Ngumiti si Donoghue at tumingin kay Megan habang sinasabi na, “Oras na para magsalita ako, Megan. Hindi mo na ako masisisi kung gagawa ako ng aksyon sa sandaling ipagpilitan mo ang pagkuha sa aking Senior. Kahit na marami kayo, wala pa rin kayong advantage sa sandaling maglaban tayo.”Kahit na hindi naging malakas ang kaniayng boses, nagkaroon naman ito ng isang nakakatakot na tono.Dito na umingay ang buong lugar habang napapatitig ang mga paningin ng mga fighter ng naglalakihang mga sekta kay Donoghue habang ipinapakita ang naguguluhan nilang mga mata.“Gaano kawild si Donoghue? Ang lakas ng loob niyang pagbantaan si Alliance Master Castello sa harap ng lahat, “Isip ng mga tao sa paligid.Namula si Megan habang nanginginig ang kaniyang katawan. Mahahalata rin ang galit sa mukha ni Megan.Si Megan ang Sect Master ng Emei at ang Alliance Master ng World Universe. Nirespeto siya ng lahat pero nagawa pa rin siyang pagbantaan ni Donoghue sa harapan ng kaniyang mga kasama. Napahiya si
Sandaling ngumiti si Megan pero hindi niya agad na sinagot ang tanong ni Donoghue. At sa halip ay nagawa nitong magtanong ng, “Mukhang mayroon ka nang plano.”Ang alam lang ni Megan ay ang pagiging Emperor ng Westrington ni Darryl. Wala siyang ideya sa eksakto nitong sitwasyon o sa mga bagay na ginagawa nito ngayon.Hindi naman nagalinlangan si Donoghue habang nanlalamig na tumitingin kay Megan. “Simple lang ang plano ko. Marami tayong malalakas na fighter. Kailangan lang nating atakihin ang pamilya Carter para mawasak nang tuluyan ang pamilya at mga kaibigan ni Darryl.”Natawa si Megan nang marinig niya ang mga sinabi ni Donoghue, dito na siya tumingin dito para sabihing, “Hindi na natin kailangan pang guluhin ang pamilya Carter. Kontrolado ko na sila ngayon. Kailangan lang nating malaman kung nasaan si Darryl ngayon."Dito na niya ikinuwento kung paano niya pinainom ng Dark Day Pill ang mga miyembro ng Pamilya Carter.Hindi maiwasang mapabuntong hininga at maimpress ni Donoghue
Bumagsak si Sara sa mga bisig ni Darryl at umiyak sa sobrang tuwa. “Narinig kong may masama raw na nangyari sa iyo roon sa Westrington.”Tumawa si Darryl habang hinahawakan si Sara sa malalambot nitong mga balikat para icomfort. “Maayos lang ng lagay ko ngayon, okay?”Habang nagsasalita, nanginig ang puso ni Darryl nang mapansin niya ang kondisyon ni Sara.Napansin niya kung gaano kaputla ang mukha nito. Hindi lang iyon dahil kontrolado rin ng isang kakaibang puwersa ang internal energy ni Sara, kasalukuyan itong nanghihina sa kaniyang harapan.“Ano ang nangyari, Sara?” Agad na itinanong ni Darryl.Noong magsasalita na si Sara, naglakad na rin papunta sa main hall sina Chester, Dax, Yvette at ang iba pa niyang mga kasama para lumapit kay Darryl.Mula noong painumin sila ni Megan ng Dark Day Pill, nawalan na ng Pagasa ang lahat at nadismaya nang husto sa kanilang mga buhay. Nagkulong na lang ang mga ito sa kanikanilang mga kuwarto at hindi na lumabas pa. Karirinig rinig pa lang ni
Nang biglang magblangko ang isipan nI Darryl, dito na niya naisip ang isang bagay. Agad na nagliwanag ang kaniyang mga mata.“Sinabi ni Kuya Chester na ang Dark Day Pills na kanilang ininom ay may kaparehong epekto sa Heaven Cult Elixir ng Grandmaster Heaven Cult. Ang pinagkaiba lang nito ay ang kanilang lakas na may 10 beses na pagitan sa isa’t isa. Marunong akong gumawa ng antidote para sa Heaven Cult Elixir. Mawawala kaya ang epekto ng lason sa kanila sa sandaling gumawa ako ng antidote na mas malakas ng 10 beses kaysa sa pangkaraniwang ginagawa ko?”Nasabik dito nang husto si Darryl. Agad niyang inutusan ang mga disipulo na, “Dalian ninyo, ihanda ninyo ang mga herbs at gamot sa aking harapan. Malinaw ko pang naaalala kung ano ang mga ito.”Dito na sinabi ni Darryl ang mga sangkap sa paggawa ng antidote ng Heaven Cult Elixir, kasama ng mga sukat na kaniyang kailangan.Hindi na rin nagpatumpik tumpik pa ang disipulong ito. Nang mamemorize nito nang malinaw ang lahat, agad siyang
