Umiyak ang Howling Celestial Dog habang nalalanghap ang anghang ng chili powder. At pagkatapos ay agad na kumurba ang dambuhala nitong katawan bago bumagsak nang malakas sa lupa kung saan ito nagpagulong gulong nang walang tigil. Hindi pa rin isang walang kapantay na halimaw ang Howling Celestial Dog. Mas naging malakas lang ito kaysa sa ibang mga mahiwagang halimaw na kaniyang kalevel, at nakilala lang din ito nang dahil sa galing nito sa paghahanap. Tama nga si Pang Tong—magagawa lang na mahanap ng Howling Celestial Dog ang iba’t ibang bagay sa pamamagitan ng sensitive nitong ilong, kaya ang ilong ito ay ang naging lakas at kahinaan ng halimaw. Mas naging matindi ang epekto ng chili powder sa mga sariwang sugat na tinatamaan nito. Natawa si Darryl habang ipinapalakpak ang kaniyang mga kamay, dito na gumanda ang kaniyang mood. “Ano naman kung ikaw ang Howling Celestial Dog ni Yang Jian? Hindi mo manlang malabanan ang isang bote ng chili powder na iwinisik ko sayo.” “Ano?”
“Lady Chang Er!” Binuksan ni Darryl ang pintuan ng sasakyan at nakangiting tumingin kay Chang Er. “Naubusan na ng gasolina ang sasakyan kaya hindi na natin ito magagamit pa. Kinakailangan na nating maglakad kung ok lang sa iyo, hindi na rin kita mabubuhat na parang ginawa ko s aiyo noon.” Agad na nagblush ang magandang mukha ni Chang Er nang marinig niya iyon, nakaramdam siya ng hiya sa kaniyang sarili. “Mas nagiging direkta at palabiro si Darryl nitong mga nakaraang araw.” Buzz…Bago pa man makapagsalita si Chang Er, nagulat siya nang maramdaman niya ang pagyanig ng lupa bago magpakita ang isang butas mula sa ilalim. Dito na biglang nagpakita ang isang maliit na imahe sa kanilang harapan. Nagmukhang malaswa at malungkot ang taong ito na naglabas ng isang nakakatakot na aura. Siya ay walang iba kundi si Tu Xingsun.Bwisit… Natigilan at nasurpresa rito si Darryl. Isang kakaibang tao si Tu Xingsun—nagpapakita at nagpupunta ito kung saan man niya gustuhin. “Lady Chang
Si Empress Chang Er ay isang noble na Moon Palace Fairy. Kaya paano niya magagawang magkamali nang ganoon? Napakainteresante ng bagay na ito! "Ahem..." Matapos ng ilang segundo, inayos ni Darryl ang kaniyang lalamunan at nakangiting tiningnan si Tu Xingsun. “Mayroon akong nickname na hubby. Matagal din kaming nagkasama ni Lady Chang Er kaya hindi naman problema kung tatawagin niya ako sa palaayaw ko hindi ba?” Kahit na palagi siyang minamaliit ni Chang Er, siya pa rin si Lady Chang Er. Gustong ibalik ni Darryl ang dignidad na nawala rito. Mmm... Niyuko ni Chang Er ang kaniyang ulo at mahinang sumagot, pero hindi na niya nagawa pang tingnan ang mga mata ni Darryl. Nagulat naman dito si Tu Xingsun. “Oh, kung ganoon ito pala ang dahilan kung bakit tinawag ka niyang hubby.” “Pero masyadong kakaiba ang palaayaw na iyon. Paano matatawag ng isang lalaki ang kaniyang sarili na hubby nang hindi nahihiya ng kahit kaunti?” Nagisip si Tu Xingsun habang nakatingin kay Chang Er. Dito
Planado n ani Chang Er ang lahat. Sa sandaling makabalik siya sa palasyo, agad niyang ipapatawag ang lahat mg opisyal sa labas ng city bago utusan si Darryl na sabihin sa kanilang lahat na hindi siya ang may kasalanan sa pagkamatay ni Emperor Hou Yi. Gusto niyang mapatunayan na inosente siya sa nangyaring iyon. Hindi naman agad na sumagot dito si Darryl, wala na siyang nagawa kundi huminga nang malalim dito. Naiintindihan niya ang gustong mangyari ni Chang Er pero kinakailangan niya munang itaya ang kaniyang buhay kung magdedesisyon siyang bumalik sa Royal City. Siguradong nagbaba na ng kautusan si Yang Jian na hulihin siya.At nagawa niya ring gumamit ng chili powder para saktan ang Howling Celestial Dog ni Yang Jian. Sa sandaling malaman nito ang katotohanan, siguradong agad siyang aatakihin ni Yang Jian sa sandaling makita niya si Darryl. Paano na lang mapipigilan ni Darryl si Yang Jian sa sandaling mangyari iyon? Nahiya naman si Darryl na sabihin ang kaniyang naiisip. Inisip
Nang biglang makita ni Darryl ang isang sexy na babae sa gitna ng mga disipulo ng Celestial Wood Altar! Ito ay walang iba kundi si Yvette! Nasabik nang husto si Darryl nang makita niya ito habang nakakaramdam ng konsensya sa kaniyang sarili. Marami nang sinakripisyo si Yvette para sa kaniya pero hindi niya ito nagawang masamahan noong makaranas ito ng matinding desperasyon. Nakita rin ng mga disipulo ng Holy Saint Sect si Darryl at ang dalawa nitong mga kasama. Napatitig na lang ang mata ng mga ito sa kaniya habang ipinapakita ang nasusurpresang itsura sa kanilang mga mukha. “Si Darren? Hindi ba’t namatay na siya noong mahulog siya sa bangin? Paano siya nabuhay?”Isang buwan na ang nakalilipas mula noong linlangin ng pinakasenior na disipulo ng Ryukin Gold Altar si Darryl kaya siya nahulog sa isang matarik na bangin sa likod ng isang bundok. Tinake advantage ni Tina ang pagiging hindi maingat ni Darryl at agad siyang itinulak sa bangin. Inakala ng lahat na patay na si Darryl.
