Nabigo ang kanilang plano. Nang makita ni Donoghue si Susan, malademonyong kumislap ang kaniyang mga mata habang nanlalamig na sinasabing, “Magkasabwat kayong dalawa tama? Ang lakas ng loob mo!” Kilala sa pagiging tuso at walang awa si Donoghue. Agad niyang naintindihan ang lahat, alam niya na parte si Susan ng tangkang pagpatay sa kaniya ngayong gabi. Walang lakas ng loob si Yumi na gawin ito nang magisa. “Ako—” Nabahala rito si Susan. Bahagyang naghiwalay ang mapupula niyang mga labi pero hindi siya makapagsalita ng kahit na ano. Slap! Wala nang gana si Donoghue ngayon na makipagusap kaya agad siyang naglakad paabante para biglang sampalin si Susan. Ginamit niya ang buo niyang lakas para sa sampal na iyon. Sumigaw at nanginig si Susan bago siya bumagsak sa lupa. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga kamay habang naiinis na tinitingnan si Donoghue.“Wala akong oras sa iyong hayop ka. Lumakas na ang loob mo kaya nagawa mo nang pagplanuhan ang pagpatay s
Isang ngiti ang nagpakita sa mga labi ni Donoghue. Nagsinungaling siya kay Florian na namatay si Yumi hindi dahil sa takot niya rito kundi dahil sa pangangailangan niya ng mga talentadong tao sa kaniyang paligid bilang bagong Emperor. “Yumi ko!” Nanginginig na sigaw ni Florian, dito na nagdilim ang kaniyang paningin at halos mahimatay na sa kaniyang kinatatayuan. “Hayop ka, Susan!” Dito na biglang naalala ni Florian ang isang bagay. Nagsara nang husto ang kaniyang mga kamao at nagngitngit ang kaniyang mga ngipin habang sinasabi na, “Dapat ko lang siyang patayin ngayong pinatay niya ang aking asawa. Personal ko siyang papatayin.” Namula ang mga mata ni Florian nang sabihin niya iyon. Napuno ng pumapatay na aura ang buo niyang katawan sa mga sandaling ito. Wala siyang ideya na niloloko lang pala siya ni Donoghue. Hindi pa patay si Yumi, nakakulong lang ito sa kaniyang kuwarto sa loob ng palasyo.Ugh! Napabuntong hininga na lang si Donoghue habang hinihikayat si Florian na. “Na
Nagngitngit ang mga ngipin ni Ambrose nang maisip niya kung ano ang mga nangyayari. Dito na niya binunot ang dala niyang patalim. Hindi na siya nagdalawang isip pa riot. Agad niyang hinawakan nang mahigpit ang patalim at agad na hiniwa ang kaniyang hita gamit ito—dito na sumirit ang sariwang dugo mula sa kaniyang sugat. Hiss! Napabuntong hininga si Ambrose nang maramdaman niya ang matinding sakit mula sa kaniyan ghiwa, mas gising na siya sa mga sandaling ito. Wala na siyang magagawa pa. Natatakot siya na baka madala siya sa ginagawa ni Eira, kaya naisip niya ang paraang ito para mapanatiling gising ang kaniyang isip.“Kuya Ambrose!” Mahigpit na niyakap ni Eira si Ambrose, parang nakaecstasy na ang mga mata nito nang makita ito ni Ambrose. Umihip ng maligamgam na hangin si Eira kay Ambrose, dito na nangati ang kaniyang tainga na hindi nakapagpakumportable sa kaniyang pakiramdam.“Kumapit ka lang Eira. Matatapos din iyan.” Nagngitngit ang mga ngipin ni Ambrose, parang hindi n
Nabahala nang husto si Aurora nang maisip niya ang posibilidad na ito, nagpatuloy siya sa pagdadasal habang papalapit nang papalapit sa kuweba. “Pakiusan, Diyos ko, tulungan mo po sina Eira at Ambrose. Huwag niyo pong hayaan na may mangyari sa kanilang dalawa.” Napansin ni Megan ang itsura ni Aurora. “Aurora.” Naglakad si Megan palapit kay Aurora, hindi na niya maitago ang panunukso sa sumisinghal niyang mukha. Mahina niyang sinabi na, “Huwag ka nang magdasal. Alam mo namang walang kahit na sino ang makakatiis sa love potion na iyon hindi ba?” “Sandali na lang at mapapanood mo na rin ang palabas ng iyong anak. Siguradong pasisikatin nito ang anak mo sa siyam na mga kontinente!” Tawa ni Megan. Makikita ng kahit na sino ang matinding hinanakit sa kaniyang mga mata. “Ninakaw mo sa akin ang aking Darryl at ipanganak ang hayop na ito sa nang dahil sa kaniya. Dapat lang na malaman mo ang kapalit nito.” “Ikaw—" Dito na namula ang mukha ni Aurora habang nanginginig ang kaniyang
