Blue at Purple level ang karamihan sa mga sandata. Walang nakitang kahit anong grand weapon si Darryl.Gayunpaman, nakaramdam ng hilo si Darryl at umikot ang kaniyang ulo nang makita nito ang kayamanan. Nagulat ang lalaki.Ito nga ang silid ng mga kayamanang koleksyon ni Emperor Hou Yi. Paniguradong magugulat ang mga lipunan sa siyam na kontinente kung makikita nila ito.Matapos magulat nang higit sampung segundo ay inayos ni Darryl ang kaniyang isipan at naalala ang dahilan kung bakit siya naroon.Narito ako para kolektahin ang Imaginative Image Pill. Bakit ako namangha sa mga kayamanang ito? Kahit gaano pa karami ang kayamanang naroon ay wala ito kumpara sa isang hibla ng buhok ni Lily.’ Naisip nito.Mabilis na naglakad si Darryl at nagsimula itong maghanap sa tumpok tumpok na kayamanan. Noong umpisa ay namangha ito sa lahat ng kayamanang nasa kaniyang harapan at nagsimulang lumabo ang kaniyang paningin. Di nagtagal ay napansin nito ang mistulang perlas na pill na nakapatong sa
Nang sandaling iyon ay inilagay ni Darryl ang Heaven Repairing Stone sa laktaw sa ikatlong lebel ng pagoda. Pagtapos ay binigkas nito ang isang ritwal para maibalik sa orihinal na laki ang pagoda.Nang sandaling iyon ay napuno ang silid ng malakas na ispiritwal na aura na inilabas ng Seven Treasures Exquisite Pagoda.Pagtapos ay linya linya ng mga anyo ang nagsimulang maglakad palabas sa pangalawang lebel ng pagoda.Mayroong 150 katao!Mayroong limang lebel ang Seven Treasures Exquisite Pagoda. Sa loob nito ay mayroong isang libong malalakas na mga mandirigma. Mayroong 500 katao sa unang lebel habang mas kaunti naman ang nasa mas matataas na lebel, pero mas malalakas ang mga ito.Nang sandaling iyon ay malinaw na nakita ni Darryl ang napakalakas na 150 na lalaki. Higit sa sampu ang mayroong lebel na Heaven Ascension.‘Hayop! Naging tagasunod ko ang sampung Heaven Ascension na mandirigma.’Nang sandaling iyon ay labis ang tuwqa ni Darryl. Lumapit ito para tingnan maigi ang sampun
Matapos lisanin ang Underground Treasure Chamber ay naging magaan ang loob ni Darryl nang makita nito ang mga kalat paring guwardiyang nagpatrolya sa royal palace. Nang maisip nito si Ambrose ay pumunta si Darryl sa ipinagbabawal na lugar upang sumilip. Wala itong makitang bakas nina Ambrose at Megan sa pormasyon at malinaw na matagumpay ang pagtakas ng dalawa.Hindi na ito nag-alala pa. Pagtapos ay lumipad ang lalaki sa langit at nagtungo sa Royal City.Nang paalis na ito sa Royal City ay tiningnan ni Darryl ang sitwasyon sa labas ng syudad. Agad itong huminto at napakunot ang noo.Nakita nito ang isang daang libong mga sundalo ng North Moana na bumubo ng ilang pormasyon at ikinulong ang mga mandirigma ng World Universe mula sa iba’t ibang sekta sa kagubatan. Tatlong patong ng pader sa loob at labas, kasing tatag ito ng metal at bakal.Sa gitna ng ere ay hawak ni Yang Jian ang Tri-point Double-edged saber habang nakasakay sa Howling Celestial Dog at nagbigay ng mg autos.Si Fanny
”Mga taong mula sa World Universe, kung hindi kayo susuko ay papatayin ko kayong lahat!” Nag-echo ang malamig na boses ni yang Jian.Hindi mapakali si Fanny nang marinig nito ang sinabi ni Yang Jian. Hindi na ito mayabang, bagkus ay natakot ang babae.‘Anong dapat kong gawin? Dapat ko bang pamunuan ang mga sekta para sumuko?’Nang sandaling iyon ay nawala ang tapang ng mga mandirigma para ipagpatuloy ang laban. Laaht ng ito ay handang bitawan ang kanilang mga sandata para sumuko. Malaki ang pagkakaiba ng abilidad at lakas ng mga ito; mamamatay lamang sila kapag pinagpatuloy pa ang pakikipaglaban.“Yang Jian!”Nang biglang narinig ang malalim na boses sa bandang langit at hindi kalayuan, sinundan ito ng mabilis na paglipad ng isang lalaki.Ito ay si Darryl.Napahit na nito ang Transfiguration Powder at nabago ang kaniyang hitsura para maging kamukha si Emperor Hou Yi.Sinundan ni Yang Jian ang direksyon ng pinanggalingan ng boses at lumingon para tingnan ito. Gulat na gulat ang
