Nagkomento ang lahat sa bagay na iyon. Dito na nanginig si Aurora habang napapaatras ng dalawang beses, malinaw na makikita ng lahat ang pamumutla sa maganda niyang mukha. “Grabe! Tapos na sila. Hindi na ba nakapagtimpi sa kanilang mga sarili sina Ambrose at Eira kagabi?” Magkapatid silang dalawa kaya ano na lang ang mukhang maihaharap nila sa ibang tao sa sandaling kumalat ang balitang ito?” Naistress nang husto si Aurora nang maisip niya kung ano ang maaaring mangyari, dito na nagdilim ang kaniyang paningin na bang malapit nang mawalan ng malay. Natutuwa namang ngumiti si Megan nang makita niya ang reaksyon ng lahat. Nagawa pa nga ng ilang mga tigasing tao sa paligid na sumigaw kay Megan ng, “Alliance Master! Dalian mo nang buksan ang pinto!” “Oo nga! Tingnan natin. Siguradong may kapanapanabik na nangyari sa loob ng kuwebang ito kagabi.” “Oo nga, halika na!” Tinanggal ni Megan ang ngiti sa kaniyang mukha at tumingin sa kaniyang paligid nang marinig niya iyon, dito na
“Ano?” Nagblangko ang isipan ni Ambrose na para bang tinamaan siya ng kidlat. Dito na siya blangkong napatingin sa natutulog nang mahimbing na si Eira. “Kapatid ko si Eira? Paano itong nangyari?” “Hindi! Hindi ito maaari, siguradong kasama sa madilim na plano ni Megan na sabihin ito para makita niya akong nagdurusa. Hinihila niya ang paa ko paibaba para ipahiya ako sa lahat.” Nagalit nang husto si Ambrose sa loob ngisang sandali at pagkatapos ay sumigaw siya sa batong pinto ng, “Manahimik ka! Hinding hindi kita mapapatawad sa kalokohang pinagsasabi mo.” “Hindi puwedeng maging anak ni Darryl si Eira! Hindi…” Nakabuo na ng plano kagabi si Ambrose. Sa sandaling makaalis sila ng Mt. Emei, isasama niya si Eira at ang ina nito pabalik ng Palasyo sa New World. At pagkatapos ay hihingi siya ng pahintulot kay Lord Kenny na pakasalan si Eira hanggang sa mabuhay sila nang masaya hanggang kamatayan. Masyadong naging biglaan ang balita na ang babae na kaniyang minamahal ay ang nakabab
Huminga nang malalim si Ambrose habang nanlalamig na sinasabing, “Puwede bang tigilan mo na ang kalokohan mo, Megan? Alam ko na ang bagay na sinusubukan mong gawin. Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang gusto mo!” Hindi mangmang si Ambrose, alam niya na sinasadya itong gawin ni Megan. Bakit nga ba nito isasama ang iba’t ibang mga sekta sa kuwebang ito? Gusto niyang ipahiya sina Ambrose at Eira. “Sinabi niyang katatanggap tanggap niya lang sa balita tungkol sa tunay na ama ni Eira? Kalokohan!” Nagsisi nang husto si Ambrose na itinuring niyang kaibigan si Megan na nagudyok sa kaniyang pumunta sa palasyo ng North Moana para iligtas ito.Tumawa naman si Megan at nagtatagumpay na ngumiti sa mga sandaling ito. Sawa na siyang makipaglokohan kaya sinabi na niyang, “Nagkakamali ka riyan, wala akong gusto na kahit ano. Nakokonsensya talaga ako noong malaman ko ang nararamdaman mo kay Eira. Naisip ko lang na gusto kong makatulong kagabi pero nagkamali talaga ako sa ginawa kong ito. Nandi
Karapat dapat nga si Ambrose na maging anak ni Darryl. Maraming beses nang nagmukhang masama si Darryl sa mata ng lahat, pero wala naman siyang ginawa na kahit na anong pagkakamali noon. Itinayo ni Darryl ang Elysium Gate Sect sa batang edad na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa mundo ng mga cultivator sa World Universe. Pinuri niya ang mga mababait at pinarusahan ang masasama. Pinamunuan niya rin ang Elysium Gate, Flower Mountain, at Eternal Life Palace Sect noong depensahan nila ang World Universe sa pananakop na ginawa ng New World.Masyado pang bata si Ambrose pero hindi pa rin ito naging inferior kay Darryl. Sabagay, kagaya nga ng kasabihang—like father like son! Nanginig si Megan at ang mga elite mula sa iba’t ibang mga sekta. Napakagat na lang sa kaniyang labi si Megan habang humahangang tinititigan si Ambrose. Napansin niya ang libolibong mga hiwa sa katawan ni Ambrose at ang namumula sa dugo nitong mga damit. Namutla at nanginig ang buo nitong katawan pero nagawa niy
