“Kung ganoon, ano ang gusto mong mangyari?” Hindi pinansin ni Darryl ang panunukso ng mga tao sa paligid. Hindi niya halos tiningnan si Chas sa mga mata nito. “Bata!” Napangiti si Chas habang nanlalamig na sumasagot ng, “Patas naman akong tao. Mamili ka sa dalawa—babayaran mo ang nasira at makakaalis kayong dalawa o paalisin kita pero kinakailangan mong iwanan ang magandang babae na ito rito.” Tinuro ni Chas si Chang Er nang banggitin niya ang huling pangungusap. Dito na siya nagpakita ng malademonyong ngiti sa kaniyang mukha.Inisip ni Chas na isang mahirap na lalaki lang si Darryl kaya hinding hindi nito mababayaran ang helicopter. Inisip niyang magiging mabait na siya kung pakakawalan niya ito sa sandaling iwanan ni Darryl ang kasama nitong babae sa kaniya. “Hindi ako papayag sa gusto mo.” Agad na tinanggihan ni Darryl ang alok ni Chas nang walang pagaalinlangan. Matalino ang isang ito—inakala niya sana na makukuna niya si Chang Er sa pamamagitan nito. Agad namang nagba
Pero hindi napansin ni Chas na hindi manlang nagpapanic si Darryl sa mga sandaling ito. At sa halip ay pinanatili lang nito ang ngiti sa kaniyang mukha.Gustong matawa ni Darryl sa mga sandaling ito. Kung nagkataon nga naman! Inaalala ni Darryl kung paano niya matatawagan si Jade pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nagawa nitong tawagan si Chas. “Hey, Jade. Ano po ang maitutulong ko sa iyo?” magalang na sinabi ni Chas. “Well, hindi pa rin tapos ang autoshow pero mayroon na tayong problema ngayong araw.” Kahit na nagmula si Chas sa isang prominenteng pamilya, hanggang sa Rich Cloud City lang ang kayang abutin ng kanilang impluwensya. Habang si Jade naman ay isang kilalang negosyante sa Mistloren, ilang taon na rin siyang nakilala rito. Kaya hindi sila magkalevel sa totoo lang, ito ang dahilan kung bakit naging magalang si Chas kay Jade. “May problema?” Simangot ni Jade sa kabilang linya. “Ano ang naging problema?” Nasabik nang husto ang mga tao nang marinig nila ang pangal
Ngumiti si Darryl at sinabi kay Jade sa telepono na, “Wala namang problema. Nasira ko lang ang helicopter, pero ayaw akong paalisin ng parter mong si Chas. Gusto niyang ipadampot kaming dalawa ng kaibigan ko.” “Ano?” Halos tumiklop ang mga tuhod ni Jade sa kabilang linya nang marinig niya ito. Nanginig siya sa sobrang galit. “Paano nagawang bastusin ni Chas nang ganito si Darryl? Mukhang gusto na niyang mamatay!” Dito na nagmamadaling sinabi ni Chas na, “Ako na ang bahala rito. Pupunta na ako riyan.” Dito na huminto si Darryl sa pagsasalita bago ibato ang telepono kay Chas. Sinalo naman ni Chas ang telepono habang tumitingin kay Darryl, dito na siya nakaramdam ng pagkailang kay Darryl. Pagkatapos ng isang sandali, narinig ng lahat ang mga tunog ng mga yapak sa unang palapag ng mall. At pagkatapos ay nakita nila ang isang babaeng nagmamadaling naglalakad papunta sa ikalawang palapag kasama ang mga nakaitim na mga lalaking pumuwesto sa kaniyang paligid. Nakasuot ang babae
“Siya si Darryl?” Naging popular na ang pangalan ni Darryl noong mga nakalipas na taon. Siguradong narinig na siya ng kahit na sino sa siyam na kontinente sa mga sandaling ito.Dito na naconfuse ang mga tao sa paligid, nabablangko nilang tinitigan si Darryl sa sobrang gulat. “Mukhang siya nga talaga si Darryl—kaya pala ganoon na lang siya kaconfident kanina. Nagawa siyang tawagin maging ng Iron Lady bulang Daddy.” Pagkatapos ng ilang segundo, agad na nanginig ang boses ni Chas. Nagpakita ito ng bagsak na itsura habang nagmamakaawa sa harapan ni Jade. “Nagkamali ako, Jade—" “Wala ka nang dapat pang sabihin. Kanselado na ang kontrata namin sa inyo, mula ngayon ay wala na tayong collaboration sa auto show na ito.” Hindi na nagawa pang magisip ni Jade sa kung ano anong bagay nang dahil sa galit na kaniyang nararamdaman. “Tatawagan ka ng assistant ko mamaya para asikasuhin ang rescind ng ating contract.” “Wala na.” Nanginig ang buong katawan ni Chas na halos bumagsak na sa lupa