Sa Mt. Emei, maraming mga disipulo ng iba’t ibang mga sekta ang makikitang nagtitipon tipon sa main hall habang si Megan naman ay nakangiting nakaupo sa main seat ng hall.Itinuring nilang mga VIP na bisita ang kadadating dating lang na sina Donoghue at Debra.Mula noong buohin ni Megan at Donoghue ang kanilang alyansa at makabalik sa sekta ng Emei, tinipon ng dalawa ang lahat ng mga sekta para pagusapan ang kanilang magiging plano sa pagpapabagsak kay Darryl.Narelax dito si Megan nang husto. Pero wala na siyang dapat pang alalahanin dahil katulong na niya ngayon ang dating Emperor ng Westrington na si Donoghue, hindi siya nagalala kahit na pamunuan pa ni Darryl ang kaniyang mga sundalo paakyat ng Mt. Emei.Dito na biglang naglakad nang mabilis papasok si Fanny. Buong galang niyang sinabi kay Megan na, “Pinangunahan po ni Sect Master D-Darryl ang 100,000 mga sundalo paakyat ng Mt. Emei.”Nanginig ito nang husto sa sobrang gulat.Agad na umingay ang buong main hall nang marinig n
Kasabay nitong natigilan ang lahat. Inakala nilang nagdala si Darryl ng mga sundalo para sumugod nang direkta papasok. Pero sino nga ba ang magaakala na maglalakad ito nang magisa papasok sa hall?!Si Darryl ang Sect Master ng Elysium Gate na kilala sa ganitong klase ng katapangan. Wala nang kahit na sino sa buong mundo ang magiging kasing tapang nito.Dito na dahan dahang tumayo si Megan at ngumiti kay Darryl habang sinasabing, “Ang lakas ng loob mong magpunta sa aking Emei Sect, Darryl. Mabait naman akong tao, kaya hangga’t magagawa mo akong sambahin bilang Alliance Master at makinig sa aking mga utos, ipinapangako kong hindi na ako maghihiganti pa sa mga bagay na ginawa mo sa akin noon.”Noong una ay nagpanic si Megan matapos maharap sa ganitong klase ng sitwasyon. Pero nagiba ang lahat mula noon. Siya ang may hawak sa buhay ng pamilya Carter kaya hindi na niya kailangan pang alalahanin ang pagpapadalos dalos ni Darryl sa sandaling mapangunahan nanaman ito ng emosyon.Nang magsa
Nagdikit ang mga kilay ni Darryl at tumawa nang marinig niya si Megan na utusan siyang lumuhod sa harapan nito. “Hindi ka pa ba nahihiya sa sarili mo, Megan?”“Napakarami nang mga hindi magandang bagay na nagawa ang Megan na ito. Hindi ko pa siya napapagbayad sa kaniyang mga kasalanan pero nagawa niya pa rin akong paluhurin para humingi ng tawad sa kaniya? Hindi pa ba siya nahihiya sa mga pinagagawa niya?” Isip ni Darryl.Dito na nagbago ang ngiti sa mukha ni Megan, agad siyang namula noong makita niya kung paano nagreact si Darryl. Agad na namuo ang matinding galit sa kaniyang puso. “Ikaw…”“Ipinahiya ako ni Darryl ng ilang beses sa harap ng lahat. Mapapatawad ko pa siya noon pero nasaan na ang dignidad ko kung gagawin ko itong muli sa ikalawang pagkakataon?”Dito na biglang sumugod palabas sa nagkukumpulang mga tao si Watson Tucker.“Sino ka ba talaga sa tingin mo Darryl? Binigyan ka na ng Alliance Master ng tiyansang humingi ng tawad pero hindi mo pa rin siya nagawang irespeto.
Nang marinig nila ang utos ni Darryl, gumawa ang kaniyang mga sundalo ng isang dumadagundong na sigaw na nagpayanig sa lupa. Agad silang sumugod sa Mt. Emei na parang isang malakas na alon habang malakas na nagsasagupaan ang dalawang mga panig.Napahinga na lang nang malalim ang nagtatago sa isang sulok na si Debra. Bigla siyang nagalala sa kaniyang sarili nang husto. “Masyado nga talagang malakas si Darryl sa dami ng kaniyang mga sundalo. Magawa kaya ng Emei at ng ibang mga sekta na talunin ito?”Naramdaman ni Donoghue ang pagaalala ni Debra. Bahagya siyang ngumiti at mahina itong kinomfort. “Huwag kang magalala Senior dahil hindi magagawang manalo ni Darryl sa labang ito.”Sinilip niya ang nakikipaglabang si Darryl nang may kaunting pagkademonyo sa kaniyang mga mata.Dito na tumindi nang tumindi ang kanilang laban.Masasabi ng kahit na sino na kabilang ang hukbo ng Westrington sa pinakamalalakas na hukbo sa siyam na mga kontinente. Masyado nang mataas ang reputasyon ng mga ito.