Kasabay nitong natigilan ang lahat. Inakala nilang nagdala si Darryl ng mga sundalo para sumugod nang direkta papasok. Pero sino nga ba ang magaakala na maglalakad ito nang magisa papasok sa hall?!Si Darryl ang Sect Master ng Elysium Gate na kilala sa ganitong klase ng katapangan. Wala nang kahit na sino sa buong mundo ang magiging kasing tapang nito.Dito na dahan dahang tumayo si Megan at ngumiti kay Darryl habang sinasabing, “Ang lakas ng loob mong magpunta sa aking Emei Sect, Darryl. Mabait naman akong tao, kaya hangga’t magagawa mo akong sambahin bilang Alliance Master at makinig sa aking mga utos, ipinapangako kong hindi na ako maghihiganti pa sa mga bagay na ginawa mo sa akin noon.”Noong una ay nagpanic si Megan matapos maharap sa ganitong klase ng sitwasyon. Pero nagiba ang lahat mula noon. Siya ang may hawak sa buhay ng pamilya Carter kaya hindi na niya kailangan pang alalahanin ang pagpapadalos dalos ni Darryl sa sandaling mapangunahan nanaman ito ng emosyon.Nang magsa
Nagdikit ang mga kilay ni Darryl at tumawa nang marinig niya si Megan na utusan siyang lumuhod sa harapan nito. “Hindi ka pa ba nahihiya sa sarili mo, Megan?”“Napakarami nang mga hindi magandang bagay na nagawa ang Megan na ito. Hindi ko pa siya napapagbayad sa kaniyang mga kasalanan pero nagawa niya pa rin akong paluhurin para humingi ng tawad sa kaniya? Hindi pa ba siya nahihiya sa mga pinagagawa niya?” Isip ni Darryl.Dito na nagbago ang ngiti sa mukha ni Megan, agad siyang namula noong makita niya kung paano nagreact si Darryl. Agad na namuo ang matinding galit sa kaniyang puso. “Ikaw…”“Ipinahiya ako ni Darryl ng ilang beses sa harap ng lahat. Mapapatawad ko pa siya noon pero nasaan na ang dignidad ko kung gagawin ko itong muli sa ikalawang pagkakataon?”Dito na biglang sumugod palabas sa nagkukumpulang mga tao si Watson Tucker.“Sino ka ba talaga sa tingin mo Darryl? Binigyan ka na ng Alliance Master ng tiyansang humingi ng tawad pero hindi mo pa rin siya nagawang irespeto.
Nang marinig nila ang utos ni Darryl, gumawa ang kaniyang mga sundalo ng isang dumadagundong na sigaw na nagpayanig sa lupa. Agad silang sumugod sa Mt. Emei na parang isang malakas na alon habang malakas na nagsasagupaan ang dalawang mga panig.Napahinga na lang nang malalim ang nagtatago sa isang sulok na si Debra. Bigla siyang nagalala sa kaniyang sarili nang husto. “Masyado nga talagang malakas si Darryl sa dami ng kaniyang mga sundalo. Magawa kaya ng Emei at ng ibang mga sekta na talunin ito?”Naramdaman ni Donoghue ang pagaalala ni Debra. Bahagya siyang ngumiti at mahina itong kinomfort. “Huwag kang magalala Senior dahil hindi magagawang manalo ni Darryl sa labang ito.”Sinilip niya ang nakikipaglabang si Darryl nang may kaunting pagkademonyo sa kaniyang mga mata.Dito na tumindi nang tumindi ang kanilang laban.Masasabi ng kahit na sino na kabilang ang hukbo ng Westrington sa pinakamalalakas na hukbo sa siyam na mga kontinente. Masyado nang mataas ang reputasyon ng mga ito.