’Pati si Emperor Hou Yi ay nandito. Nagputa ako para mag-imbestiga sa Royal City. Pero hindi maganda ang kalalagyan ko ngayon.’ Naisip ni Yang Jian.Sobrang natuwa si Darryl nang makita nito namagalang na lumuhod sa kaniyang harapan si Yan Jian.‘Ha-ha! Nakaluhod si Grandmaster Erlang sa aking harapan. Hindi ko kailanman naisip na mangyayari ito.’ Sa isip-isip ni Darryl.Kinlaro ni Drarryl ang kaniyang lalamunan para itago ang pagkasabik, kinausap nito si Yang Jian habang seryoso ang tingin. “Yang Jian, bumalik ka sa palasyo at maghintay sa aking ipag-uutos.’Tila isang maharlika ang kilos ni Darryl nang magsalita ito, ikinuway niya ang kamay sa 100,000 na sundalo ng North Moana. “Marami na kayong nagawa, mga sundalo. Umalis na kayo at bumalik sa kampo.”Nagulat ang lahatl lalo na ang mga mandirigma ng World Universe nang sabihin niya iyon. Gulat na nagkatinginan sa isa’t isa ang lahat.Anong nangyayari? Pinasok natin ang North Moana Palace pero hindi nagalit si Hou Yi. Sa halip
Nang makita nito ang pag-atras ng North Moana ay napabuntong hininga si Darryl. Sa wakas ay nagawa nitong paalisin ang mga iyon. Nang sumunod na sandali ay hindi ito nakapagsalita nang makita niya si Fanny at ang iba pa na gulat na nakatayo roon.‘Mga mangmang; mayroon na silang pagkakataon para makatakas pero hindi nila ginamit. Anong ginagawa nila at nakatayo parin?’ Naisip nito nang kinlaro niya ang lalamunan.Pagtapos ay sinigawan ng lalaki ang mga ito. “Mga tao mula sa World Universe, makinig kayong maigi. Kahit ano pa ang inyong intensyon sa pagpunta rito ay hindi ako mababahala. Binibigyan ko kayo ng pagkakataon ngayon para umalis.”Nagkunwaring seryoso si Darryl. “Hindi ko kayo madaling paaalisin kapag nangyari itong muli. Umalis na kayo ngayon din.”Pagtapos ay ikinaway nito ang kaniyang kamay.Natuwa sina Fanny at ang mga mandirigma mula sa World Universe. Yumuko ang mga ito para pasalamatan si Darryl.“Salamat, Kamahalan.”“Salamat, Kamahalan, sa pagbigay sa amin ng t
Hindi ko lamang halos nakuha ang trono ni Hou Yi, pero nakulong ko rin si Chang Er. Pero hindi niya ako apparusahan? May punto ang hindi nito pagkagalit tungkol sa pagkuha ng lalaki sa kaniyang trono, pero ibang usapan na ang tungkol sa sitwasyon ni Chang Er.’Hindi ito maintindihan ni Yang Jian.Nang sandaling iyon ay naramdaman nitong hindi pamilyar ang ‘Hou Yi na nasa kaniyang harapan. Tila iba ang taong ito.‘Hindi kaya’y impostor ang Hou Yi na nasa aking harapan?’ naisip nito.Nang sandaling iyon ay nagkaroon ng matinding ideya si yang Jian. Napakatindi nito at pati siya ay matakot nang maisip iyon, pero matapos niya itong pag-isipang mabuti ay napagtanto ng lalaki na iyon lamang ang tangin paraan para maipaliwanag ang mga nangyari.Kakiba ang kinikilos ng Kamahalan. Una ay hinayaan nitong umalis ang mga taong mula sa World Universe. Pagtapos ay pinatawad nito ang mga pagkakamali ni Yang Jian. Kung ito nga ang tunay na Hou Yi, dapat ay patay na ngayon ang mga taong mula sa W
”Kamahalan, mayroon akong kahilingan. Limang taon na ang nakalipas, noong nag-cucultivate ako ay mayroon akong hinarap na kaguluhan. Ang kabaitan ng Kamahalan ang nakapagpakalma sa magulong kong internal na enerhiya at natulungan akong lampasan ang paghihirap na iyon. Nito lamang ay mayroon nanaman akong naranasang pagkakulong habang ako’y nag-cucultivate, gusto ko sanang humiling na matulungan akong muli para inyong mapakalma ang aking internal na enerhiya.” Nakatingin sa mata ni Darryl si Yang Jian nang sabihin niya iyon.Alam ng lahat na sa tuwing nakakaranas ng pagkakulong ang isang cultivator, walang ibang paraan para masolusyonan ito kundi ang uminom ng Godly Pill. Pero gagana lamang ang Godly Pill sa mga cultivator na mas mababa sa Martial Emperor. Hindi ito gagana sa kahit na sinong cultivator na mas mataas sa lebel ng Martial Emperor.Mayroong sikretong paraan para makawala sa pagkakakulong ang mga cultivator na mas mataas ang lebel kaysa sa isang Martial Emperor. Napaka bih