“Yumi.” Nahiya nang husto si Susan nang makita niya ang makalat na kuwarto. At pagkatapos ay napakagat na lang siya sa kaniyang labi habang bumubulong ng, “Huwag kang magalala. Hindi ako nagpunta rito para guluhin ka."Dahan dahang nilapitan ni Susan si Yumi at nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Bilang isang babae, naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman mo. Kung hindi ako nagkakamali ay gustong gusto mo nang patayin si Donoghue ngayon, tama?” Nanlalamig na tumingala si Yumi at nagtanong ng, “Ano ba ang gusto mong sabihin?” Dito na ngumiti si Susan habang sinasabi na, “Matutulungan kita kung gusto mong patayin si Donoghue.” Nakulong na rito si Susan. Alam niya na hindi siya makakalabas dito nang magisa, kaya nagpunta siya rito para kumbinsihin si Yumi. “Ano?” Dito na napaatras si Yumi. At pagkatapos ay pinagtawanan niya si Susan. “Nagaalok ka ba ng tulong sa akin? Hindi mo manlang matulungan ang sarili mo kaya paano mo naisip na magagawa mo akong matulungan? At bakit na
“Haha!” Nakarinig siya ng isang buong pusong tawa mula sa labas ng kaniyang kuwarto nang maihanda niya ang pagkain. Nakangiting pumasok si Donoghue sa kaniyang kuwarto habang sinasabi na, “Nandito na ako maganda kong binibini.” Mmm? Napangiti nang husto si Donoghue nang makita niya ang lamesang puno ng wine at pagkain pagpasok niya sa kuwarto—natigilan din siya rito. “Ano ang nangyayari? Bakit narapakarami ng mga pagkain dito?” “Kamahalan!” Pilit na ngumiti rito si Yumi. Naglakad siya palapit para hilahin ang isang upuan para kay Donoghue. “Kamahalan, ipinaghanda ko po kayo ng pagkain ngayon gabi. Batid ko po na pagod kayo sa buong araw na pamamahala sa kontinente kaya naisipan ko pong magluto ng pagkain at maghanda ng ilang inumin para sa iyo.” Nagpakita si Yumi ng takot sa kaniyang mukha si Yumi sa mga sandaling ito. “Napagisip isip ko po ang mga sinabi ninyo kaninang umaga at narealize ko po na tama nga po kayo. Kaya napagdesisyunan ko na pong manatili sa palasyong ito
“Wow!” Pinindot ni Yumi ang pindutan at agad niyang narinig ang isang tunog sa gitna ng ere. Isang kulay silver na karayom ang lumabas mula sa hairpin. Para itong isang beam ng nanlalamig na ilaw nang dahil sa naging reflection ng liwanag mula sa kandila, kasing bilis ng kidlat itong lumipad papunta sa puso si Donoghue. Makikita ang kaunting kulay ng asul sa karayom na ito, malinaw na ito ang lasong papatay kay Donoghue. Masyadong naging biglaan ang insidenteng ito kaya hindi na makakapagreact o makakailag pa rito si Donighue. Ping! Tumama ang kulay silver na karayom sa likuran ni Donoghue pero hindi ito tumagos sa kaniyang laman. Gumawa lang ito ng isang malutong na tunog bago tumalbog papunta sa sahig. “Ano?” Nanginig si Yumi sa kaniyang nakita, dito na tuluyang namutla ang kaniyang mukha. “Paano itong nangyari? Perpekto na ang ginawa kong plano. Bakit hindi tumagos sa kaniya ang karayom na iyon? Bakit ito tumalbog?” Dito na tumalikod si Donoghue para titigan si Yum
Nabigo ang kanilang plano. Nang makita ni Donoghue si Susan, malademonyong kumislap ang kaniyang mga mata habang nanlalamig na sinasabing, “Magkasabwat kayong dalawa tama? Ang lakas ng loob mo!” Kilala sa pagiging tuso at walang awa si Donoghue. Agad niyang naintindihan ang lahat, alam niya na parte si Susan ng tangkang pagpatay sa kaniya ngayong gabi. Walang lakas ng loob si Yumi na gawin ito nang magisa. “Ako—” Nabahala rito si Susan. Bahagyang naghiwalay ang mapupula niyang mga labi pero hindi siya makapagsalita ng kahit na ano. Slap! Wala nang gana si Donoghue ngayon na makipagusap kaya agad siyang naglakad paabante para biglang sampalin si Susan. Ginamit niya ang buo niyang lakas para sa sampal na iyon. Sumigaw at nanginig si Susan bago siya bumagsak sa lupa. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga kamay habang naiinis na tinitingnan si Donoghue.“Wala akong oras sa iyong hayop ka. Lumakas na ang loob mo kaya nagawa mo nang pagplanuhan ang pagpatay s