Gustong gusto nang patayin ni Darryl si Megan sa mga sandaling ito. Pero hindi pa rin niya nagawang magpadalos dalos dahil hawak na nito ang buhay ni Megan.Nakita niyang nakatutok ang mahabang espada ni Megan sa leeg ni Lily. Kaunting lakas lang ang kailangan ni Megan para mamatay si Lily.Agad na tumigil sa paglalaban laban ang 100,00 mga sundalo ng Westrington at mga sundalo ng iba’t ibang mga sekta. Napatingin silang lahat kay Darryl.Lalo na ang mga sundalo ng Westrington. Mukhang naguluhan ang mga ito.“Nasa advantage na tayo noong utusan tayong tumigil ng kamahalan. Sayang.”Tumitig si Darryl kay Megan at sumigaw ng, “Megan, pakawalan mo na si Lily ngayundin!”Tumawa naman dito ang nanunuksong si Megan, “Ha-ha! Tingnan mo kung gaano katindi ang pagaalala sa mukha mo. Huwag kang magalala, hindi ko siya sasaktan hangga’t magagawa mong makinig sa mga sasabihin ko.”Nagdilim ang kaniyang mukha habang nanlalamig niyang sinasabi na, “Lumuhod ka ngayon at humingi ng tawad sa aki
“Hmm.” Nang marinig niya iyon, sumagot na lang si Debra at hindi na nagsalita pa.Sa mga sandaling iyon, tahimik na tumingin sa nakaluhod na si Darryl ang nakaupo sa kaniyang tronong si Megan. Walang tigil na nagbago ang itsura ng kaniyang mukha habang nanginginig ang buo niyang katawan.Maraming taon na rin ang nakalilipas.Matagal na ring pinangarap ni Megan ang pagluhod ni Darryl sa kaniyang harapan para humingi ng tawad sa mga nagawa nito sa kanya. Nagkatotoo na rin ang kaniyang pangarap.Agad na napangiti rito si Megan. Natuwa siya nang husto sa kaniyang sarili. Pero nang matapos ang kaniyang tuwa, agad na nakaramdam si Megan ng emptiness at confusion sa kaniyang sarili.Ano naman kung nagawa niya iyon? Maibabalik niya pa ba ang closeness nil ani Darryl noon?Matatanggap pa ba siya ulit ni Darryl?Habang nalulunod si Megan sa mga bagay na kaniyang iniisip, tumingin sa kaniya si Darryl at malinaw na sinabing, “Tinupad ko na ang gusto mo, Megan. Humingi na ako ng tawad kaya d
Gasp! Dito na biglang umingay ang mga tao sa paligid. Tiningnan ng mga cultivators ng iba’t ibang sekta sa paligid si Donoghue nang dahil sa sobrang gulat. Hindi na kataka taka na isa nga siyang kilalang tao sa Westrington. Alam niya kung kailan siya dapat umatake.Pero agad na nagalit dito si Brad at ang mga sundalo ng Westrington. “Ang lakas ng loob ni Donoghue na atakihin ang kamahalan na walang kamalay malay?”Wala namang naging pakialam si Donoghue sa tingin na ginagawa ng mga tao sa kaniyang paligid. Nasabik siya nang husto rito.Tumawa siya at nanlolokong sinabi kay Darryl na, “Hahaha! Sigurado akong hindi mo ito inaasahan, tama? Sinabi ko na sa iyo noon. Kukunin ko ang lahat ng nawala sa akin, at mamamatay ka sa aking mga kamay.”Namutla nang husto ang mukha ni Darryl noong titigan niya si Donoghue at nanlalamig na sabihing, “Wala ka pa rin namang kuwente, Donoghue. Marunong ka lang namang umatake nang patalikod. Sino nga ba ang tumakbo na parang pilay na aso mula sa West
“Isa lang kayong grupo ng mga langgam, ang lakas ng loob mong harangan ako ah?” Nanlalamig na sinabi ng nagmamalaki sa kaniyang sariling si Donoghue.Tiningnan niya ang kaniyang paligid at sinabing, “Sumugod na ang sinumang tumututol sa ginawa ko.”Hindi naging malakas ang kaniyang boses, pero agad itong nagdala ng takot sa puso ng sinumang nakatingin sa kaniya.Natahimik ang mga tao sa kaniyang paligid. Walang sinuman ang gumawa ng kahit isang paghinga sa harapan nito.Niyuko ng Westrington Army ang kanilang mga ulo, walang sinuman sa kanila ang tumingin kay Donoghue.Kasabay nito ang paglapit ng isang heneral mula sa paligid kay Donoghue. Lumuhod ito sa harap ni Donoghue habang tinitingnan ng lahat.“Kamahalan, ako po ang inyong tagapaglingkod na si Ricky Franco na handa kayong pagsilbihan anumang oras.” Magalang nitong sinabi.Si Ricky Franco ang Deputy Commander ng Black Rider Army. Matalino ang isang ito kaya agad siyang nagpakita ng katapatan kay Donoghue nang makita niya
Naging magkahalo ang naramdaman ni Darryl nang makita niya ang pagtatanggol na ginagawa sa kaniya ni Megan. Naramdaman niyang nababahala talaga si Megan at hindi niya lang ito pinepeke. Inisip niya na kinamumuhian siya nito at gusto na rin siya nitong patayin. Kaya bakit siya nito biglang ipinagtanggol noong malapit na siyang mapatay ng kaniyang kalaban?Naguluhan nang husto ang isip ni Darryl, hindi na niya maintindihan pa si Megan.Napakagat naman sa kaniyang mga labi ang nakatayo hindi kalayuan na si Lily. Nakita niya ang pagsugod ni Megan para iligtas si Darryl, dito na niya kakaibang tiningnan si Megan.Maaari ngang masama si Megan, pero mahal na mahal talaga nito si Darryl. At bilang babae, mas naramdaman ni Lily ang bagay na iyon. Agad niyang nakita na mayroon pa ring nararamdaman si Megan kay Darryl.“Tutulungan din kita rito, Master Senior Sister.” Sigaw ng sumusugod na si Fanny.Hindi na nagdalawang isip pa ang mga sumusunod na disipulo ng Emei at sa loob ng isang igla