Nang biglang magblangko ang isipan nI Darryl, dito na niya naisip ang isang bagay. Agad na nagliwanag ang kaniyang mga mata.“Sinabi ni Kuya Chester na ang Dark Day Pills na kanilang ininom ay may kaparehong epekto sa Heaven Cult Elixir ng Grandmaster Heaven Cult. Ang pinagkaiba lang nito ay ang kanilang lakas na may 10 beses na pagitan sa isa’t isa. Marunong akong gumawa ng antidote para sa Heaven Cult Elixir. Mawawala kaya ang epekto ng lason sa kanila sa sandaling gumawa ako ng antidote na mas malakas ng 10 beses kaysa sa pangkaraniwang ginagawa ko?”Nasabik dito nang husto si Darryl. Agad niyang inutusan ang mga disipulo na, “Dalian ninyo, ihanda ninyo ang mga herbs at gamot sa aking harapan. Malinaw ko pang naaalala kung ano ang mga ito.”Dito na sinabi ni Darryl ang mga sangkap sa paggawa ng antidote ng Heaven Cult Elixir, kasama ng mga sukat na kaniyang kailangan.Hindi na rin nagpatumpik tumpik pa ang disipulong ito. Nang mamemorize nito nang malinaw ang lahat, agad siyang
Sa Mt. Emei, maraming mga disipulo ng iba’t ibang mga sekta ang makikitang nagtitipon tipon sa main hall habang si Megan naman ay nakangiting nakaupo sa main seat ng hall.Itinuring nilang mga VIP na bisita ang kadadating dating lang na sina Donoghue at Debra.Mula noong buohin ni Megan at Donoghue ang kanilang alyansa at makabalik sa sekta ng Emei, tinipon ng dalawa ang lahat ng mga sekta para pagusapan ang kanilang magiging plano sa pagpapabagsak kay Darryl.Narelax dito si Megan nang husto. Pero wala na siyang dapat pang alalahanin dahil katulong na niya ngayon ang dating Emperor ng Westrington na si Donoghue, hindi siya nagalala kahit na pamunuan pa ni Darryl ang kaniyang mga sundalo paakyat ng Mt. Emei.Dito na biglang naglakad nang mabilis papasok si Fanny. Buong galang niyang sinabi kay Megan na, “Pinangunahan po ni Sect Master D-Darryl ang 100,000 mga sundalo paakyat ng Mt. Emei.”Nanginig ito nang husto sa sobrang gulat.Agad na umingay ang buong main hall nang marinig n
Kasabay nitong natigilan ang lahat. Inakala nilang nagdala si Darryl ng mga sundalo para sumugod nang direkta papasok. Pero sino nga ba ang magaakala na maglalakad ito nang magisa papasok sa hall?!Si Darryl ang Sect Master ng Elysium Gate na kilala sa ganitong klase ng katapangan. Wala nang kahit na sino sa buong mundo ang magiging kasing tapang nito.Dito na dahan dahang tumayo si Megan at ngumiti kay Darryl habang sinasabing, “Ang lakas ng loob mong magpunta sa aking Emei Sect, Darryl. Mabait naman akong tao, kaya hangga’t magagawa mo akong sambahin bilang Alliance Master at makinig sa aking mga utos, ipinapangako kong hindi na ako maghihiganti pa sa mga bagay na ginawa mo sa akin noon.”Noong una ay nagpanic si Megan matapos maharap sa ganitong klase ng sitwasyon. Pero nagiba ang lahat mula noon. Siya ang may hawak sa buhay ng pamilya Carter kaya hindi na niya kailangan pang alalahanin ang pagpapadalos dalos ni Darryl sa sandaling mapangunahan nanaman ito ng emosyon.Nang magsa
Nagdikit ang mga kilay ni Darryl at tumawa nang marinig niya si Megan na utusan siyang lumuhod sa harapan nito. “Hindi ka pa ba nahihiya sa sarili mo, Megan?”“Napakarami nang mga hindi magandang bagay na nagawa ang Megan na ito. Hindi ko pa siya napapagbayad sa kaniyang mga kasalanan pero nagawa niya pa rin akong paluhurin para humingi ng tawad sa kaniya? Hindi pa ba siya nahihiya sa mga pinagagawa niya?” Isip ni Darryl.Dito na nagbago ang ngiti sa mukha ni Megan, agad siyang namula noong makita niya kung paano nagreact si Darryl. Agad na namuo ang matinding galit sa kaniyang puso. “Ikaw…”“Ipinahiya ako ni Darryl ng ilang beses sa harap ng lahat. Mapapatawad ko pa siya noon pero nasaan na ang dignidad ko kung gagawin ko itong muli sa ikalawang pagkakataon?”Dito na biglang sumugod palabas sa nagkukumpulang mga tao si Watson Tucker.“Sino ka ba talaga sa tingin mo Darryl? Binigyan ka na ng Alliance Master ng tiyansang humingi ng tawad pero hindi mo pa rin siya nagawang irespeto.
