Kabanata 1978
Nagdikit ang mga kilay ni Darryl at tumawa nang marinig niya si Megan na utusan siyang lumuhod sa harapan nito. “Hindi ka pa ba nahihiya sa sarili mo, Megan?”

“Napakarami nang mga hindi magandang bagay na nagawa ang Megan na ito. Hindi ko pa siya napapagbayad sa kaniyang mga kasalanan pero nagawa niya pa rin akong paluhurin para humingi ng tawad sa kaniya? Hindi pa ba siya nahihiya sa mga pinagagawa niya?” Isip ni Darryl.

Dito na nagbago ang ngiti sa mukha ni Megan, agad siyang namula noong makita niya kung paano nagreact si Darryl. Agad na namuo ang matinding galit sa kaniyang puso. “Ikaw…”

“Ipinahiya ako ni Darryl ng ilang beses sa harap ng lahat. Mapapatawad ko pa siya noon pero nasaan na ang dignidad ko kung gagawin ko itong muli sa ikalawang pagkakataon?”

Dito na biglang sumugod palabas sa nagkukumpulang mga tao si Watson Tucker.

“Sino ka ba talaga sa tingin mo Darryl? Binigyan ka na ng Alliance Master ng tiyansang humingi ng tawad pero hindi mo pa rin siya nagawang irespeto.
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP