Malamig na tumawa si Ambrose. “Tita Sloan, bakit kailangan kong mag-alala kung mamamatay o mabubuhay ba ang walang pusong kagaya ni Darry?”Matindi ang galit nito kapag naiisip niya kung paano sila iniwan ni Darryl at ilang taong lumaban sa buhay nang wala ang kaniyang ama.“Kuya!”Nagsalita si Eira. “Si Darryl ang ating ama; pagsasalitaan tao ng ibang tao kapag hindi natin siya iniligtas.”Hindi pa nito nakikita si Darryl, kaya wala itong pakiramdam para sa lalaki. Pero mabait siyang babae. Hindi nito matiis na makita ang nakakulong na si Darryl.Determinado si Ambrose. Umiling ito at nagsalita. “Kapatid, alam kong mabait ka, pero hindi karapat dapat iligtas ang taong katulad ni Darryl. Nakalimutan mo na ba kung paano kayo pinaalis ng mama mo sa Emei Sect at mamuhay na parang palaboy, at ang lahat ng iyon ay dahil sa kaniya? Bakit kinaaawaan mo pa rin siya?“Fine!”Hindi mapakali si Eira; nagpadyak ito ng paa. “Kung ayaw mo, edi ako nalang ang magliligtas sa kaniya!”Buzz!Pa
Sa parehong sandali ay hindi nakalimutan ni Donoghue ang paalalahanan si Debra. “Mahal ko, magtago ka sa gilid at huwag kang kabahan.”Naglaban ang Westrington at new World Army—matindi ang kanilang labanan.“Argh…” Patuloy na narinig ang mga pagsigaw habang nagbagsakan ang mga katawan. Halos napinturahan na ng kulay pula ang Mount Emei dahil sa kanilang mga dugo.Bang! Bang! Bang!Mahigpit na hinawakan ni Ambrose ang Tyrant Hammer; malakas ang kaniyang tapang at determinasyon sa digmaan. Lumipad palayo ang nasa kaniyang harapan na mga sundalo ng Estrington. Napakalakas ng lalaki!Magmula noong siya ay naging Prinsipe ng New World ay marami nang nainom na bibihirang mga halaman at mga elixir si Amrose. Labis na lumakas ang kaniyang kapangyarihan.Swoosh!Galit si Donoghue nang makita nito ang mga nagbagsakan niyang sundalo sa labanan. Kaagad nitong tinitigan si Ambrose.Malakas si Ambrose kahit na bata pa ito.“Mamatay ka!” Galit na sigaw ni Donoghue. Pagtapos ay nilikum nito
Bang!Matinding tinamaan ng ginawang bola ng enerhiya nina Sloan at Ambrose ang Sky Breaking Ax. Naglabas ito ng tunog na nakawawasak ng daigdig.Agad na namutla ang mukha ni Donoghue. Dumura ito ng dugo bago napalipad palayo. Sa kasamaang palad ay hindi na tuluyang bumalik pa ang kaniyang internal na enerhiya dahil sa tama ng Sky Breaking Ax. Kaya naman hindi nito naharangan ang pinagsanib na atake nina Sloan at Ambrose.“Kamahalan.”Nanginig si Debra at napabulalas ito nang makita niya iyon. Puno ng pag-alala ang maganda nitong mukha.Nang sandaling iyon ay gusto nang magmadaling lumapit ni Debra para tulungan si Donoghue.Pero nagsanib ng pwersa sina Ambrose at Sloan. Masyadong nakakatakot ang aura ng dalawa. Ngunit madaming mga sundalo ng New World ang nasa kaniyang daanan kaya hindi makalapit si Debra.Buzz!Iwinagayway ni Ambrose ang Tyrant Hammer at inatake si Donoghue.Mabilis na itinaas ni Donoghue ang kaniyang Sky Breaking Ax para harangan ito. Pero masyado nang mara
Pinainom ni Megan si Eira ng gamot na halos makapagpaalis sa pagkababae nito—masyado siyang masama at walang awa. Hinding hindi matatanggal ng pagkamatay ni Megan ang hinanakit sa puso ni Ambrose.Nanginig si Megan nang maramdaman niya ang galit ng binate—ninerbiyos na siya nang husto rito.Woo!Huminga rito nang malalim si Megan. Bahagya siyang tumawa at nagbuntong hininga, “Masyadong naging matindi ang obsession ko kay Darryl, Kamahalan, kaya napilitan akong gumawa ng masasamang bagay. Pinagsisisihan ko na talaga ang mga bagay na ginawa ko sa inyo ng aking junior na si Eira. Sige na kung gusto mo talaga akong parusahan.”Naintindihan na rin ni Megan nitong nagdaang dalawang araw ang kaniyang mga pagkakamali—gusto lang niyang makabawi sa kaniyang mga nagawa.Nakapagdesisyon na si Megan na huwag tanggihan ang anumang parusa na ibibigay ni Ambrose sa kaniya. Gusto lang niyang masaksihan ito ni Darryl para mapatawad siya nito nang tuluyan.Hmm?Napasimangot si Ambrose nang makita