Nang marinig nila ang utos ni Darryl, gumawa ang kaniyang mga sundalo ng isang dumadagundong na sigaw na nagpayanig sa lupa. Agad silang sumugod sa Mt. Emei na parang isang malakas na alon habang malakas na nagsasagupaan ang dalawang mga panig.Napahinga na lang nang malalim ang nagtatago sa isang sulok na si Debra. Bigla siyang nagalala sa kaniyang sarili nang husto. “Masyado nga talagang malakas si Darryl sa dami ng kaniyang mga sundalo. Magawa kaya ng Emei at ng ibang mga sekta na talunin ito?”Naramdaman ni Donoghue ang pagaalala ni Debra. Bahagya siyang ngumiti at mahina itong kinomfort. “Huwag kang magalala Senior dahil hindi magagawang manalo ni Darryl sa labang ito.”Sinilip niya ang nakikipaglabang si Darryl nang may kaunting pagkademonyo sa kaniyang mga mata.Dito na tumindi nang tumindi ang kanilang laban.Masasabi ng kahit na sino na kabilang ang hukbo ng Westrington sa pinakamalalakas na hukbo sa siyam na mga kontinente. Masyado nang mataas ang reputasyon ng mga ito.
Gustong gusto nang patayin ni Darryl si Megan sa mga sandaling ito. Pero hindi pa rin niya nagawang magpadalos dalos dahil hawak na nito ang buhay ni Megan.Nakita niyang nakatutok ang mahabang espada ni Megan sa leeg ni Lily. Kaunting lakas lang ang kailangan ni Megan para mamatay si Lily.Agad na tumigil sa paglalaban laban ang 100,00 mga sundalo ng Westrington at mga sundalo ng iba’t ibang mga sekta. Napatingin silang lahat kay Darryl.Lalo na ang mga sundalo ng Westrington. Mukhang naguluhan ang mga ito.“Nasa advantage na tayo noong utusan tayong tumigil ng kamahalan. Sayang.”Tumitig si Darryl kay Megan at sumigaw ng, “Megan, pakawalan mo na si Lily ngayundin!”Tumawa naman dito ang nanunuksong si Megan, “Ha-ha! Tingnan mo kung gaano katindi ang pagaalala sa mukha mo. Huwag kang magalala, hindi ko siya sasaktan hangga’t magagawa mong makinig sa mga sasabihin ko.”Nagdilim ang kaniyang mukha habang nanlalamig niyang sinasabi na, “Lumuhod ka ngayon at humingi ng tawad sa aki
“Hmm.” Nang marinig niya iyon, sumagot na lang si Debra at hindi na nagsalita pa.Sa mga sandaling iyon, tahimik na tumingin sa nakaluhod na si Darryl ang nakaupo sa kaniyang tronong si Megan. Walang tigil na nagbago ang itsura ng kaniyang mukha habang nanginginig ang buo niyang katawan.Maraming taon na rin ang nakalilipas.Matagal na ring pinangarap ni Megan ang pagluhod ni Darryl sa kaniyang harapan para humingi ng tawad sa mga nagawa nito sa kanya. Nagkatotoo na rin ang kaniyang pangarap.Agad na napangiti rito si Megan. Natuwa siya nang husto sa kaniyang sarili. Pero nang matapos ang kaniyang tuwa, agad na nakaramdam si Megan ng emptiness at confusion sa kaniyang sarili.Ano naman kung nagawa niya iyon? Maibabalik niya pa ba ang closeness nil ani Darryl noon?Matatanggap pa ba siya ulit ni Darryl?Habang nalulunod si Megan sa mga bagay na kaniyang iniisip, tumingin sa kaniya si Darryl at malinaw na sinabing, “Tinupad ko na ang gusto mo, Megan. Humingi na ako ng tawad kaya d
Gasp! Dito na biglang umingay ang mga tao sa paligid. Tiningnan ng mga cultivators ng iba’t ibang sekta sa paligid si Donoghue nang dahil sa sobrang gulat. Hindi na kataka taka na isa nga siyang kilalang tao sa Westrington. Alam niya kung kailan siya dapat umatake.Pero agad na nagalit dito si Brad at ang mga sundalo ng Westrington. “Ang lakas ng loob ni Donoghue na atakihin ang kamahalan na walang kamalay malay?”Wala namang naging pakialam si Donoghue sa tingin na ginagawa ng mga tao sa kaniyang paligid. Nasabik siya nang husto rito.Tumawa siya at nanlolokong sinabi kay Darryl na, “Hahaha! Sigurado akong hindi mo ito inaasahan, tama? Sinabi ko na sa iyo noon. Kukunin ko ang lahat ng nawala sa akin, at mamamatay ka sa aking mga kamay.”Namutla nang husto ang mukha ni Darryl noong titigan niya si Donoghue at nanlalamig na sabihing, “Wala ka pa rin namang kuwente, Donoghue. Marunong ka lang namang umatake nang patalikod. Sino nga ba ang tumakbo na parang pilay na aso mula sa West