Buong tuwa ring binati si Darryl ng mga disipulo ng Holy Saint Sect. “Kuya Darren!” “Mabuti naman at ok ka lang, kapatid! Mabuti kung ganoon!” “Oo nga, hindi kami makapaniwala noong marinig naming nahulog ka raw sa bangin—" Ngumiti at bumati si Darryl sa kanila habang pinapawi ang pagaalala ng mga ito sa kaniya. Nanginig naman sa kaniyang nakita ang tahimik na si Chang Er sa sobrang gulat. “May koneksyon si Darryl sa Holy Saint Sect.” Bilang isang Empress, natural lang na malaman ni Chang Er ang tungkol sa Holy Saint Sect. Isa itong sekta na palaging lumalayo sa usapin ng mundo kaya nasurpresa siya nang makita niya ang pakikitungo ng mga ito kay Darryl. Paano nila ito nagawang makilala? Dahan dahang naglakad paabante si Diana habang nakangiting sinasabi kay Darryl na. “Darren? Natutuwa ako dahil nakita kitang ligtas matapos ng pangyayaring iyon.” Dito na tinanong ni Diana si Darryl, “Ano ang nangyari? Bakit ka nga ba nagpunta sa likod ng bundok at nahulog sa bangin?”
Bahagyang ngumiti si Darryl habang nanlolokong tinitingnan si Tina. “Napakainteresante! Nagawa ninyo itong gawin sa akin pero hindi niyo pa rin maamin ang mga nagawa ninyong pagkakamali. Mukhang ito lang ang nagiisang bagay na kayang gawin ng mga disipulo ng Ryukin Gold. Dapat niyo nga akong tawagin na Daddy hanggang ngayon.”“Ikaw—" Dito na namula ang mukha ni Tina, pero hindi pa rin siya makahanap ng mga salita na kaniyang magagamit para sagutin ito. Sabagay, walang kahit na sino ang magkakaroon ng confidence para sumagot matapos gumawa ng ganoon katinding bagay. Dito na nakaisip ng isang ideya si Tina, suminghal siya kay Darryl habang sinasabi na, “Walang tigil mong pinagpipilitan na ako ang nagdala sa iyo sa likuran ng bundok para itulak ka sa bangin. Mayroon ka bang ebidensya? O saksi na magpapatunay sa mga sinasabi mo?” Dito na napatingin ang lahat kay Darryl. Uh… Natigilan dito si Darryl, nagdikit ang kaniyang mga kilay habang iniiling ang kaniyang ulo at sumasagot
”Aking alagad, ikaw ba ang Sect Master ng Elysium Sect? Mababa at nangingnig ang boses at katawan ni Diana nang magtanong. “Oo!” Mapait na ngumiti si Darryl habang nakatingin ito kay Diana nang may mapagkumbabang tingin sa mukha. “Patawad Master. Sa kasamaang palad ay pinilit akong itago ang aking pagkatao.” Walang naramdaman na kahit ano si Darryl para kay Diana bilang kaniyang master. Pero nang tumayo ito sa harapan ni Alan para protektahan siya ay nakita niya ang babae bilang kaniyang magandang master. Nang sandaling iyon ay sabik na pumalibot sa dalawa ang mga alagad ng Celestial Wood Altar. Ang nakakatandang si Sister Donna ang pinaka nasabik sa lahat. “Nakababatang kapatid, lumalabas na ikaw si Darryl; hindi nakapagtatakang marami kang kaalaman.” “Hindi ko inakalang mayroong prominenteng nakaraan ang nakababata kong kapatid.”“Well, nagtaka ako kung bakit napakalakas ng isang mangingisda. Natalo rin sa pustahan laban dito ang Altar Master…” Hindi naitago ng mga alaga