Kabanata 1892
Planado n ani Chang Er ang lahat. Sa sandaling makabalik siya sa palasyo, agad niyang ipapatawag ang lahat mg opisyal sa labas ng city bago utusan si Darryl na sabihin sa kanilang lahat na hindi siya ang may kasalanan sa pagkamatay ni Emperor Hou Yi. Gusto niyang mapatunayan na inosente siya sa nangyaring iyon.

Hindi naman agad na sumagot dito si Darryl, wala na siyang nagawa kundi huminga nang malalim dito.

Naiintindihan niya ang gustong mangyari ni Chang Er pero kinakailangan niya munang itaya ang kaniyang buhay kung magdedesisyon siyang bumalik sa Royal City. Siguradong nagbaba na ng kautusan si Yang Jian na hulihin siya.

At nagawa niya ring gumamit ng chili powder para saktan ang Howling Celestial Dog ni Yang Jian. Sa sandaling malaman nito ang katotohanan, siguradong agad siyang aatakihin ni Yang Jian sa sandaling makita niya si Darryl. Paano na lang mapipigilan ni Darryl si Yang Jian sa sandaling mangyari iyon?

Nahiya naman si Darryl na sabihin ang kaniyang naiisip. Inisip
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP