Bahagyang ngumiti si Darryl habang nanlolokong tinitingnan si Tina. “Napakainteresante! Nagawa ninyo itong gawin sa akin pero hindi niyo pa rin maamin ang mga nagawa ninyong pagkakamali. Mukhang ito lang ang nagiisang bagay na kayang gawin ng mga disipulo ng Ryukin Gold. Dapat niyo nga akong tawagin na Daddy hanggang ngayon.”“Ikaw—" Dito na namula ang mukha ni Tina, pero hindi pa rin siya makahanap ng mga salita na kaniyang magagamit para sagutin ito. Sabagay, walang kahit na sino ang magkakaroon ng confidence para sumagot matapos gumawa ng ganoon katinding bagay. Dito na nakaisip ng isang ideya si Tina, suminghal siya kay Darryl habang sinasabi na, “Walang tigil mong pinagpipilitan na ako ang nagdala sa iyo sa likuran ng bundok para itulak ka sa bangin. Mayroon ka bang ebidensya? O saksi na magpapatunay sa mga sinasabi mo?” Dito na napatingin ang lahat kay Darryl. Uh… Natigilan dito si Darryl, nagdikit ang kaniyang mga kilay habang iniiling ang kaniyang ulo at sumasagot
”Aking alagad, ikaw ba ang Sect Master ng Elysium Sect? Mababa at nangingnig ang boses at katawan ni Diana nang magtanong. “Oo!” Mapait na ngumiti si Darryl habang nakatingin ito kay Diana nang may mapagkumbabang tingin sa mukha. “Patawad Master. Sa kasamaang palad ay pinilit akong itago ang aking pagkatao.” Walang naramdaman na kahit ano si Darryl para kay Diana bilang kaniyang master. Pero nang tumayo ito sa harapan ni Alan para protektahan siya ay nakita niya ang babae bilang kaniyang magandang master. Nang sandaling iyon ay sabik na pumalibot sa dalawa ang mga alagad ng Celestial Wood Altar. Ang nakakatandang si Sister Donna ang pinaka nasabik sa lahat. “Nakababatang kapatid, lumalabas na ikaw si Darryl; hindi nakapagtatakang marami kang kaalaman.” “Hindi ko inakalang mayroong prominenteng nakaraan ang nakababata kong kapatid.”“Well, nagtaka ako kung bakit napakalakas ng isang mangingisda. Natalo rin sa pustahan laban dito ang Altar Master…” Hindi naitago ng mga alaga
Lady Chang Er? Kaagad na tumingin kay Chang Er ang lahat. Gulat na gulat at hindi makapagsalita ang mga ito.Gulat na gulat si Alan. Makalipas ang ilang segundo at nag-react ito at tiningnan si Tu Singsun. “At ikaw ay si—” Mapanghinala ang mgatingin ni Alan kay Xu Tingsun. Si Lady Chang Er ay ang Empress na hindi masyadong nakikipaghalubilo. Siya ang Moon Palace fairy na hinangaan ng lahat. Sa palasyo ito nakatira mula noon. Paano ito matatagpuan sa ganoong lugar o di kaya’y kasama ni Darryl? Mahirap din itong paniwalaan para sa ibang mga alagad ng Hol Saint Sect. Pero bago pa man makapagtanong ng marami si Alan ay inantala ito ni Tu Xingsun. “Ako si Tu Xingsun, at narito ako para protektahan ang Empress.” Tumingin ito kay Alan at malamig na nagtanong. “Ano? Kinukwestyon mo ba ang pagkatao ng Empress sa iyong mga naitanong?” Narinig ang boses nito sa buong lugar kahit na hindi ito malakas. Naglabas ng matalas na paghinga si Alan at mabilis nitong kinuway ang kaniyang kam
Mariing kinagat ni Yvette ang kaniyang labi habang naiinis itong nakatingin kay Darryl. Galit nitong pinadyak ang kaniyang mga paa. “Bakit kasama mo si Chang Er? Anong relasyon ninyo?” “Ako—” Walang magawa si Darryl, pero mabilis nitong pinakalma si Yvette. “Mahal kong Yvette, please huwag mo akong pag-isipan ng masama. Wala akong relasyon kay Chang Er, pero marami akong nakaharap na kaguluhan kasama siya nitong mga nakaraang araw. Ipapaliwanag ko sayo ito mamaya.” Huminto sa pagsasalita si Yvette matapos nitong marinig ang paliwanag ni Darryl. Nagtipon sina Diana at ang mga alagad ng Celestial Wood Altar para makipag-usap kay Darryl. Tama ang hula ni Darryl na bumaba mula sa bundok ang mga alagad ng Holy Saint Sect para sa isang paglalakbay. Pabalik na ang mga ito bago iyon matapos. Matapos ang pagbati sa isa’t isa ay sinundan ni Darryl si Diana at ang ang iba pa para bumalik sa Holy Saint Sect. Puamyag si Chang Er na sumama sa lalaki matapo ang sandaling pag-iisip. Is