Nanginig dito si Megan. Napakagat siya sa kaniyang labi habang pinapanood ang pagalis nina Ambrose, Eira at Aurora sa bundok. Naguluhan siya nang husto kaya nakalimutan na niyang utusan ang kaniyang mga tauhan na habulin ang mga ito. Sa mga sandaling iyon, gustong patayin ni Megan ang tatlo pero hindi pa rin niya mabuo ang kaniyang desisyon. Pagkatapos ng ilang minute ay tumingin siya sa direksyon na dinaanan ng tato, napakagat siya sa kaniyang labi habang mahinang sinasabi na, “Tanggap ko kung gusto mong maghiganti sa akin. Pero hindi ko pagsisisihan kailanman ang mga desisyon na ginawa ko sa aking buhay!” … Samantala, sa Forgotten Valley kung saan nagtatagpo ang mga kontinente ng New World, World Univese at Middle Terra. Isang babae ang tahimik na nakaupo sa loob ng isang hall habang nabablangkong inoobserbahan ang kaniyang paligid. Nakasuot ito ng isang mahaba at kulay puting dress na nagpakita sa magandang hubog ng kaniyang katawan—na sinamahan pa ng napakaganda niyang
Sige! Tango ng parang nakumumbinsing si Debrea, “Naaksidente pala ako kaya nawala ang aking memorya. Kaya pala wala akong maalala na kahit na ano.”Pinagisipan ito nang husto ni Debra habang buong galang na makipagusap kay Venus. “Ikinagagalak kong makilala ka, Master.” Hindi pa rin nagbago ang kaniyang pagkatao kahit na wala siya siyang ideya na kahit ano sa kaniyang nakaraan. Isang matalino at resonableng tao si Debra kaya agad niyang nirespeto at hinangaan si Venus nang makita niya ito biglang kaniyang master. Ano? Sumasangayon namang tumango si Venus nang makita na siya ni Debra bilang kaniyang Master. “Kailangan mo nang magpahinga, Debra. Tandaan mo na kailangan mong manatili sa valley kaya hindi ka maaaring umalis nang walang pahintulot mula sa akin.” Nagmukhang kalmado si Venus nang sabihin niya iyon nang parang walang pakialam pero nasabik pa rin siya nang husto sa kaniyang sarili. “Magaling. Nagawa kong mapaisip sa kilalang Sect Master ng Artemis Sect na ako ang k
Nagmukhang awkward ang magandang supercar na ito nang dahil sa makalumang tanawin sa kalsadang iyon. Isang babae at lalaki ang makikitang nakasakay sa sasakyan. Guwapo at naging maporma ang lalaki habang naging kaakit akit naman sa ganda ang babae—sila ay walang iba kundi sina Darryl at Chang Er. Matapos nilang makita si Jade sa Rich Cloud City ng Mistloren. Mabilis na umalis si Darryl kasama ni Chang Er. Binigyan siya ni Jade ng pinakasikat at pinakamagandang Ferrari na may kulay ng pula sa auto show bago sila umalis papuntang North Moana. Hindi manlang tinanggihan ni Darryl ang alok ni Jade dahil nagmula naman sa kumpanya niya ang sasakyang ito, kaya agad siyang umalis sakay nito. Matapos ng ilang oras ng pagmamaneho ay nakarating na rin sila sa North Moana. Noong una ay nasabik si Darryl na idrive ang supercar na iyon kasama si Chang Er. Gustong gusto ng kahit na sinong mayamang lalaki na magsakay ng magagandang babae sa nagagandahan nilang mga sasakyan. At nagkaroon si Da
Napakagat na lang sa kaniyang labi si Chang Er. Inisip nyia na tahimik siyang makakabalik sa Royal City para makipaglaban at linisin ang kaniyang pangalan bago planuhin ang pagbabalik sa kaniyang trono mula sa Yang Jian. Pero hindi niya inaasahan na makakaharap nila ang Howling Celestial Dog sa sandaling makarating sila sa North Moana. Huminga nang malalim si Darryl nang marinig niya ang mga sinabi ni Chang Er. Hindi na niya maitago pa sa kaniyang sarili ang pagkagulat. “Nahanap ako nang asong iyan nang dahil sa aking amoy? Isa nga talagang mahiwagang halimaw ng Yang Jian ang Howling Celestial Dog—masyadong kamangha mangha ang kakayahan nitong maghanap.” Naramdaman ni Darryl ang pagsuko sa kaniyang sarili habang mapait na ngumingiti at sinasabing. “Ito na ang katapusan natin. Wala na tayong matatakbuhan ngayong nahanap na tayo ng Howling Celestial Dog.”“Sumimangot si Chang Er nang bigla niyang maalala ang isang bagay. Tumingin siya kay Darryl at sianbing, “Hindi ba’t sinabi mo