Nagkomento ang lahat sa bagay na iyon. Dito na nanginig si Aurora habang napapaatras ng dalawang beses, malinaw na makikita ng lahat ang pamumutla sa maganda niyang mukha. “Grabe! Tapos na sila. Hindi na ba nakapagtimpi sa kanilang mga sarili sina Ambrose at Eira kagabi?” Magkapatid silang dalawa kaya ano na lang ang mukhang maihaharap nila sa ibang tao sa sandaling kumalat ang balitang ito?” Naistress nang husto si Aurora nang maisip niya kung ano ang maaaring mangyari, dito na nagdilim ang kaniyang paningin na bang malapit nang mawalan ng malay. Natutuwa namang ngumiti si Megan nang makita niya ang reaksyon ng lahat. Nagawa pa nga ng ilang mga tigasing tao sa paligid na sumigaw kay Megan ng, “Alliance Master! Dalian mo nang buksan ang pinto!” “Oo nga! Tingnan natin. Siguradong may kapanapanabik na nangyari sa loob ng kuwebang ito kagabi.” “Oo nga, halika na!” Tinanggal ni Megan ang ngiti sa kaniyang mukha at tumingin sa kaniyang paligid nang marinig niya iyon, dito na
“Ano?” Nagblangko ang isipan ni Ambrose na para bang tinamaan siya ng kidlat. Dito na siya blangkong napatingin sa natutulog nang mahimbing na si Eira. “Kapatid ko si Eira? Paano itong nangyari?” “Hindi! Hindi ito maaari, siguradong kasama sa madilim na plano ni Megan na sabihin ito para makita niya akong nagdurusa. Hinihila niya ang paa ko paibaba para ipahiya ako sa lahat.” Nagalit nang husto si Ambrose sa loob ngisang sandali at pagkatapos ay sumigaw siya sa batong pinto ng, “Manahimik ka! Hinding hindi kita mapapatawad sa kalokohang pinagsasabi mo.” “Hindi puwedeng maging anak ni Darryl si Eira! Hindi…” Nakabuo na ng plano kagabi si Ambrose. Sa sandaling makaalis sila ng Mt. Emei, isasama niya si Eira at ang ina nito pabalik ng Palasyo sa New World. At pagkatapos ay hihingi siya ng pahintulot kay Lord Kenny na pakasalan si Eira hanggang sa mabuhay sila nang masaya hanggang kamatayan. Masyadong naging biglaan ang balita na ang babae na kaniyang minamahal ay ang nakabab
Huminga nang malalim si Ambrose habang nanlalamig na sinasabing, “Puwede bang tigilan mo na ang kalokohan mo, Megan? Alam ko na ang bagay na sinusubukan mong gawin. Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang gusto mo!” Hindi mangmang si Ambrose, alam niya na sinasadya itong gawin ni Megan. Bakit nga ba nito isasama ang iba’t ibang mga sekta sa kuwebang ito? Gusto niyang ipahiya sina Ambrose at Eira. “Sinabi niyang katatanggap tanggap niya lang sa balita tungkol sa tunay na ama ni Eira? Kalokohan!” Nagsisi nang husto si Ambrose na itinuring niyang kaibigan si Megan na nagudyok sa kaniyang pumunta sa palasyo ng North Moana para iligtas ito.Tumawa naman si Megan at nagtatagumpay na ngumiti sa mga sandaling ito. Sawa na siyang makipaglokohan kaya sinabi na niyang, “Nagkakamali ka riyan, wala akong gusto na kahit ano. Nakokonsensya talaga ako noong malaman ko ang nararamdaman mo kay Eira. Naisip ko lang na gusto kong makatulong kagabi pero nagkamali talaga ako sa ginawa kong ito. Nandi
Karapat dapat nga si Ambrose na maging anak ni Darryl. Maraming beses nang nagmukhang masama si Darryl sa mata ng lahat, pero wala naman siyang ginawa na kahit na anong pagkakamali noon. Itinayo ni Darryl ang Elysium Gate Sect sa batang edad na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa mundo ng mga cultivator sa World Universe. Pinuri niya ang mga mababait at pinarusahan ang masasama. Pinamunuan niya rin ang Elysium Gate, Flower Mountain, at Eternal Life Palace Sect noong depensahan nila ang World Universe sa pananakop na ginawa ng New World.Masyado pang bata si Ambrose pero hindi pa rin ito naging inferior kay Darryl. Sabagay, kagaya nga ng kasabihang—like father like son! Nanginig si Megan at ang mga elite mula sa iba’t ibang mga sekta. Napakagat na lang sa kaniyang labi si Megan habang humahangang tinititigan si Ambrose. Napansin niya ang libolibong mga hiwa sa katawan ni Ambrose at ang namumula sa dugo nitong mga damit. Namutla at nanginig ang buo nitong katawan pero nagawa niy