nagulat si Darryl. Napaatras ito. Ang Daoist na pangalan ni Lu Dongbin ay Chun Yangzi—ang Grandmaster ng Daoism. Kilala ng lahat si Lu Dongbin.Hindi nakapagtatakang mayroong mystical na aura ang Holy Saint Sect, malaya at magaan ang pagkatao ng karamihan sa kanilang mga alagad. Iyon pala, ang kanilang Saint Master ay si Chun Yangzi—na si Lu Dongbin. Tama. Ang kanilang Saint Master ay walang iba kundi ang sikat na si Chun Yangzi sa Daoism—Lu Dongbin.Kagaya nina Zhurong at ng Divine Farmer sa Mount Buzhou, hindi naiba si Lu Dongbin sa mga kaganapan sa mundo. Tapat ito sap ag-ntindi sa mga prinsipyo sa buhay. Kaya naman binuo nito ang Holy Saint Sect at ipinagbawal nito ang kaniyang mga alagad na sumali sa kahit na anong digmaan o kaguluhan sa mundo ng mga cultivator.Bilang kilalang tao sa Daoism, magkaibigan sina Lu Dongbin at Chang Er, pero gustong mag cultivate at mag medidate sa seklusyon ni Lu Dongbin. Kaya naman, matagal na panahon na ang nakalipas nang huling magkita an
”Lady Chang Er!” Pagkaupo ni Lu Dongbin at tinanong nito si Chang Er habang nakangiti. “Bakit hindi ka nanatili sa palasyo at enjoy-in ang kayamanan mo, pero pinili mong magtungo sa Holy Saint Sect?” Isang buong taong nag-cultivate si Lu Dongbin at bihira itong magtanong tungkol sa kaganapan sa mundo. Kaya naman, wala pa rin itong ideya sa pagkamatay ni Emperor Hou Yi at si Yang Jian ang pumalit dito. Nagbago ang sitwasyon a Palasyo ng North Moana. Ugh! Nagbuntong hininga si Chang Er at dahan dahan nitong pinaliwanag ang kaniyang sitwasyon. “Patay na ang kamahalan at si Yang Jian na ang nakaupo sa trono. Ipinag-utos nito sa buong lugar na arestuhin ako…” Ilang minutong ipinaliwanag ni Chang Er ang mga detalye. Siyempre, hindi nito sinabing may gusto sa kaniya si Yang Jian at gusto siyang makuha nito. Isa pa, naisip ng babae na nakakahiya iyon. Whoa! Agad na nagkalugo sa buong hall. Walang emosyong nakatitig kay Darryl ang lahat; Walang masabi ang mga ito. “Oh, pinatay b
Ito ang nanay ni Yvette—ang Empress ng New World.“Hindi mo maaaring pagsilbihan si Chang Er, Darryl.” Sambit nito kay Chang Er nang pumasok sa main hall ang babae. Mariin at hindi matatanong ang tunog nito.Swoosh!Sorpresang tumingin ang lahat sa Empress ng New World.‘Bakit siya pumunta rito nang hindi iniimbita.?’Nagulat si Lu Dongbin; inobserbahan nito ang Empress ng New World bago binuksan ang bibig para magsalita.“Ikaw ay—”Kakatapos lamang nito sa kaniyang secluded cultivation at unang beses pa lamang niyang nakita si Darryl. Kaya naman hindi nito kilala ang Empress ng New World.Humakbang ng malaki si Alan at nagsalita. “Saint Master, ito ang biyenan ni Darryl. Kinu-konsiderang pamilya siya ng mga tauhan.”Pagtapos ay lumingon si Alan sa New World Empress at malamig na angsalita. “Napakatapang mo! Nag punong abala ang Kamahalan para sa mga nakakahangang mga bisita. Isang babae ka lamang; sino ka para bastos na pumasok dito? Hindi mob a alam ang mga tuntunin? Umalis k
”Darryl, magmula ngayon ay si Yvette lang ang maaari mong makasama. Hindi kita papayagang lumapit sa ibang babae. Hindi mo maaaring pagsilbihan si Chang Er.” Malamig na sabi ng Empress ng New World.‘Hayop!’Hindi alam ni Darryl kung matatawa o maiiyak ba siya.‘Palaging mababa ang tingin niya sa akin, hindi nito kailanman kinilala ang relasyon namin ni Yvette. Bigla nitong binago ang kaniyang pag-uugali dahil nandito na si Chang Er.’Talagang walang masasabi ang tao rito.Ngunit sa madaling salita, natural lamang na protektahan ng isang ina ang kaniyang anak.Mayroon lamang katahimikan!Nang sandaling iyon ay napakatahimik sa buong main hall; malinaw na maririnig kahit na ang pagbagsak ng isang pin.Tiningnan ni Alan ang Empress ng New World dahil sa pagkalito. Namula ang mukha nito; walang masabi ang lalaki. Naisip nitong isang hindi edukadang babae ang nasa kaniyang harapan; ngunit hindi nito inakalang isa palang mataas at makapangyarihang Empress ng New World ang babae. Kun