi na tuluyang bumalik pa ang kaniyang internal na enerhiya dahil sa tama ng Sky Breaking Ax. Kaya naman hindi nito naharangan ang pinagsanib na atake nina Sloan at Ambrose.“Kamahalan.”Nanginig si Debra at napabulalas ito nang makita niya iyon. Puno ng pag-alala ang maganda nitong mukha.Nang sandaling iyon ay gusto nang magmadaling lumapit ni Debra para tulungan si Donoghue.Pero nagsanib ng pwersa sina Ambrose at Sloan. Masyadong nakakatakot ang aura ng dalawa. Ngunit madaming mga sundalo ng New World ang nasa kaniyang daanan kaya hindi makalapit si Debra.Buzz!Iwinagayway ni Ambrose ang Tyrant Hammer at inatake si Donoghue.Mabilis na itinaas ni Donoghue ang kaniyang Sky Breaking Ax para harangan ito. Pero masyado nang mara
Pinainom ni Megan si Eira ng gamot na halos makapagpaalis sa pagkababae nito—masyado siyang masama at walang awa. Hinding hindi matatanggal ng pagkamatay ni Megan ang hinanakit sa puso ni Ambrose.Nanginig si Megan nang maramdaman niya ang galit ng binate—ninerbiyos na siya nang husto rito.Woo!Huminga rito nang malalim si Megan. Bahagya siyang tumawa at nagbuntong hininga, “Masyadong naging matindi ang obsession ko kay Darryl, Kamahalan, kaya napilitan akong gumawa ng masasamang bagay. Pinagsisisihan ko na talaga ang mga bagay na ginawa ko sa inyo ng aking junior na si Eira. Sige na kung gusto mo talaga akong parusahan.”Naintindihan na rin ni Megan nitong nagdaang dalawang araw ang kaniyang mga pagkakamali—gusto lang niyang makabawi sa kaniyang mga nagawa.Nakapagdesisyon na si Megan na huwag tanggihan ang anumang parusa na ibibigay ni Ambrose sa kaniya. Gusto lang niyang masaksihan ito ni Darryl para mapatawad siya nito nang tuluyan.Hmm?Napasimangot si Ambrose nang makita
“Manahimik ka, Darryl!” Sumasabog na sinabi ni Ambrose. Tumitig siya kay Darryl at sinabing, “Uulitin ko ang mga sinabi ko—huwag na huwag mo akong tatawagin sa pangalan ko. Wala ka ring karapatan na magsalita rito.”Malalim na rin ang hinanakit ni Ambrose kay Darryl, mas tumindi pa ang kaniyang galit noong sinubukan ng kaniyang ama na tulungan si Megan.“Sige.” Nasaktan dito si Darryl. Mapait siyang ngumiti habang sinasabing, “Hindi pa sapat para sa buhay ni Megan ang kaniyang mga ginawa. Nakikiusap ako sa iyo na pagisipan mo sana ang iyong desisyon.”Iba pang bagay ang hindi pagkilala sa kaniya ng kaniyang anak bilang ama nito, pero nagawa pa siya nitong ituring na kaaway. Hindi matutuwa ang kahit na sinong ama sa pangyayaring ito.Nanlalamig ang itsura ni Ambrose pero hindi pa rin niya sinagot si Darryl.“Kuya!”Naglakad si Eira paabante bago yakapin ang braso ni Ambrose. Dito na niya dahan dahang sinabi na, “Maaari ngang masama si Megan pero hindi naman niya kailangang mamatay