“Manahimik ka, Darryl!” Sumasabog na sinabi ni Ambrose. Tumitig siya kay Darryl at sinabing, “Uulitin ko ang mga sinabi ko—huwag na huwag mo akong tatawagin sa pangalan ko. Wala ka ring karapatan na magsalita rito.”Malalim na rin ang hinanakit ni Ambrose kay Darryl, mas tumindi pa ang kaniyang galit noong sinubukan ng kaniyang ama na tulungan si Megan.“Sige.” Nasaktan dito si Darryl. Mapait siyang ngumiti habang sinasabing, “Hindi pa sapat para sa buhay ni Megan ang kaniyang mga ginawa. Nakikiusap ako sa iyo na pagisipan mo sana ang iyong desisyon.”Iba pang bagay ang hindi pagkilala sa kaniya ng kaniyang anak bilang ama nito, pero nagawa pa siya nitong ituring na kaaway. Hindi matutuwa ang kahit na sinong ama sa pangyayaring ito.Nanlalamig ang itsura ni Ambrose pero hindi pa rin niya sinagot si Darryl.“Kuya!”Naglakad si Eira paabante bago yakapin ang braso ni Ambrose. Dito na niya dahan dahang sinabi na, “Maaari ngang masama si Megan pero hindi naman niya kailangang mamatay
Nagdilim na ang kalangitan. Napalitan ng kidlat at kulog ang maaliwalas na panahon sa mga sandaling ito habang nagsisimula ang pagulan nang malakas sa kanilang paligid. Naging reflection ito ng kasalukuyang mood ni Darryl.Matapos ang ilang minuto, itinulak ng mga sundalo si Megan sa malalim na hukay at inilibing ito nang buhay.Pero hindi pa roon tumigil si Ambrose. At sa halip ay nanlalamig itong nagutos ng, “Bantayan ninyo ang hukay na iyan nang dalawang oras. Siguruhin ninyong hindi siya makakatakas dito, pagkatapos nito ay maaari na kayong umalis.”Hindi pa rin nawala ang galit sa puso ni Ambrose noong mailibing niya nang buhay si Megan. Kinakailangan niya munang makasiguro na hindi ito makakaligtas sa kaniyang parusa, dito lang niya magagawang makuntento.“Opo, kamahalan!”Mabilis na sumagot ang mga sundalo habang pinapaligiran ang hukay at tahimik itong binabantayan.Ano?Nanginig dito si Darryl, halos tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.Masyadong naging walang awa si
“Daryl!” Hindi na nag atubili si Ambrose magsabi ng mga walang kwentang bagay. Cold niyang sinabi, “Nilibing ko lang si Megan, at naghahanda na ako para ibalik ka sa Royal City kung saan ka hahatulan. Pero, para kay Eira, papakawalan kita ngayon. Hindi ka na magiging ganito ka swerte sa susunod na mapasakamay kita.”Dahil humina na ang ulan, nagwave si Ambrose. “Makinig kayong lahat! Tara na!” Pagkatapos, bumaba siya ng Mount Emel nang hindi man lang tumitingin pabalik.Napabuntong hiniga si Daryl habang nakatingin sa likod ni Ambrose.Nung mga sandaling yun, humakbang papaharap si Eira. Napakagat labi ito at sinabi, “Papa, kailangan ko muna umalis kasama ang kapatid ko. Mag-ingat ka.”Si Eira ay isang babae, kaya mas sensitive siya. Nakikita niya na maraming hindi maipaliwanag na problema si Daryl kaya naman humantong ito sa tensyodang state kasama si Ambrose.Hmm!Tumango si Daryl at ngumiti.Kahit na ayaw sa kanya ng anak niyang lalaki, ang anak naman niyang babae ay mabait a
Kaya naman, pinigilan ni Megan ang paghinga niya hanggang sa wala ng gumagalaw sa tass; pagkatapos, umakyat siya palabas ng butas.Nung mga sandaling yun, injured si Megan, at ilang metro din ang inakyat niya mula sa ilalim ng butas. Halos mamatay na siya.Woo!Narealize ni Megan na walang laman ang Emei Sect— Wala ni kahit isa ang nandito. Sinisisi niya ang sarili niya at sobrang malungkot siya.Siguro ay isinama ni Ambrose ang lahat ng nasa Emei Sect.Ito ay dahil sa kanya. Kung hindi siya sobrang naging obsessed kay Daryl, hindi siya gagawa ng maraming masasamang bagay, na magdadala ng gulo sa Emei Sect.Pero, mahal ni Ambrose si Eira, at si Eira ay may soft spot para sa Emei Sect dahil sa mga sentimental reasons. Hindi naisip ni Megan na mapupunta sa alanganin ang Emei Sect.Napatawad na rin siya ni Daryl. Narinig niya ang mga sinabi nito sa sarili niya nung inililibing siya.…Bigla nalang nawala ang obsession ni Megan.Woo!Wala ng pag-aalala si Megan. Bumuntong hining